Chapter 6

321 26 4
                                        

Hi guys! Sorry for the late update.
Dedicated to: MsDeJo, boompakganern_ and juls_leal
***
Nandito kami ngayon ni Trinity sa kotse papunta sa bahay. Dapat magtataxi nalang kami kanina ni Trinity kahit mahal kasi marami kaming dala pero nagulat nalang kami na may sumundo na samin. Ang bilis ng mga pangyayari no? Kaninang umaga nakatanggap ako ng tawag galing dun sa parents ko. Positive ang result ng DNA test. Totoo nga ang sinabi nila aling Ariela at mang Victor na anak talaga nila ako. 

"Ma'am nandito na po tayo."

Trinity's POV

"Ma'am nandito na po tayo." Sabi nung malaking lalaking naka shades. Ang kyot. Para siyang si Hulk hihihi.

Sumunod ako sa pagbaba ni Arielie at nung kukunin na dapat namin yung bag namin ay pinigilan kami nung mga nakashades. Sila na daw magdadala. Oh ha! Bongga namin diba? Panis!!!!

Nilibot ko yung paningin ko sa paligid. Ang kyot kyot ng mansyon na itey. Fenk siya. Fenk! Mah peyborit color!

"Good afternoon anak. Siya ba ang best friend mo?" Tanong ng babaeng mukhang may edad na pero maganda parin kay Arielie tapos nagbeso beso sila. Kamukha siya ni Arielie. Parang pinatandang version lang hehehez.

"Opo, aling Ariela." Sabi ni Arielie dun sa babae.

"Mommy nalang ang itawag mo sakin. Please?" Sabi nung babae at pinisil ang kamay ni Arielie tapos bumaling sa akin.

"Salamat sa pagiging best friend ng anak ko ha? Ilang taon ka na at anong pangalan mo?" Tanong sakin nung mama pala ni Arielie. Kaya pala magkamukha sila hehehez.

"Magkasing edad po kami ni Arielie. Ako po si Trinity." Sagot ko sa mama niya.

Lumaki ang mata ng mama ni Arielie saka tinakpan ang bibig. Parang yung ginagawa lang ni Arielie tuwing nagugulat siya.

"Haru! Magkasing edad kayo ni Arielie?! Bakit ang laki ng pagkakaiba sa height?! Ahem. Sorry. Pumasok na tayo." Ngumiti ng alanganin yung mama ni Arielie sakin saka nauna maglakad na parang nilelead kami habang ako ay naiwang nakanganga.

Maliit ba ako?!

Arielie's POV

Nandito ako ngayon sa sala habang si Trinity naman ay nandoon sa taas sa magiging kwarto namin. Nirequest ko kasi na magkashare kami ni Trinity sa kwarto. Nandito ako ngayon dahil may gusto sana ako itanong.

"Nakausap niyo na po ba si mang?" Tanong ko kay ali--- mommy.

"Hindi pa. Balak namin siyang puntahan bukas." Sagot niya.

Alam na kaya nila na magkasama na kami ngayon ni mommy? Hindi pa siguro. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya?

"May tanong ka pa ba?" Sabi ni mommy sakin ng nakangiti. Hmm ano pa bang itatanong ko? Ah!

"May kapatid po ba ako?" Tanong ko. Napangiti naman siya saka tumango.

"Asan po siya? Saka ano pong pangalan niya?" Tanong ko. Dahan dahang tumayo si mommy at pumunta sa may table na kulay pink- ano pa nga ba- at may kinuha sa drawer nun. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang upuan at nag abot sakin ng isang picture.

Pamilyar yung mukha ng lalaki dun. Parang feeling ko madalas ko na siyang nakikita. Hmm sino nga ba to? At saan ko nga ba to nakikita?

Ah oo! Siya yung madalas kong nakikitang kasama ni Trinity.

"His name is Brian. Mas bata siya sayo ng isang taon. Nasabi ko na sakanya ang tungkol sayo. Nandun siya ngayon sa kwarto niya.

Trinity's POV

Ang tagal naman ni Ariel powder. Napasarap siguro kwentuhan nila ng mommy niya. Aba iniwan ba naman sakin ang pag aayos sa gamit namin. Masyado siyang nagtatake advantage sa kagandahan ko! Hmf!

Kagabi nga pala pumunta sila nanang sa dorm namin at kinuha yung ticket. Tuwang tuwa si nanang. Pati rin naman ako kasi syempre gusto ko na nga silang ialis sa de kahoy na hauz na maraming tulo tuwing naulan at bahain. Naipaalam narin namin ni Arielie ang tungkol sa paglipat namin dito at pumayag naman sila. Pagbutihan daw namin ang pag aaral namin at kumain daw sa tamang oras at iba pang bilin ni nanang.

"Ate? Is that you?" Narinig kong sabi ng isang lalaki. May kapatid ba si Arielie? Siguro. Dahan dahan kong nilingon kung sino yun at nagulat kami parehas nung nagkita kami.

"BRIAN?!"

"TRINITY BABES?!"

Sabay naming sabi. Kapatid ni Arielie si Brian? Small world nga naman! Small world kaso di ko parin nakikita ngayon si Terrence mahloves huhu!

"Wait. You're my sister?! No way! You're not right? Right? Please tell me you're not!"

Magsasalita na sana ako para sabihing 'Hindi. Saka wag ka mag english di kita maintindihan.' Kaso magsasalita palang ako ay nagsalita na uli siya.

"What am I supposed to do now?  Why did this happen? Ugh magpapari nalang ako! Why you of all people?" OA na himutok niya.

=________=

Tatampalin ko tong si Brian eh. Di pa ko nasagot, nagreact na. Tsk. Assume nang assume eh.

"Brian?" Sabi ni Arielie. Ganda ng timing ni Ariel powder. Napalingon sakanya si Brian.

"Ako nga pala si Arielie. Best friend ni Trinity at ako ang ate mo." Sabi ni Arielie. Mukha namang natauhan si Brian. Nako buti nalang talaga dumating si Ariel powder. Kala ko tatampalin ko pa tong si Brian e.

Bali Royale rin pala si Brian. Kaya pala parehas silang dalawang mahilig mag english. Pag uuntugin ko tong dalawang to eh. Hehehez.

Ariela's POV

"So what's your plan, Ariela? You know that they will not leave her alone. Mas lalo na ngayong nakabalik na siya saatin." Sabi sakin ni Victor. Nandito kami ngayon sa library niya.

"I don't know. I want to take her somewhere far. She has to stay there for a while. I'm sure by now ay malapit na nilang malaman na nakabalik na siya."

"Ariela... why don't we take her to US?"

"We can't. Alam mo namang nandun yung iba nilang kamag anak. Let's think of another place. Ang mahalaga ay mailayo natin siya."

Bumalot ang katahimikan saming dalawa ni Victor. Okay lang kahit isakripisyo namin ang ilang taon, wag lang siyang makuha nila uli. Nilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng isang box. Alam ko na.

"Say, Victor. Doesn't she love that boy group? Why don't we take her there, temporarily? We can hire someone to teach her the language so we can take her away from them and we can make her happy. Like hitting two birds with one stone. Why don't we take her to Korea, after the concert?"

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now