Trinity's POV
"Ija, please help us." Sabi ni tita Ariela. Tita daw itawag ko sakanya eh hehe.
Nandito ako ngayon sa study room ng pamilya Royale. Nagulat ako nung bigla akong tinawag kanina ni tita Ariela. Naliligo palang kasi ngayon si Arielie. Matagal maligo yung bruhang yun kaya sabi ni tita ay mag usap daw muna kami. Papasok pa kasi kami sa school syempre.
"Sige po tita tutulungan ko po kayo." Sabi ko kaya napangiti si tita Ariela. Naguguluhan kayo? Ganto kasi yun, pinatawag ako kanina ni tita Ariela kasi may sasabihin daw siya. Inexplain niya na kesyo after daw ng concert ng S7 ay may inihanda daw siyang surprise kay Arielie. Kailangan daw nila ng tulong ko. Iempake ko daw yung mahahalagang gamit ni Arielie dahil daw itatransfer niya daw kami ni Arielie sa isang school sa korea. Sabi ko nga ay paano eh di kami marunong mag korean onti lang alam namin na nakuha namin sa panonood ng kdrama at sa S7 gaya ng 'Saranghae oppa!' Saka wala rin kami matutuluyan doon kaso sabi naman ni tita Ariela ay sila na daw ang bahala dun. Edi syempre ang bruha na si ako ay pumayag na. Aba! Malay niyo makita ko pa dun si Terrence mahloves diba? Ahihihi eneve!!
"I'll give you instructions sa day ng concert. Please keep an eye on Arielie and don't tell her about this." Sabi ni tita Ariela.
"Opo, tita. Ako na po bahala." Ngumiti si tita sa akin at ako naman ay umalis na dahil baka tapos na si Ariel powder at papasok pa kami.
***
Nandito kami ngayon ni Arielie sa school at kakatapos lang ng klase namin. Naglalakad kami papunta sa karinderya sa labas mismo ng school namin dahil nga poor kids lang kami ay este ako lang pala dahil rich siya ay este pala ako narin pala kasi nanalo kami sa lotto. Hihihi. Gulo ko no?
So balik na nga tayo sa sinasabi ko, naglalakad na kami ni Arielie papunta sa karinderya nang biglang may ingrown ay este panget este tao pala na humarang saamin.
Si Mary Joy Bugsad kasama yung mga tropapips niyang mukhang ingrown din.
Tinaasan kami ni MJB ng kilay saka tinignan kami mula ulo hanggang paa saka ngumisi na parang sinasabing 'oh ha may pangresbak na ako sainyo. Bleeeh!'
"JOY SILA BA YUNG SINASABI MONG NANG AAWAY SAYO? SABUNUTAN KO NA BA?" Sigaw nung kasamahan niyang isa na may hawak na aso. Tatlo kasi sila. Isang kamukha ni Mulan tapos may hawak na aso tapos isa namang matangkad.
"Oo Anne. Sila yun. Ipalapa mo nga diyan sa aso mong si Aira." Sabi ni MJB dun sa kasamahan niyang kamukha ni Mulan. Anne pala pangalan nun.
"Anak ng tokwa ka! Aia pangalan ng aso niya!" Sabi naman nung matangkad kay MJB.
"Ay ganun ba Gail? Hehehe. Sorry na." Sabi ni MJB sa mga tropapips niya.
Akmang susugurin na kami nung tropapips niya nang bigla nalang nagsitakbuhan yung mga kamukha ni Hulk sa harapan namin ni Arielie.
Nandito pala sila! Hihihi ganda ng timing nila.
"Madam. May gusto po bang manakit sainyo?" sabay sabay na sabi nung mga kamukha ni Hulk saka nag bow samin.
"Opo kuya! Yang mga ingrown po na yan inaaway kami." Sabi ko saka ko tinuro sila MJB. Nanlaki yung butas sa ilong ni MJB saka siya tumakbo palayo at iniwan mga tropapips niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsitakbuhan narin yung mga prendz niya.
Panget naman ng last exposure ni MJB! Tsk tsk. Ang sama naman ng author hindi man lang ginandahan yung huling eksena ni MJB! Tsk. Beri wrong, author.
***
"GOOOOOOO BEBYBEEEEEEE TERRREEEEENNNCEEEE!"
Wooaahh nakakaloka, nakakapaos na nakakasakit sa panga yung pagsisisigaw dito sa loob ng arena. Jusme mga friendship mababaliw na ata ako wala na akong pake kahit samaan o patayin ako sa tingin ng mga mahaderang babae dito na parang si MJB lang. December 31 na nga pala ngayon. Ang araw ng concert ng S7 at ang araw na pupunta kami sa Korea hihihi.
"WOOOAAAAHHHHH BEBE JOSHHH KOOOO ANG HOT MO!"
OMG!
Talagang literal na napanganga ako sa pagsigaw ni Arielie ng super duper lakas na first time ko lang narinig promise! Pero imbis na problemahin ko pa yun eh natawa na lang ako at umakbay sa bessy ko. Siguro nag overload ang fangirl feels ni Ariel powder.
Lumipas ang ilang minuto susme mga frenship ang sad nung kinakanta nila yung hold me tight na compose pa ni bebe Terrence ko uwaah! Fangirl feels overload grabe nag-aapoy na talaga ako! Ang hot nilang lahat at susme ako lang ba?! Ako lang ba yung napapatingin sa umm nila? De joke lang hehehehez.Pero di talaga joke yun.
Pero joke lang hihi.
Narinig ko naman nag iisniff na si Arielie habang pinapakinggan ang mga bebe namin kaya inabutan ko siya ng tissue at imbis na maikli lang humaba susme talaga!
Paano ba naman kasi...
"Ariel powder! Oa ka na ang haba na nung tissue na kinukuha mo!" pagsigaw ko, tumingin siya sa akin at kumurap ng dalawang beses. Tapos eh suminga lang dun sa tissue na nakalaylay pa sa sahig nako po!
Matapos nun ang kinakanta naman ng mga bebe namin ni Arielie eh yung not today nila na super kinasasabog ng aking obaryo mga bes! Nakikisabay kami sa kanta at minsan nakikisayaw pa ako kahit mali-mali naman at nagmumukha akong may epilepsy. HAHAHA!
Napatingin ako kay Arielie na umakbay sa akin bigla, nakikita ko na umiiyak siya kahit na madilim ditto sa loob ng arena.
"Arielie, bat ka umiiyak? Diba dapat masaya ka? Kasi nakanood na tayo ng live concert ng mga bebe naten, baliw ka na ba?"
Tumawa siya sandali sabay palo sa balikat ko ng mahina.
Sadista talaga siya kahit kailan. Mapanakit ang bessy ko -__-
"Sira! Tears of joy kasi ang tawag dito. Kahit kelan talaga ang ewan mo."
Sagot niya. Tumingin na lang ako sa kaniya at di nagsalita tapos eh binigyan niya lang ako ng isang ngiti na bibihira ko makita kasi madalas siyang nakasimangot dahil siguro kay MJB hayss pampa bad vibes kasi yun eh. Pero habang ngumingiti sa akin si Arielie feel ko maiiyak din ako, ewww ang drama lang.
Umakbay din ako sa kaniya at tumingin kami pareho sa mga bebe namin, at bussseeeetttt!
"KYAAAAAHHHHHH"
"Hoy Trinidad masakit ah!" sigaw ni Arielie kasi natamaan ko ata siya.
Kasi naman!
KYAAAAAHHHHH!!!!!!!!
"Bessy kininditan ako ni bebe Terrence uwaaaahhhhhh!" Sigaw ko at napapaiyak huhuhu hindi tears of joy kundi iyak dahil sa kilig waaaahhhh! Ang ovaries ko wala na aanakan mo pa ako bebe Terrence huhuhuhu!
"Hay nako Trinity." Dinig kong sabi ni arielie pero uwaaahhh sarado ang tenga ko!
Bes sabog! Sabog ang ovaries ko!Arielie's POV
Napaka unforgettable ng araw na to grabe! Una sa lahat ay nakapanood kami ni Trinidad ng live sa concert ng S7 at hindi lang basta live, VIP pa! Yung tanaw na tanaw mo na yung hinahangaan mo? Tapos kinindatan ni Terrence si Trinity kaya nagwala ang bruha ng bonggang bongga at yung pangatlo naman ay ano. Yung ano. Ano kasi ahihihi! Eneveeeee!!!
SI BEBE JOSH KO NAKA EYE TO EYE CONTACT KO BA NAMAN NG MGA 3 SECONDS TAPOS NGINITIAN AKO!!! HELP! MAMAMATAY NA AKO! MAMAMATAY NA AKO SA KILIG!
Nandito na nga pala kami sa may labas ng Arena. Susunduin daw kasi kami after ng concert nila mommy. Sabi ko nga kanina ay kaya naman namin mag commute ni Trinity kasi ayaw naman namin makaabala pero sabi nila ay kailangan daw talaga nila kami sunduin.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nandito na sila mommy. Medyo malaki ang sasakyan na dala nila ngayon saka nakita ko na mas maraming mga bodyguard ang kasama nila. Bakit kaya?
"Halika na Arielie. Bilis baka malate tayo." sabi ni Trinidad saka ako tinulak papasok sa kotse. Malate? Saan? May pupuntahan ba kami?
"Bakit? Saan tayo malalate?" Takang tanong ko kay Trinity. Naandar na ngayon ang kotse nang mabilis. Nagkatinginan si mommy at si Trinity pagkatapos ay tumango si mommy. Anong nangyayari? Bumuntong hininga muna si Trinity bago siya nagsalita.
"Bes, wag ka magagalit sakin ha? Sorry kasi naglihim ako sayo." Sabi ni Trinity saka yumuko, Ganito ginagawa ni Trinity tuwing may nagagawa siyang pwedeng di ko magustuhan.
"Ano yun Trinity? Kapag di mo sinabi kukurutin ko singit mo."
"Bes, aalis tayo. Pupuna tayo sa Korea." Sabi ni Trinity.
Anong nararamdaman ko? Bakit ganito? Halo halo. Para akong natatae na ewan pero medyo nalulungkot ako. Mixed emotions.
Naeexcite ako na natutuwa pero nalulungkot ako kasi kakakilala ko palang sa tunay kong pamilya tapos aalis na agad ako? Saka hindi ko pa nakakausap sila Mang. Iiwan ko ba silang lahat?
"Anak, wag kang mag alala. Tatlong taon lang. Pagkatapos nun ay pwede na kayo makauwi. You have to stay there for at least 3 years. Pagkarating niyo doon sa airport ay may maghihintay sainyo. Siya ang magtuturo sainyo kung saan kayo pupunta saka siya ang magtuturo sainyo ng language doon. For now, di ko pa pwede sabihin sayo kung bakit kailangan niyong pumunta doon pero promise anak, I'll tell you when the time comes. Mag iingat kayo dun ha?"
***
Kumusta ang first week niyo sa school? Masaya ba? Sorry guys kung ngayon lang kami nakapag update. Busy kasi kami sa school eh. Thank you uli sainyong lahat sa patuloy na pagsupporta sa story namin. We love you guys! Mwa!
![](https://img.wattpad.com/cover/78226173-288-k377468.jpg)
YOU ARE READING
Love Will Find A Way
Teen FictionFan girls Hanggang dun nalang ba talaga? Wala bang chance na ang fan girls na tulad nila ay maging lover na ng iniidolo nila? Pwede... Pwedeng hindi. Subaybayan ang kwento ni Trinity at Arielie sa kwentong ito.