Chapter 1

1K 17 0
                                    

“WHOOAAAAAH! Namiss ko ang Pilipinas! Na miss mo rin kaya ako, aking lupang sinilangan? “  magiliw na saad ni Zia pagdating na pag dating niya sa Pilipinas.

She is Zia Lorraine de Vera or “Zia” to her friends and family.  Kadadating niya lang galing  Japan. She left the Philippines with her parents when she was 9 years old, dahil doon na assign ang kanyang ama sa trabaho. Doon na rin siya nag-aral ang elementary hanggang high school. Kaya nga lang ay home school lang siya nung mag 2nd year highschool na siya. Masyado kasi siyang nahihirapan makipag communicate sa mga kapwa niya studyante. Hindi siya gaanong magaling mag-japanese kaya minsan ay nabu-bully siya doon sa paaralan na pinapasukan niya. Meron naman siyang mga naging kaibigan doon, pero karamihan sa mga naging kaibigan niya ay Pilipino citizen rin. Kaya nga napakasaya niya nung malaman niyang pauuwiin siya ng parents niya dito sa Pilipinas.

 “Zia! Over here!”

Napalingon siya tumawag ng kanyang pangalan at dali-daling linapitan ito. “Kuya Beiron! Ang gwapo mo na ah! I miss you very much…”

“I miss you too pinsan. Mas lalo kang gumanda.” Anito at niyakap siya.

Si Beiron ay ang pinaka-close niya sa lahat ng pinsan niya. Ito yung palaging kasama niya kahit saan man siya magpunta. Nagkahiwalay lamang sila nito nang mangibang bansa na sya. Ngunit hindi naman nawala ang komyunikasyon nila dahil palagi naman sila nagtatawagan sa telepono noong hindi pa uso ang skype.

“Ano ba kasi ang pinaggagawa mo sa Japan, at ipinatapon ka ulit dito sa Pilipinas?” Ani Beiron at kumalas sa pagkakayakap nila.

“Nakipag gyera sa mga hapon, ano pa nga ba?  Hay, na miss ko talaga ang Pilipinas pinsan! Dito, marami akong kasundo. Doon? Nah, matatanda lang ang kaibigan ko. At saka doon, kung may mam-bully sa akin, sarili ko lang ang kakampi ko. Wala ka kasi.”

Si Beiron kasi ang palaging nagtatanggol sa kanya kung may mam-bully sa kanya.  Ngunit nang mapadpad na siya sa Japan ay natutunan na niyang ipag tanggol ang sarili nya.  Kaya nga lang mukhang na subrahan, naging basagulero na ata siya.

            “Di mo na kailangan ng tagapagtanggol pinsan. Sabi nga ni Auntie na marami ka daw napatumbang lalaki doon sa Japan. Mukhang mas magaling ka pa nga makipagbakbakan kesa sa’kin e.” anito at tumawa.

“Tseee! Ang mabuti pa ay kumain na tayo, dahil nagugutom na ako. Libre mo dapat, dahil wala akong pera.” Aniya

Nauna siyang mag lakad sa pinsan niya, dahil gutom na gutom na talaga siya. Hindi kasi siya kumain nung nasa eroplano pa siya. Mas trip niya matulog dahil alam niyang kapag nasa Pilipinas na siya. Gugustohin niyang mamasyal ng bonggang-bongga.

Pagkatapos nilang kumain ay namasyal na muna sila ng pinsan niya. Namili siya ng mga bagong damit, dahil kaunti lang ang dinala niyang damit dito sa Pilipinas. Karamihan kasi ng mga damit niya doon sa Japan ay mahahaba ang manggas at hindi bagay sa klima ng Pilipinas kaya iniwan niya lang doon.

MASARAP ang naging tulog ni Zia sa gabing iyon, kaya maganda rin ang kanyang gising. Naisipan niyang mamasyal kasama ang bike niya na si Spongebob. Adik-adikan kasi siya sa cartoon character na si Spongebob, kaya nung huli siyang bumisita sa Pilipinas ay nagpabili siya ang bike na kulay yellow at pingalanan niyang Spongebob—ang saya diba?

Magpapaalam sana siya sa pinsan niya na mamamasyal siya sa park ngunit napansin niyang wala ito sa bahay. Nakatanggap na lamang siya ng message na umalis ito upang makipag kita sa mga barkada nito.

Langyang pinsan,inunahan siyang maglakwatsa. Mabuti nalang at ipinagluto na siya nito breakfast at hindi na niya kailangan mag luto pa. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nag bihis. Excited na talaga siyang mamasyal.

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon