Nandito ako ngayon sa Ednal's Cafe. Natanaw ko na si Tristan sa bintana na kaharap ng mga lalaking di ko kilala. Nakakatakot sila gaya nga ng sinabi ni Tristan.
Pagpasok ko palang sa loob ay nakita na agad ako ni Tristan at parang baliw siyang kumaway kaway sakin. Takas ba talaga sa asylum tong lalaking to?
"A-andiyan na siya oh! Tigilan niyo na ako he-he-he." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ginagawa niyang kalokohan?
"Siya ba talaga yun?" Hinablot ng di ko kilalang lalaki na may baril ang kwelyo ni Tristan. Kung iniisip niyong gagayahin ko yung napapanood sa tv na kapag ginagawa ang scene na ganito ay aawat para iligtas ang lalaki, pwes hindi ito ganun. Aba! Hindi ko ibubuwis ang buhay ko para kay Tristan no!
"O-oo siya yun." Parang nakahinga ng sobrang luwag si Tristan nang bitawan na siya ng mga lalaking nakakatakot.
"Ikaw ba si Phoenix Victoria Arielie---" pinatigil ko na yung lalaki bago pa niya masabi yung apelyido kong nuknukan ng panget.
"Oo ako yun. Anong kailangan niyo sakin?" Sumenyas yung lalaking kasing laki ni Hulk (OA ko) sa mga kasama niya at nagulat ako sa ginawa nila!
"Madam Phoenix Victoria Arielie---" pinatigil ko nanaman si boy Hulk bago niya masabi ang apelyido ko.
"Ano ba? Bakit ba kayo nakaluhod? Anong kailangan niyo?" sunod sunod na sabi ko.
"Madam, parang awa niyo na po sumama po kayo samin." sabi nilang lahat ng sabay sabay kaya nagtinginan samin yung mga tao. Nakakahiya naman itey!
"Sorry po pero sabi kasi sakin ni mang wag daw ako sasama sa mga di ko kilala." Pagkasabi ko nun ay parang pinagbagsakan silang lahat ng langit at lupa. Sabay sabay silang tumingin kay Tristan na nanginginig na.
"Uhm a-a-ano Arielie kapag daw sumama ka sakanila bibigay daw ni-ni-nila lahat ng gusto mong kainin ng libre." Sabi niya na parang naetense. Yung tipong parang kahit anong oras pwede na siyang barilin kapag nagkamali siya ng sinabi. Pero teka, anong sinabi niya?! So akala niya talaga patay gutom ako? Porket pumunta lang ako dito eh! Napakamahadera talaga nitong lalaking to! Sasampalin ko ito eh! Binaling ko ang tingin ko sa mga lalaking nakaluhod sa harapan ko na parang iisang tao lang na ginawan ng maraming clone. Magkakamukha kasi sila eh.
"Totoo ba ang sinabi niya? Kung oo, lika na! What're you waiting for? Masamang pinaghihintay ang guom na babaeng maganda." sabi ko sakanila. Nagtinginan sila na para bang di makapaniwala. May mali ba sa sinabi ko?
"A-ah sige po madam. Sundan niyo nalang po kami." Sabay sabay silang tumayo nung sumenyas yung parang leader nila. Nagbow sila sakin lahat ng sabay sabay tapos sinundan ko sila. Nakarating kami sa parking lot at sumakay sa isang magandang mahabang kotse na kulay itim at tinted ang salamin. After ng ilang minuto nakarating na kami sa isang mansyon. Teka, MANSYON?! UMUTANG BA NG MALAKING PERA SILA MANG AT AKO ANG KABAYARAN?! Binuksan nila ang pintuan at bumaba na ako. Sinalubong kami ng isang lalaki at babae. Parang mas bata sila ng ilang taon kila Mang at Apang pero kahit ganun ay halata sa itsura nila na gwapo at maganda talaga sila. Sino ba sila?
"Phoenix my daughter!" sinunggaban nila ako ng yakap at parang nag-iiiyak yung babae. Pero teka nga uli, tama ba yung narinig ko? Anong sinabi nila?! MY DAUGHTER?!
YOU ARE READING
Love Will Find A Way
Teen FictionFan girls Hanggang dun nalang ba talaga? Wala bang chance na ang fan girls na tulad nila ay maging lover na ng iniidolo nila? Pwede... Pwedeng hindi. Subaybayan ang kwento ni Trinity at Arielie sa kwentong ito.