Chapter 2

367 10 2
                                    

“BAKIT ba ang tagal mong dumating huh?” Ani Stephen.

“Oo nga, hindi naman traffic dahil weekend ngayon, walang pasok ang mga tao at bakasyon pa.” Sabi naman ni Brad.

“May inasikaso lang akong importante.”sagot nya sa tanong nito.

“Ano, o baka naman SINO? Hahah—ARAayy!!” ani Stephen ng batohin niya ng throw pillow.

“Huwag mo akong itulad sayo na may maraming chix pare. Kahit gwapo ako, ginagamit ko naman ito sa tama.” Aniya

“Ay suuuuus!!! Pa humble pa e ‘no?”

Nagtawanan sila lahat.

Simula pa elementarya ito na ang mga kasama niya. Pareho silang mahilig tumogtog kaya naman nung ma isipan nilang tumayo ng isang banda. High school sila nag simulang tumogtog na magkasama ngunit college na nila na binyagan ang kanilang banda. Sa tuwing may magtatanong sa kanila kung ano ang pangalan ng banda nila, ang tanging sagot lamang nila ay “EWAN”. Kaya naging sikat sila dati sa kanilang skwelahan dahil sa banda nila e sama pa ang kagwapohan nila. Noong tumongtong sila ng college ay doon na nila naisipan paangalanan ng maayos ang banda nila. At iyon nga ang Stack Overflow Band.

“Pero pare seryuso, bakit ka nga ba natagalan. Hindi ka naman dati na lalate ah. Ngayon lang talaga”sabi ni Beiron

Tama ito, siya ang most punctual sa apat nilang magba-barkada. Ni minsan hindi siya na late, palagi siyang on time. Nale-late lamang siya kapag may importante siyang ginagawa.

“May nabundol akong babae kanina habang papunta ako dito.”

“ANOOOOO??”sabay-sabay nitong saad.

“Nakapatay ka?!”

Bintatokan niya si Stephen.“Don’t exaggerate pare. Nabundol ko nga, pero ‘yong bike niya lang ang na tupi at ‘yong babae? Ayon mas malakas pa sa kalabaw. Sinubukan ko ngang tulongan, pero ayaw tanggapin ang tulong ko. Tss.”

“Aww~ that’s harsh pare. Ikaw? Tinanggihan? Ang isang Khen Aizen Arenaz, tinanggihan ng isang babae? Oh c’mon!” panunukso naman ni Brad

“Kahit hindi ko pa kilala iyang babaeng tinutukoy mo, gusto ko na siya.” ani Beiron at ngumiti

Nag thumbs up naman ang dalawa.

Muli naman niyang na alala ang nangyari kani-kanina lang.

Nagmamaneho siya papunta sa bahay ni Beiron pero naisipan niyang dumaan sa may park dahil mas mabilis siyang makakarating sa bahay ng kaibigan kung doon siya dadaan. Kaya nga lang, naka bundol siya ng isang shunga-shungang babae.

Bigla-bigla ba namang huminto sa gitna ng daan. Mabuti nalang at na apakan niya agad ang break at hindi gaanong malakas ang pagkakabundol niya doon. Tumilapon ang babae sa gilid ng daan. Mabuti na lamang at sa may damuhan ito nag landing at kung hindi baka na erase ang pag mumukha nito.

Mabilis siyang bumaba ng kanyang kotse upang tulongan ang babae. Ngunit Hindi man lang nito pinansin ang alok niya, mabilis itong  tumayo at sinugod ang kotse.

“Huy! Lumabas ka riyan. Langya ka! Sinira mo ang Spongebob ko!” sinipa-sipa ang gulong ng kotse niya. “Panagutan mo ako—ay mali… Panagutan mo ang ginawa sa Spongebob ko! Hoy! Lumabas ka na riyan! Gong-gong ka! Lumabas ka sabi

“Nasa labas na ako miss.”

Agad siya nitong binalingan.“Huy mister! Langya ka! Sinira mo ang spongebob ko alam mo ba?”

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon