Chapter 3

287 9 0
                                    

            DUM DUM TSSS! BA DUM BA DUM TSSS!!!

            [A/N: tunog po iyan ng drums… Pasensya na, yan lang nakayanan ee.]

            Nagising si Zia sa tunog ng drums. Nagpa-practice na naman siguro ang pinsan niya at ang banda nito. Sasali kasi ang banda nito sa isang battle of the band. Kaya naman panay ang practice ang mga ito. Paminsan-minsan dito sa bahay nag papractice ang banda kagaya ngayon.

            Pero ni minsan hindi niya sinubukang manood sa practice nang pinsan niya dahil alam niya na masisira lang ang araw niya dahil sa kaibigan nitong kalahi ni Squidward. Dahil sa tuwing nagkakatagpo ang mga landas nila ay para silang aso’t pusa kung magbangayan. Kaya naman inilalayo na lamang niya ang sarili sa lalaki upang maka-iwas sa gulo.

            Wala talaga siyang balak manood sa practice, pero namalayan na lamang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto kung saan nagpapractice ang pinsan niya. Aalis na sana siya nang bumukas ang pinto.

            “Hi pinsan ni Beiron, good morning!”

            Napatanga siya sa lalaking bumati sa kanya. God! Ang gwapo niya! Sigaw ng kanyang isipan.

            “Manonood ka sa practice namin? Halika, pasok.” Imbita sa kanya ng lalaki.

            Siya naman ay parang batang sumunod ditong pumasok sa loob.

            “Huy, asungot anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman kasali dito ah!”  saad naman ni Khen.

            Nang dahil sa tumawag sa kanyang asungot ay bumalik siya sa kanyang sarili.  Nakakasira ng araw!

            “Huy ka rin pangit!Paki mo ba?! Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito, kaya kung pwede lang tantanan mo ako.”

            “Aish! Ang aga-aga nag-aaway naman kayo.” Saway naman ni Beiron

            “Oo nga, tigilan mo na nga ‘yang pag-aaway mo sa pinsan ni Beiron.”sabi naman ng gwapong lalaki at lumapit sa kanya. “Hindi pa pala ako nagpapakilala sa’yo miss.Ako nga pala si Stephen.”

            “Ako naman si Zia Lorraine, pero tawagin mo nalang akong Zia.” aniya at agad na tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

            “Ang lambot ng kamay niya… Ang gwapo-gwapo pa, nakakakilig!!!” sa isipan niya.

            Napansin niyang may nakatingin sa kanila, kaya naman tiningnan niya kung sino at nakita niya si Khen. Agad naman nitong iniwas ang mga tingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

            Panay ang titig ni Zia sa drummer ng banda na si Stephen.Talagang nagagwapohan siya binata. Hindi siya maka get-over, lalo na at mas guma-gwapo ito kapag nagda-drums na. Nakakakilig!Abot hanggang tenga ang kanyang mga ngiti habang pinagmamasdan ang binata.  Pero, hindi rin niya maiwasang masulyapan si Khen na naggi-gitara, ito kasi ang lead guitarist ng banda at vocalist naman ang pinsan niya. Napansin din niyang, gwapo din pala ito—ay mali, alam na niya dati na gwapo ito, pero mas lalong itong nagiging gwapo kapag naggi-gitara. Sabihin nalang natin na sila talagang lahat ay gumagwapo kapag hawak na nila ang kani-kanilang musical instrument. Mahalata talaga sa kanila na passion talaga nilang tumugtog.

            Hindi nagtagal ay na e-enjoy narin niya ang musika, napapakanta narin siya ng konti, oo konti lang. Mukhang napansin siya ni Brad na kumakanta siya, kaya naman ay hinila siya nito sa harap ng microphone. Noong una ay ayaw niya talaga kumanta dahil nahihiya siya lalo na at nasa harapan siya ni Stephen, ang new found crush niya. Pero sa huli ay pumayag narin siya lalo na nung sabihin ni Beiron na duet silang dalawa.

            “Sige pinsan,Closer You and I ang kakantahin natin.Paborito mo naman iyon ‘di ba?”

            Tumango siya. Ito talaga ang pinakapaborito niya sa lahat, lalo na at ini-revive ito ng bandang Spongecola ang paborito niyang banda. Ewan nga ba niya, talagang mahilig siya sa Sponge, una si Spongebob, pagkatapos ang Spongecola na naman. Kahit nasa Japan siya ay hindi niya iniwan ang OPM.

            Kinabahan siya bigla nung simulan nang patugtugin ni Khen ang gitara.

Ang pinsan niya ang unang kumanta, pagkatapos ay siya naman.Sabay naman sila sa chorus.

“Hey, there's a look in your eyes

Must be love at first sight

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed”

“But my love couldn't wait much longer

Just can't forget the picture of your smile

'Coz everytime I close my eyes

You come alive”

“The closer I get to touching you

The closer I get to loving you

Give it a time

Just a little more time

We'll be together”

“Then could I love you more

So much stronger than before

Why does it seem like a dream

So much more so it seems”

“I guess I found my inspiration

With just one smile, you take my breath away

So hold me close

And say you'll stay with me now”

Feel na feel na niya talaga ang pagkanta niya may pa smile-smile pa siyang na lalaman. Sabay sulyap sa crush niya at… kay Khen. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may humihila sa mata niya upang tingnan ito.

“The closer I get to touching you

The closer I get to loving you

Give it a time

Just a little more time

We'll be together

Every little smile

That special smile

The twinkle in your eye

In a little while

Give it a time

Just a little more time

So we can get closer

You and I”

            Ngayon ay talagang nag e-enjoy na talaga siya kasama ang banda ng pinsan niya. Kahit ang kina-iinisan niyang asungot na si Khen ang nag-smile na siya, lalo na sa kanyang crush na si Stephen heavy ang pag-papacute niya dito ‘no.

            Nasubukan na rin niyang kumanta ng solo, at ang kinanta niya ay ang Let the Flames begin ng Paramore. Feeling niya myembro na rin siya sa banda na iyon.

            Ang sarap talaga ng feeling niya nang araw na iyon, medyo matagal-tagal narin kasi siyang hindi nakipag-jam sa mga ka same age niya. Doon sa Japan kasi, masyado siyang hinihigpitan ng Daddy niya. Kulang na lang ay ikulong siya nito sa bahay na parang isang preso.

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon