Chapter 6

228 6 0
                                    

NA GISING si Zia nang mag ring ang cellphone niya.It was his cousin—Beiron.

“Oh pinsan, ang aga-aga pa…ba’t napa tawag ka?” inaantok na saad niya

“Anong maaga, e mag tatanghali na. Malapit na ang pasokan, dapat sanayin mo na ang sarili mong gumising ng maaga.”

Kuso! Tumawag ka lang ba upang sermonan pinsan? Naman e! Nagiging kagaya kana ni Khen.”

“And speaking of that jerk, nagpaalam siya sa akin na sasamahan ka niya diyan sa bahay. Magkasundo na ba kayo? Hindi mo na ba siya inaaway? Nagkakamabutihan na ba kayo?” sunod-sunod na tanong nito

“Let’s see… Hindi, hindi, at lalong hindi!” aniya bilang sagot sa mga tanong nito. “Bakit ka ba pumayag? Sinisira niya lang araw ko.”

“Tss. Mabait naman si Khen e, dapat magpakabait ka rin sa kanya.”

“Mabait? Ang lakas-lakas nga mang-asar nung asungot na iyon eh!”

“Asar talo, at saka… alam mo bang hindi lumalapit sa babae si Khen? Sa ‘yo lang, kaya magpakabait ka sa kanya. Dahil kapag nalaman ko na inaaway mo parin siya. Mapipilitan akong ikulong kayong dalawa sa kwarto ng isang araw o hindi naman ay magiging alalay ka niya for month.”

Natigilan siya sa sinabi nito.  Tama ba ang narinig niya? Na hindi raw ito lumalapit sa babae, at sa kanya lang? O baka naman nag ha-hallucinate lamang siya. Masado pa kasi siyang antok, hindi pumasok sa kokote niya ang sinabi nito. Oo, tama. Antok lang talaga siya.

 Magsasalita pa sana siya pero busy tone na ang narinig niya. Langyang pinsan binabaan siya! Muling nag ring ang cellphone niya, na agad naman niyang sinagot. Aawayin na sana niya ito pero mukhang nag iba ang boses nito.

“Huy asungot, bumaba kana riyan. Nakahanda na ang almusal.” anang nasa kabilang linya.

Anak ng tinapa! Nandoon na naman ang hinayupak na lalaki sa bahay niya. Dali-dali siyang bumaba para sana awayin si Khen pero pag dating na niya sa kusina ay kumalam naman ang sikmura niya. Nagugutom siya sa amoy ng pagkain na nasisinghot niya. Kilalang-kilala niya ang pagkain na na-aamoy niya. Hindi siya nagkakamali. Bacon iyon. At dahil nga gutom na siya. Ipag papaliban na muna niya ang pang-aaway sa asungot na iyon.

“Salamat.” Aniya at maganang kumain

Ngumiti ito “Iyan lang pala ang magpapa ganda ng mood mo. Mabuti na lang may talent ako sa pagluluto.”

 “Aitsu! Nagmamayabang kana naman. Pwede bang bawas-bawasan mo yang kayabangan mo? Baka lumipad ‘tong kinakain ko diyan sa mukha mo, ang hangin mo kasi.”

Inirapan niya ito at muling nagpatuloy sa pagkain.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit madami ‘yang hinanda ko?”

“Dahil… Alam mong malakas akong kumain?”

Tumawa ito sa sinabi niya na ikinaiinis na naman niya.

“Tama—Bro!”

Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil may tinawag ito mula sa likod niya. So, nag imbita pa pala ng kasama ang mokong na ‘to. Feel na talaga nito na bahay na niya ito. At dahil nga curious rin siya sa tinawag nito ay lumingon na rin siya.

“Pinsan! Bakit ‘di mo sinabi na uuwi ka na pala. Tumawag ka naman kanina ah.”

“Actually, bumalik lang ako dito para kumuha ng damit. Marami kasing importanting gagawin doon sa probinsya, matatagalan pa bago ako babalik ulit dito, kaya si Khen na muna ang mag-aalaga dito sa’yo pinsan.”

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon