Chapter 9

231 6 0
                                    

MALAPIT na mag mag-alas-sais ng hapon nang tawagan siya ni Danica na mamasyal. Balak sana niyang tanggihan ang alok ng dalaga, ngunit nahalata niyang parang malungkot ito, kaya naman ay pumayag narin siya sa huli. Madalas na sila nitong magkayayaang lumabas kaya naman ay naging malapit na rin siya dito.

Nalaman na rin niya na matagal na itong may gusto kay Brad. Simula ng makilala niya ito ay agad na daw tumibok ang puso niya para dito. Ito daw kasi ang palaging nagtatanggol sa tuwing na bubully ito ng mga studyante noong nasa elementarya pa sila. Nalaman niyang nerd daw ito noon kaya madalas itong ma-bully. Kaya sa tuwing wala ang kuya nito—si Stephen, ay naroon si Brad upang protektahan ang musmus na si Danica. Kaya naman, hindi mapigilan nito na tuluyang mahulog ang dadamin para sa binata.

“Zia!” tawag ni Danica at dali-daling yumakap sa kanya.

“What’s wrong? May nang bully ba sa’yo?” aniya na hinahaplos ang malambot nitong buhok.

“Binusted niya ako.” Anito at tuluyang umiyak.

“Shhh… Huwag kang umiyak. Pagtitinginan tayo ng tao dito sa Park.”

“Wala akong pakialam sa kanila! Wala naman silang karapatan na panghimasukan ang buhay ko. Basta nasasaktan ako ngayon.”

“Shh… Let’s go somewhere else. Huwag kang umiyak dito. Punta tayo sa bahay ko.”

“No.” mariing tanggi nito. “Gusto kong uminom. Gusto ko sa bar tayo.”

Natigagal siya sa sinabi nito. Seryuso ba ito?! 'Di ba delikado dun? Pero gaya ng nangyari kanina, ito parin ang nasunod.

BORE na bore na ipinalibot ni Zia ang paningin sa bar. Killjoy na kung killjoy basta wala siyang nagustuhan sa lugar na iyon, maliban na maingay, ang gulo-gulo pa. Ang daming lalaking lumalapit sa kanila upang makipagsayaw, kaya siya naman ay tanggi ng tanggi. Mag da-dalawang oras na sila doon, sumasakit na rin ang pwet niya sa kaka-upo, habang ang kasama naman niya ay kahit na lasing na lasing na ay hindi parin tumitigil sa pag-inom. Panay rin ang dal-dal nito tungkol sa nararamdaman nito.

Inagaw niya ang baso mula sa kamay ni Danica. “Dan, uuwi na tayo. Lasing na lasing ka na.”

“Hanung lashing hang phinagshashaveh moh… Hindi fa akho lashiiiing! Kung lashing na hako dhafat hay 'di kho na nararamdaman hang shakit ng pusho koh…” anito at pinipilit na agawin ang baso na inagaw niya dito.

“Aiiishh~ huwag ka nga Killjoy Z-sh-shia! Fara kha namang khafatid koh, khii-jheey! Vahalah ka jan, maramih namang basho ang bar. Mag-oorder nalang ulit ahko…. Uy! Manong waiter isha fa nga!”

Hay! Parang nahahawa na siya sa pagiging lasing nito. Dapat nung una palang ay hindi na siya pumayag na pumunta sa lugar na iyon. Napabuntong hininga na lamang siya at inimom ang tubig na in-order niya.

Umikot ang paningin niya nang malasahang hindi tubig ang nainom niya. Syet! Alak ‘yon! Her lips were burning.

“Oh my Juice!” sambit niya. “What the heck’s in this drink!”

“Hindi tsuveg hiyon! Ang halak na hinihinom ko ang tinunga moh!” anito at humalakhak.

Nilingon niya ito. Umikot na naman ang paningin niya, kaya pumikit siya ng mariin. Bakit ba hindi niya tiningnan kung tama ba ang nadampot niya o, mali.

A moment later…..

Malutong na halakhang ang kumawala kay Zia habang nakikinig sa mga kwento ni Danica. “Nakhakha-haliw kha naman Dhanhicah!” aniya at tumawa na naman.

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon