Chapter 5

232 6 0
                                    

ILANG ARAW na ang lumipas simula nung battle of the bands, at ilang araw nalang din ang natitira at magsisimula na naman ang klase. Sabi naman ng pinsan niya ay naayos na lahat ng dapat ayusin para sa pag transfer niya doon sa unibersidad na papasukan niya, presensya niya nalang ang kulang.

            Iniisip pa lang niya na magsisimula na ang pasukan tinatamad na siya. Hindi pa nga siya nakakapag-enjoy sa bakasyon niya pasukan na naman.  Napangalumbaba na lamang siya sa arms ng sofa at bumuntong hininga.

            “Ba’t parang ang lungkot mo? Namimiss mo ako no?” anang pamilyar na boses

            “Hmm—Huy! Anong ginagawa mo dito asungot ka?! At bakit nakapasok ka? Hindi ka man lang kumatok?!” singhal niya dito.

            “Bakit pa ako kakatok kung iniwan mong bukas ang pinto. Tanga ka talagang babae ka. Kung ayaw mo mapasok ng basta-basta sinara mo sana yang pinto at ini-lock.”

            “Whatever… Ano ba ang ginagawa mo dito? Wala ang pinsan ko. Hindi mo ba alam? Pumunta siya sa probinsya.”

            Pumunta ng probinsya si Beirondahil na laman nito na namatay ang lolo nito—daddy’s side nito. Pasasamahin sana siya nito, pero tumanggi siya dahil balita kasi niya marami daw ghost sa lugar na iyon at takot siya sa mga momo kaya naman hindi siya sumama dito.

            “Alam ko.”

            “Eh, bakit nandito ka?!”

            “Para bisitahin ka, ano pa nga ba? Na balitaan  ko kasi, wala si ate Sabel dito ngayon. Kaya sasamahan kita, para naman ‘di ka ma bored. ”

            “Tss…” inirapan niya ito. “Sisiraan mo lang araw ko, kaya umalis kana.”

            “Paano kung ayaw ko?”

            “Bahala ka sa buhay mo!” binato niya ito ng throw pillow at tumayo

            Padabog siyang naglakad pa puntang kusina. “Kung si Stephen lang sana ang pumunta dito, mas matutuwa pa ako. Ako pa mismo mag sa-suggest na dito siya matulog.” Bulong niya

            “Narinig ko ‘yon.”

            Nataranta siya nang marinig niya ang boses mula sa likod niya. Hindi niya alam na sumunod ito sa kanya. Napaatras rin siya nang malamang ang lapit-lapit nito sa kanya.

            “Huwag ka ngang mang gulat! Malayo pa ang Halloween !” she took one step backward

            He took one step forward “Sorry, di ko naman sinasadyang gulatin ka. I just want to make a conversion with you. You know, para hindi naman mapanis ‘yang laway mo.”

            “Tsss. Mas nanaisin ko pang mapanis itong laway ko. Kesa makipag-usap sa isang kagaya mo!” Again she took one step backward

            He also took one step forward and smirked. “Bakit ka ba lumalayo?”

            “Bakit ka lumalapit?”

            “Kasi lumalayo ka. Bakit ka ba lumalayo?”

            “Kasi lumalapit ka! Aiish!”

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon