Ano sabi nung babae? My daughter? Hanudaw?
"Uhm excuse me po ma'am. Time first po muna." sabi ko saka dahan dahang inalis ang pagkakayakap sakin nung babae.
"B-bakit?" sabi niya habang nahagulgol pa.
"Ma'am, no offense po ah pero hu u po?" sabi ko. Nagkatinginan yung babaeng yumakap sakin at saka yung lalaking kasama niya tapos napatingin sila uli sakin. Yung mga malalaking lalaki naman na naghatid sakin dito ay sabay sabay na napatampal sa noo nila. Ang kyut. Para talaga silang mga clone.
"Ah sa loob na tayo mag usap." sabi naman nung lalaking kasama nung babaeng yumakap sakin. Gusto niya ata magkaroon ng exposure sa chapter na to. Anyway highway segway! Sinundan ko nalang sila habang nililibot ko ang paningin ko sa mansyon na ito.
Maraming puno ng mga pink na rosas sa magkabilang side nung dinadaanan namin. Sa gitna naman ay may isang malaking fountain na pink ang tubig. Actually, di ko alam kung pink talaga ang tubig dun or may ilaw lang na kulay pink kaya nagmumukhang pink ang tubig. Nako kung nandito lang si Trinity, matutuwa siguro yun. Favorite color niya kasi ang pink eh. Yung mismong mansyon naman ay medyo moderno yung design. Maraming glass windows kaya kitang kita mo ang nasa loob tas may mga balcony na glass rin yata yung ginamit na harang. White yung mismong kulay ng mansyon. Sa tingin ko mga tatlong palapag ang taas nito.
May isang babaeng naka pink na maid uniform ang nag bow samin tapos tinignan niya ko mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay. Napakasuplada naman neto! Dukutin ko mata niya eh! Charr lang hahaha. Mabait ako hihi.
"Freda, this is my daughter Arielie. She will be living here from now on." Pagpapakilala sakin nung babae. Pero teka---
"PO? TITIRA NA PO AKO DITO?" Sigaw ko. Di ako makapaniwala! Sa magandang bahay na to? Ako? Weh? Ay teka. Di ko pala sila know. Tumawa yung babae at lalaki saka sila nagsalita.
"Pumasok na muna tayo" nakangiting sabi nung babae.
So pumasok na nga kami at namangha ako sa itsura ng loob ng mansyon. Maganda siya sa labas pero mas maganda siya sa loob. Sa pagpasok namin ay dumaan kami sa parang isang hallway. Sa gilid ng bawat pinto na nadadaanan namin ay may mga matataas na vase na puno ng mga pink na rosas. Nga pala, pink rin yung doormat at yung kulay ng mga pader.
Nung nakapunta na kami sa sala ay pinaupo nila ako sa isang pink na sofa kaharap ng sofa na kinauupuan nila. Sumenyas yung lalaki tapos sabay sabay na nag bow yung mga maid at mga lalaking naghatid sakin kanina dito tapos umalis.
"Phoenix Victoria Arielie Royale. You're our long lost daughter." Sabi nung babae. Agad akong umiling saka ako nagsalita.
"Ma'am hindi po ako yun. Ako po si Phoenix Victoria Arielie Dimakatae. Nagkakamali po kayo."
"No. You're our daughter. You are not a Dimakatae. You're a Royale! Listen, kilala mo ba si Pedro at Dianne Dimakatae?" Tanong nung babae. Tumango ako
"Opo. Sila Mang at Apang ko po yun. Bakit po? May utang po ba sila sainyo na hindi nila nabayaran?" Tanong ko sa kanila na medyo kinakabahan. Di kami mayaman. Naalala ko nga noong elementary ako, laging isang pirasong saging na saba lang ang baon ko. Inaasar ako nung mga kaklase ko nun. Palibhasa yung baong nila mga chocolate saka cake eh. Yun tuloy sa katapusan ng taon, mga bungi na sila.
Laking gulat ko nang tumango sila. Susko! Gaano kalaki kaya ang inutang nila mang? Mukha pa namang mayaman tong mga to. Saka, paano namin mababayaran yun?
"Inutang ka nila samin, anak. Inutang nila ang mga una mong salita. Inutang nila ang mga una mong hakbang, ang mga una mong tawa. Lahat ng yun ay di namin nakita. Lahat ng yun ay ipinagkait nila samin. Lahat ng yun na dapat kami ang makakatunghay, lahat ng yun na dapat kami ang makakaranas, kinuha nila yun samin! Anak ko!" Nagsimula nang humagulgol ang babae saka yung lalaki. Samantalang ako, di ko alan kung anong irereact ko. Masyadong marami akong nalaman at di ko alam kung paano ito iaabsorb ng utak ko.
Trinity's POV
Hayyyyy. Anong oras na wala pa si Arielie. Gutom na gutom na ako TT^TT
Si Arielie lagi ang nagluluto tapos ako naman ang tagahugas ng pinggan. Ayaw niya daw kasi maghugas ng pinggan dahil gagaspang daw kamay niya. Arte niya no? Kala niya talaga kinaganda niya yun.
Isa pang iniisip ko, malapit nang magsara ang pinto ng dorm building namin. Paano kapag nasaraduhan siya? Mag aala spider man ba siya at sa bintana papasok? Pero pabebe yun eh. Puno nga di maakyat nun, yung pader pa kaya? Hmm isip isip...
*ting*
Eh paano kung mag ala magnanakaw siya na sisirain ang bintana sa pinakababang floor tapos papasok sa dorm room ng iba tapos gagapang siya na parang ipis papunta dito sa dorm room namin? Ay kaso malaking bulas yun si Arielie eh. Baka bago pa siya makapunta dito, nahuli na siya ng pulis.
Hmm paano kaya siya makakapasok?
"Hoy Trinidad ano nanaman ang iniisip mo? Mukha kang baliw. Ipapadala na ba kita sa asylum" napatingin ako sa nagsalita at doon ko nakita yung iniisip ko.
Napatayo ako at naglakad papunta sakanya saka ko biglang...
"H-HOY TRINIDA- HAHAHAHA TRINI-DAD HAHAHAHA KAPAG DI MO PA KO TINIGILAN KAKALIMUTAN KONG HAHAHHAA BEST FRIEND KITA TAPOS HAHAHA SASAKALIN KITA." sigaw ni Arielie saka sinubukang ilagan ang pangingiliti ko.
"Ayoko! Sabihin mo muna na maganda ako at di ako mukhang baliw!" Sabi ko sakanya habang kinikiliti siya. Aba mga bes di ko matanggap na ang sarili kong best friend ay sinabihan akong mukhang baliw! Sa ganda kong to? Haller?
"OO NA HAHAHA BWISIT KA HAHAHA." sabi niya saka ko tinigilan na ang pangingiliti ko sakanya.
"Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang umuwi? Gutom na gutom na ko Arielie! Bad ka huhuhu." Nag cross arm ako saka tumalikod sakanya.
"Tongak ka Trinity di mo kinaganda yan. Oh eto kumain ka na. Kumain na ko kaya ubusin mo yan." Nagbigay siya sakin ng isang paper bag na may lamang inihaw na manok, barbecue saka dilaw na kanin.
"Waaaah *O* pinapatawad na kita Arielie. Kakain na me! Ahihihi. Grabe ang dinner ko ha 10:30 pm!" Sabi ko saka nagsimula nang lumafang.
Parang feeling ko may nakalimutan ako. Pero di ko talaga maalala kung ano. Ano nga ba yung nakalimutan ko?
"Arielie may nakalimutan ako. Di ko alam kung ano. Ano ba nakalimutan ko?" Tanong ko kay Arielie na nagbukas ng tv at naupo sa kama niya.
"Aba malay ko sayo." Sagot niya sakin.
"And now for the results of the 6/45 lotto, the winning numbers are..."
AYUN NAALALA KO NA! YUNG RESULT SA LOTTO!
"TEKA ARIELIE WAG MO ILILIPAT YAN!" Sigaw ko nang makitang ililipat na niya yung channel saka tumutok sa resulta ng lotto.
Sana manalo sana manalo sana manalo sana manalo sana manalo sana manalo sana manalo sana manalo
***
Waah! Namiss ko kayo guys! Huhuhu. Sorry ngayon lang ang UD naging busy kasi kami. UD uli mamayang gabi. Loveyah guys!
Mananalo kaya si Trinity sa lotto? Sino ba talaga si Arielie? Isa ba talaga siyang Dimakatae o isang Royale na napakayaman at napakahilig sa pink? Abangan...
YOU ARE READING
Love Will Find A Way
Genç KurguFan girls Hanggang dun nalang ba talaga? Wala bang chance na ang fan girls na tulad nila ay maging lover na ng iniidolo nila? Pwede... Pwedeng hindi. Subaybayan ang kwento ni Trinity at Arielie sa kwentong ito.