Chapter 1

824 40 11
                                    

Victoria Arielie's POV

*Buntong hininga* pang ilang buntong hininga ko na nga ba to? Pang 1000 na ata eh. Okay OA masyado. Eh bakit ba?! Bakit kasi ang laki laki ng 50 000 pesos eh?!

50 000 pesos lang naman ang VIP ticket ng concert ng S7. Ang mahal diba? Nakaka-shutek talaga eh! Tas yung gen ad naman na sobrang layo sa stage eh 5000, kainis diba?

"Ang lalim ng iniisip natin Arielie ah? Sa sobrang deep nakita ko si Adelle na nagrorolling dun hehe." Napairap nalang ako. Ewan ko kung bakit pero naiinis ako sa presensya ng kaklase kong ito. Alam niyo yung feeling na kusa nalang kumukulo yung dugo ko pagkakita sakanya? Opps! Wala akong gusto sa bwiset na to ha?

"Oo nga. Sa sobrang deep lulunurin na kita. Lumayas ka nga sa paningin ko! Tsupi! Shoo shoo!" winawasiwas ko ang kamay ko habang pinapaalis ang panget na si Tristan. Yung mokong naman tuwang tuwa. Baliw lang eh no? Tinataboy ko na nga tas tuwang tuwa pa. Tsk tsk abnormal talaga ang mga lalaki---di nga pala lalaki yun.

Okay balik na uli tayo sa pamomroblema ko. 200 baon ko araw araw. Nagastos ako ng 60 sa pamasahe at 70 naman sa pagkain dito sa school bali 130 pesos na yun. May stock pa naman kami ng pagkain for this month. Ang concert ng S7 ay next month pa to make it more specific ay katapusan ng susunod na buwan. November 15 ngayon tapos December 31 ang concert ng S7 bali may 46 days pa ko para makapag ipon ng pambili ng ticket. 70 x 46 = 3220 TAPOS ISASAMA PA SA GASTOS ANG PAMASAHE AT PAMBILI NAMIN NG STOCK NAMIN SA PAGKAIN TAS PATI TOILETRIES!

Ang saklap naman ng buhay ko. Di pa abot sa 5k yung maiipon ko. *buntong hininga* ano kaya gagawin ko?

*ting!*

*lightbulb*

Alam ko na! Eh kung ibugaw ko kaya si Trinity sa mga mayaman niyang manliligaw?

*Imagination*

"Ibebenta ko sainyo ang magandang babaeng ito na nagngangalang Trinity Denise Luwalhati kapalit ng VIP ticket sa concert ng S7 tapos backstage pass sa concert ng S7 at pati narin ng S7 merchandize. Kukunin niyo ba?"

"Oo miss Phoenix. Kukunin ko po!"

"Ako po ang bibili miss!"

"Andito na po ang hinihingi niyo miss basta akin na po siya!"

Nagtwinkle ang mata ko sa S7 merchandize, VIP ticket sa concert ng S7 at ang hinahangad kong backstage pass sa concert nila.

"Yes! Haha sainyo na si Trinity pero 1 day lang ha? Ibalik mo na uli si Trinity sakin after" Waaaah S7 here I come!

"Aba! Hindi pwede yan miss! Dapat akin na siya forever!"

"Walang forever pwe!"

"Hindi po pwede. Best friend ko po si Trinity at kailangan ko po siya sa buhay ko" pagtutol ko sa pagkuha nila kay Trinity

"Ay nako kung ganyan miss wag nalang." Hinawakan niya ang ViP ticket ko ng S7 at nagsimula nang...

"Huwag! Wag niyong punitin yan please! Akin nalang wag niyo na punitin!"

"BWAHAHAHAHA hinding hindi mo sila makikita Phoenix."

*End of Imagination*

No! Di pwede yun *iling iling* mahalaga sakin ang S7 at si Trinity kaya hindi yun pwede mangyari! Isip nalang uli ako ng isa pang paraan hehe.

Ano kaya?

Isip ... isip
*Ting!*

Alam ko na! Eh kung sagutin ko kaya yung mayaman kong manlilgaw tas papalibre ako ng food palagi tas makikisakay ako sa kotse papasok at pauwi ng dorm. 200 x 45= 9000 woooh!

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now