Chapter 8

230 7 0
                                    

TAHIMIK lang siyang nanunuod ng TV kasama si Khen samantalang ito naman ay panay ang pagki-kwento nito about sa pinapanuod nila, medyo nasasanay na rin siya na kasama ito. Nagkakasundo na rin sila nito, siguro ay napagud na rin siyang sungitan at awayin ito dahil kahit anong gawin niya ay hindi naman ito nawawala sa tabi niya, mas lalo pa nga itong lumalapit sa kanya tuwing sinusungitan niya ito.

Hindi niya gaanong naririnig ang pinagsasabi ni Khen dahil nakatoon ang atensyon niya sa cellphone niya. Napansin niyang tumahimik ang binata, kaya naisipan niyang lingunin ito. Parang sumabog ang dibdib niya sa kaba nang malaman niyang ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa, pero hindi ito nakatingin sa kanya. Nakatingin ito sa cellphone niya at binabasa rin ang message doon, at madilim na naman ang aura nito.

“Kaya pala kanina kapa walang imik, dahil hindi ka naman pala nakikinig sa akin?!” bakas sa boses nito na galit ito sa kanya.

“N-nakikinig naman a-ako sa’yo… A-ano lang…Ahh…” Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag dito na hindi ito mas lalong ma galit sa kanya.

Mas lalong hindi siya makaimik nang kunin ni Khen ang cellphone niya at inihagis sa labas ng bintana. “Bakit ba palagi nalang si Stephen ang iniisip mo huh?! Bakit ba siya nalang palagi?! Ako naman ang kasama mo ngayon, kaya ako nalang ang initindihin mo! Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang nababaliwala ang presensya ko ng taong gusto ko.”

Nalilito siya kung ano ang dapat na maramdaman niya, magalit dahil pinakikialaman nito ang buhay niya kahit wala naman itong karapatan o matuwa dahil nagagalit ito dahil ayaw nitong may kahati sa atensyon niya at lalo na sa sinabi nitong gusto siya nito. Tatayo sana siya upang kunin ang cellphone niya na hinagis nito, but he didn’t let her go. He pulls her closer to him instead.

“Huwag mo nang intindihin ‘yong cellphone mo. Ako ang intindihin mo.” Anito habang titig na titig sa kanya na tila ng hahalina, i-sama narin ang nanglalambing nitong boses. It’s like music to her ears. Mabuti nalang at naka-upo sila, dahil kung hindi, baka na tumba na siya dahil sa nanlalambot niyang tuhod.

Now his lips were only a breath away from hers. She could feel his hot breath mixing with her own. Hindi na naman siya makapag-isip ng maayos. Tila iisan oragan nalang ang tanging gumagana ng maayos ng mga sandaling iyon—ang kanyang puso, at parang tinutukso pa siya nitong halikan ang mga labi ng binata.

Then it happened. His lips touched hers. But it seemed a little brushing of their lips wasn’t enough. He took their lips again for a short deep kiss. Napakurap-kurap na lamang siya nang sa wakas ay magkahiwalay ang kanilang mga labi.

“Hmmm…” Khen lightly touched his finger to the side of her lips. “Not bad.”

The words sent her crashing back to the reality. Sa kabila ng malakas paring tibok ng kanyang puso dahil sa katatapos lang din na pangyayari, at least nagawa na rin niyang makapag-isip ngayon.

“Not bad?” ulit niya sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?! Gumaganti ka ba dahil sa ginawa kong hindi pag pansin sa’yo?!”

Hindi ito sumagot. Bugkos ay nanatili lang itong nakamasid sa kanya. Hindi lang siya asar dito, kundi pati na rin sa kanyang sarili, dahil nagpadala siya sa kanyang emosyon. Gusto niyang pilipitin ang leeg nito.

“Not bad pala, huh? O, eto, try mo kung ‘not bad’ din ito.” Aniya at sinuntok ito sa mukha. Wala na siyang pakialam kahit na pumangit ito. Mas mabuti na nga iyon at ng hindi na siya nito basta-bastang naaakit. “How dare you play with my feelings?! How dare you kiss me?! Hindi por que gwapo ka!  Hindi por que naaakit ako diyan sa ka gwapohan mo, ay hahalikan mo na ako?! Nagpa-alam kaba? Pinayagan ba kita? Hindi!”

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon