Chapter 7

227 6 0
                                    

ISANG buwan na lang at pasukan na, pero parang dalawang tulog na lang iyon sa kanya. Hindi pa kasi siya nag-e-enjoy sa bakasyon niya dito sa Pilipinas. Gusto na rin sana niyang mamili ng mga bagong gamit, para naman kahit papaano ay makaramdam siya ng excitement na pumasok.  Masipag siya sa lahat ng bagay pero pag dating sa pag-aaral, ibang usapan na ‘yon. Isa pa, hindi pa rin bumabalik ang pinsan niya galing sa probinsya. Wala siyang kasamang mamili ng gamit. Ayaw naman niyang tawagan si Khen dahil alam niyang maiinis lang siya. Laking pasalamat nga niya hindi ito pumunta ngayon doon, tatawagan na naman niya. TSK!

Nag ring ang cellphone niya, nang tingnan niya hindi naman naka register ang number nito sa cellphone niya. Kaagad niya itong sinagot dahil baka importante iyon. Bigla namang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang malaman kung sino ito.

Tumawag si Stephen sa kanya! Kaya naman ay tuwangtuwa siya.

“Ahh… Bakit ka nga pala napatawag Stephen?” aniya na hindi matago ang ngiti sa kanyang mga labi. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kapag tumawag ang crush, ‘di ba?

“Gusto ko lang sanang yayain kang mamasyal, kung hindi ka busy.” Saad naman nito sa kabilang linya

“Ay, naku! Hindi ako busy basta ika—ah… Wala na kasi akong gagawin dito ngayon sa bahay.”

“Sige, susunduin nalang kita diyan sa bahay mo.”

“Okay, magbibihis na rin ako. Bye…”

Impit siyang napatili nang mag hang-up na ito… Sa wakas ay makakasama na niya ng matagal-tagal. At ito pa mismo ang susundo sa kanya doon sa bahay. How sweet!  Kinilig talaga siya ng bongga. Ilang minuto rin ay dumating na sa kanilang bahay si Stephen upang sunduin siya.

TUWANG-TUWA si Zia habang namamasyal kasama si Stephen. Hindi lang sa crush niya ito, natutuwa rin siya dahil hindi ito boring kasama. Walang oras na hindi siya nito napapatawa. Madaldal din ito, hindi nawawalan ng topic. Mukhang nasa dugo talaga ng magbabarkada ang pagiging mayabang nito. Pero kahit ganoon, hindi siya na iinis habang pinapakinggan ito, natatawa pa nga siya sa tuwing ipinagmamalaki nito ang gwapong mukha sa kanya.

Napagod narin sila dahi, halos buong mall ay nalibot na nila. Nabili na rin nila lahat ng kailangan nilang bilhin, kaya naisipan nilang pumunta sa isang ice cream parlor.

“Napakasaya mo naman palang kasama Zia.” Nakangiting wika ni Stephen sa kanya at sumubo ng ice cream

“Ikaw rin naman…”

“Ngayon alam ko na kung bakit…Cellpone mo ba ‘yang nag ri-ring?” anito ng mapansing may tumatawag sa kanya. At si Khen iyon.

Kanina pa niya hindi sinasagot ang mga text nito, syempre ayaw naman niyang ma isturbo sa lakad nila ni Stephen no, alam rin naman niya kukulitin lang din siya nito, kaya mas minabuti na lamang niyang huwag pansinin ang text nito. “Ah…Oo.”

“Sagutin mo na. Baka importante iyan.”

She excused herself and answer the phone.

“Hello… Kanina pa kita tini-text. Bakit hindi ka nagre-reply?”ani Khen kabilang linya

“Wala akong load…” palusot naman niya

“Ah… ganoon ba? Asan ka ba ngayon? Nandito ako sa bahay mo, pero wala ka.”

“Nandito sa mall, nagyaya kasi itong si Stephen mamasyal kaya sumama narin ako.”

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon