Ally
NAGISING ako ng maramdaman ang bigat na nakadagan sa'kin.
Ano ba to? Ambigat naman.
Marahan akong nagmulat, at sa isang iglap, marahas at malakas ko siyang naitulak papalayo, sanhi para mahulog siya sa kama.
"Ouch! What the-? Ally?! That was really hurt you know?" Sabay ingos nito at himas sa pwet.
"I-Ikaw kasi!"
"Anong ako? Anong ginawa kong kasalanan para itulak mo 'ko?" Medyo naiinis nitong sabi.
"Ba't ka ba nakadagan sa'kin?" Nahihiyang sabi ko. Yun naman talaga ang nangyari, sa gulat ko ng makita siya kanina, parang may sariling isip ang mga kamay ko para itulak ito.
Nagtaas ito ng kilay.
"And so?"
Abat- may binabalak ba ang babaeng to sakin?
"Eh, ano ngayon kong nakadagan ako, aber?" Nakapameywang nitong humarap.
Aaahhh! Ano bang klaseng babae to? Nawiwindang ang utak ko sa kanya! Makaalis na nga!
"Hep hep! Where the hell you think you're going?" Maagap nitong pigil sa braso ko.
"Magsi-cr lang ako!" Napapiksi ako. Kasi biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa paghawak niya.
Ang init. At parang napapaso ang balat ko. Ano ba yan!
"I'm coming with you." Walang pag-aalinlangang wika nito.
Uwaaat? Ano raw? Sasama siya sa'kin sa loob ng banyo? Anong nakain ng babaeng to?
I shook my head.
"Sorry. Pero di pwede." As I folded my arms.
"You can't stop me, honey. I'll go with you whether you like it or not." Matigas nitong sabi. At nauna nang pumasok sa loob.
Aaaaghh! Ano bang problema neto?
"What?" I hastily ask.
Natigil ako at nanatiling nakatingin sa kanya.
No. Ayoko talaga to. Anong ba kasi ang naisip niya?
"Papasok ka ba o bubuhatin pa kita para lang pumasok?" Aktong lalapitan na niya ako nang makaramdam ako ng takot sa sinabi niya.
Seryoso?
Gusto niya talaga makipagsabayan sa pagpasok ng banyo? Ano ba to? Ang gulo niya! Hindi naman pwedeng ganito porke nasabi ko sa kanyang mahal ko siya eh may ganitong mangyayari!
"Kristinaaaa!"
Napasigaw ako sa sobrang takot. Ang lapit na kasi niya at halata ang pagkaseryoso sa mukha niya.
Napapikit ako at nakaharang naman ang mga kamay ko sa kanya para pigilan siyang wag lumapit.
Then, suddenly. I heard a laughter.
Napadilat ako.
I saw her, smirk. At halata ang pagkatuwa sa mga mata niya.
"You are so... funny, Ally. You should've seen your face." Then a wide smile curve on her lips.
Nakaramdam ako ng inis.
Ah. Ganun?
So, pinagtitripan lang pala ako ng babaeng to?
÷÷÷÷
Kristina
Natigilan ako.

BINABASA MO ANG
Runaway with me Gorgeous [Book 2] (Completed)
Ficção Adolescente[COMPLETED] Isang sekretong magpapabago sa buhay ng dalawang pusong nagmamahalan. Gaano katatag ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung simula palang, alam mo ng niloloko kana nito? WARNING! This is a girltogirl story. If you're not comfortable with t...