Chapter 5

368 30 14
                                    

Arielie's POV

Lutang akong umuwi sa dorm namin ni Trinity. Hindi parin kasi nagsisink in yung lahat ng sinabi nila sa akin e. Ako? Pinanganak ng mayaman na babae? Hindi talaga kapani paniwala eh.

Inabot ko kay Trinity yung inuwi ko galing sa totoong parents ko daw. Dahil di ko talaga maabsorb ang lahat, manonood nalang ako ng tv. Sa di ko alam na dahilan, nakita ko nalang ang sarili ko nanonood ng lotto dito. Great. Ikwento ko nalang sainyo kung anong nangyari. Ganto kasi yun...

Flashback...

"Si Dianne at Pedro ay matalik kong kaibigan. Sila ang tumulong saamin ng iyong ama nang minsan kaming mapadpad sa probinsya nila. Kapos sila sa buhay at wala na ang mga kamag-anak nila sa probinsya. Niyaya namin sila noon na sumama sa amin sa Maynila at nagtrabaho sila saamin. Dating kusinera si Dianne at driver naman si Pedro. Mababait sila. Lahat naman ay maayos ngunit nagbago ang lahat nang malaman nilang buntis ako. Ikaw ang pinagbubuntis ko noon, Arielie. Ilang taon nang mag asawa si Dianne at Pedro pero wala parin silang anak. Baog si Pedro, Arielie. Inggit na inggit noon si Dianne. Ipinanganak kita. Gandang ganda sila saiyo. Bakit nga bang hindi, eh parehas kaming maganda ang genes ng ama mo eh. Ahem. Anyway, Saamin ng ama mo kinuha ang pangalan mo. Ako si Ariela at ang ama mo naman ay si Victor." Sabi nung nanay ko daw na si Ariela pala. 

"Ilang araw yun bago ang binyag mo, anak. Si Dianne ang nagbabantay sayo noon. Kinailangan naming pumunta sa simbahan para asikasuhin namin ang binyag. Pagkabalik namin, unang una ka naming hinanap. Pero, nalaman nalang namin sa ibang katulong na umalis pala sila Dianne. Kasama ka nila. Akala naming lahat ay ipinasyal ka lang gaya ng sinabi ni Dianne pero, hindi ka na nila binalik. Ipinahanap namin sila. Bumalik kami sa probinsya nila at pinuntahan ang mga lugar na sa tingin namin ay pupuntahan nila, pero hindi na namin sila nahanap pa." Napatakip ako sa aking bibig dahil ako ay lubos na nashock. Ginaya ko yung mga napapanood ko sa tv na kapag nagugulat eh dapat takpan ang bibig at lakihan ang mata. Hihi.

"Kung hindi ka naniniwala ay pwede tayo magpa DNA test. Naiintindihan namin na sa ngayon ay shocked ka pa dahil sa mga nalaman mo pero sana pagisipan mo nang mabuti ang tungkol sa paglipat mo dito. Gusto ka naming makasama, anak." Sabi nung lalaki--- este sabi nung tatay ko da--- Mang Victor na nga lang!

"Payag po ako na magpa DNA test po pero hanggang wala pa pong result, dun po muna ako sa dorm kasama po ang best friend ko." Sabi ko sakanila. Tumingin uli si manang Ariela kay mang Victor tapos si mang Victor naman ay nag snap ng fingers niya. Pumasok si Freda na may dalang box at inabot iyon kay mang Victor tapos nag  bow at umalis na.

"Iha, kung papayag ka sanang bukas na bukas ka na lumipat ay ibibigay namin ito sayo. Buksan mo." inabot nila sakin ang isang box na mukhang mamahalin na may malaking pink na ribbon at binuksan ko iyon. Nang mabuksan ko iyun ay para akong nasilaw sa laman niya. WAAAAAH!

NAKITA KO LANG NAMAN SA LOOB AY DALAWANG VIP TICKET PARA SA CONCERT NG S7!!!!

"Pero dahil nga pag-iisipan mo pa, kami nalang ni Ariela ang gagamit nito. Ang kundisyon kasi para makuha ito ay ang pag lipat mo dit---" Pinutol ko na ang sinasabi ng lalaki. 

"Payag na po ako sa isang kundisyon." Sabi ko. Nagningning yung mata ni aling Ariela tapos nagsalita siya.

"Sige anak kahit ano pa yun sabihin mo lang." Sabi niya. Umayos ako ng upo bago ako nagsalita.

"Pwede po bang kung lilipat ako ay kasama ko ang best friend ko?" Tanong ko na medyo nahihiya. Ngumiti silang dalawa.

"Kumain muna tayo." Sabi ni aling Ariela.

End of Flashback

So yun ang nangyari. Kinuhaan na nila ako ng sample para sa DNA test at bukas na bukas daw ay makukuha na ang resulta. Mabilis kasi may koneksyon sila dun.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now