Chapter 10- Ending part 1

243 6 0
                                    

WALANG ka buhay-buhay si Zia habang nakatingin sa labas. Umuulan noon na mas nakadag-dag sa pagse-senti nya. Nasa isang café siya noon, naisipan niyang mamasyal baka sakaling mawala ang pagkabagot niya, pero kahit anong gawin niya nababagot parin siya. Kulang na kulang iyong araw niya na hindi kasama si Khen. Miss na niya ang pang-aasar nito. Haayyy! Mahal na niya talaga ang binata. Patingin-tingin rin siya sa cellphone niya baka sakaling mag-text sa kanya si Stephen, at pumayag nang makipag-usap na sa kanya si Khen.

“What do you want to eat? Crêpes with Vanilla Ice Cream ang binibili ko kapag nandito ako. Gusto mong tikman?”

Narinig niyang sambit ng bagong pasok na costumer. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Napabuntong hininga na lamang siya, mukhang grabeng pagka-miss na talaga ang nararamdama niya para kay Khen, pati kasi boses nito naririnig niya. Mas lalo siyang nawalan ng gana, kaya nagpasya siyang umalis nalang.

Papalabas na sana siya sa café nang magkasalubong ang mga mata nila ni Khen. Napahinto siya sa paglalakad, pati narin ito. Kung ganoon, hindi niya imahenasyon na narinig niya ang boses nito. Totoong naroon iyon. “Khen—“

“Nakapili na ako kung anong kakainin ko, Khen.”

Nabaling ang kanyang atensyon sa babaeng lumapit dito, at umangkla sa braso nito. Nakita pa niya ang pagiging malambing ng babae rito. Tila nanuyo ang lalamunan niya habang pinipiga ang puso niya. Yumuko siya at naglakad papalabas ng café, pero may pumigil sa braso niya, nang tingnan niya kung sino ito, ay nakita niya si Khen. Hinarap siya nito, at hinaplos ang kanyang pisngi.

“Don’t touch me.” Aniya at kumawala sa pagkakahawak nito.

“You’re crying…” tanong nito.

“I’m not…”

“Yes, you are.”

Idinampi niya ang kanyang palad sa kanyang pisngi, naramdaman niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Syet! Umiiyak nga siya. Bakit hindi niya napansin iyon? “Ano ngayon kung umiiyak ako? Eh, sa nasasaktan ako. Huwag ka ngang makialam! Itinaboy mo na ako, hindi ba?!” Pinahid niya ang mga lecheng luha na nakawala na naman sa mga mata niya. Nanginginig narin ang boses niya, sa pagpipigil na umiyak ng tuloyan. “Nasasaktan ka? Wow! Iyan na pala ang nasasaktan ngayon? Masayang-masaya habang kasama ang ibang babae. Kaya pala pilit mo akong pinapalayo sa'yo dahil may iba kanang edini-date! Pwes, wala na rin akong pakialam sayo. Magsama kayo ng babae mong bulok! ”

 Tuloy-tuloy na naglakad papalabas sa café. Nang makalabas na siya sa café ay tuluyan na ring bumagsak ang mga luha niya na kanina pa niya pipigilan. Hindi niya pinansin ang lakas ng buhos ng ulan. Mas mabuti na iyon at nang hindi nahahalata ng mga tao na umiiyak siya.

Nasasaktan siya sa nakita niya kanina. Ganoon ba siya kadaling kalimutan ng lalaking 'yon? Langya! Ang sakit-sakit talaga! Siguro ay karma na niya iyon sa pangbabaliwala niya dito.

Patuloy lang siya sa paglalakad nang may makabangga siya, nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Stephen.

“Zia, ba’t nagpapa-ulan ka? Magkakasakit ka niya.” Saad nito at pinayungan siya, na wala narin namang silbi dahil kanina pa siya nabasa ng ulan.

 “Si Khen… May bago na siyang mahal.” Aniya at humagulgol

“Tahan na… Naku, pagtitinginan ta'yo ng mga tao dito. Akalain pa nila na ako ang nagpaiyak sa'yo. Minus pogi points iyan sa mga chicks na dumadaan.”

“Puro ka talaga biro.” Hinampas niya ang braso nito habang patuloy parin sa pag-iyak.

“Para naman tumawa ka. Halika nga dito at eha-hug kita—Bakit?” tanong nito ng lumayo siya dito.

Dahil kay Spongebob [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon