“Lance, anong balak mo?”, biglang tanong ni Alex nang mapansing tulala ako habang umoorder kami sa canteen. Bentelog ang tanghalian namin ngayon. Isang sunny-side-up na itlog, isang malaking pulang hotdog at mainit-init na sinangag na gawa sa tira-tirang kanin mula sa rice cooker na pinaglulutuan ng kanin para sa mga teacher. Bentelog—Pagkain ang karaniwang gipit na estudyante. Oo, aasta akong gipit ngayon dahil kailangan kong mag-ipon para sa pustahan sa Dota.
“Di ko rin alam pre, tang*na nagsisisi nga ko eh! P*tcha, ‘bat ko ba kasi sinabi yun? Kayo kasi e.”, sagot ko habang iniaabot kay Alex ang plato. Hindi ko naman kasi sinasadyang masabi kay Kim na gusto ko s’ya. Gago rin kasi ‘tong mga katropa ko e, bigla-bigla na lang na tatawagin si Kim sa hallway tapos sasabihing crush ko raw. Eh syempre, ako naman na nabigla, napa-oo na lang nang wala sa oras. Kesa naman mapahiya si Kim kapag sinabi kong hindi, ako na lang ang aako sa kabalbalan nitong mga kaibigan kong lakas trip lagi.
“Pre, makinig ka.”, inaabot sa akin ni Daniel ang ketchup. “Nasabi mo ‘yun kasi gusto mo, ituloy mo na lang! Dali na, sayang si Kim.”, pilit n’ya.
“Kasi nga Dre, ---“, pagkontra ko sana.
“Gan’to na lang Lance, mamaya di ba may laban tayo? Pre, kapag nanalo ka, ‘wag mo nang ituloy ang panliligaw, pero kapag natalo ka, liligawan mo si Kim. Ano?”, kinabahan ako bigla. Madalas talaga akong nananalo sa Dota pero parang alanganin ngayon.
“Pre, kinakabahan naman ako sa mga ganyan mo. Gago, baka matalo ako. Takte pinapahamak n’yo ko e.”, hinati-hati ko ang hotdog.
“Hindi yan! Magaling ka di ba? Kaya mo ‘yun. Kung matalo ka man sa laro, panalo ka naman kay Kim kung sasagutin ka nun. Di ba? Deal na tanga!”, sulsol ni Alex habang nabibilaukan pa.
“Tsaka Pre, nakita mo ba ‘yung hitsura ni Kim kanina nung umamin ka? Ngumiti lang s’ya. Tahimik lang. Silent means yes di ba?”, susol din ni Daniel.
“Anong silent? Silence gagi!”, ambang ihahampas ni Alex ang lalagyan ng ketchup. “Bobo talaga ‘tong si Daniel eh.”
“Pasensya naman. Perpekto? Perpekto?”, panduduro ni Daniel kay Alex. “Oh yun na nga Lance,” balik sa usapan. “Ibig sabihin nun, ok lang sa kanya na crush mo s’ya.”, nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.
”Eto Lance ha, matinong usapan. Seryoso tayo mamaya sa laro, kalaban yata natin mga taga-section 9. Galingan mo, future n’yo ni Kim ang nakasalalay rito. Alam ko namang kaya mo e, ikaw naman mamimili kung ipapanalo mo ‘yung laro. Desisyon mo yan.”, dagdag ni Alex.
Sabagay, ano ba naman ang panalunin ang laro di ba? Madali na lang ‘yun. Kaso kasi ang kinakatakot ko, baka hindi ito ang araw ko at biglang matalo ako at ligawan ko si Kim nang wala sa oras. Lintik na buhay. Napasubo ako.
Simula nang mapag-usapan namin si Kim sa canteen, s’ya na ang lagi kong naiisip. T*ng*na natatakot ako eh. Di ko naman talaga sinasadya. Kawawa naman tuloy si Kim, mukang mapagtitripan nang wala sa oras.
Kakalabas lang namin ng room. Hinihintay na lang namin ang mga taga section 9 para sa isang sagupaan sa computer shop. Nakaupo ako sa bench nang kinalabit ako ni Daniel.
“Pre tingin ka sa 3rd floor.” Sabi n’ya. Nakita ko si Kim kasama ang isang babae. Nakalugay ang kulot at mahabang buhok ni Kim. Madalas ang paghawi nito dahil sa lakas ng hangin. Nag-uusap sila ng kasama n’ya at paminsan-minsa’y naghahalakhakan. Iniisip ko tuloy kung paanong ang mga ngiti ni Kim ay mawawala kapag nalaman n’yang may mga lalake ngayong maglalaro ng Dota para sa kanya. Ok naman sana ‘yun eh, kasi sino ba naman ang may ayaw na may nagkakagusto sa kanila di ba? Kaso mali talaga na dito ko ibinabase ang desisyon. Gusto ko tuloy bumitaw. Parang ayoko na yatang lumaban.
“Kiiim! Kiiiiim!” sigaw nina Alex kay Kim sa taas. “Hi Kim!”, bati nila. Hindi ko alam kung suplada s’ya o hindi n’ya lang talaga narinig kaya hindi s’ya tumingin dito sa’min sa baba. Kapag tinawag ko s’ya at di rin s’ya tumingin, di ko na ‘to itutuloy, bahala nang makantiyawan. Pero kapag tumingin s’ya at ngumiti, ahh, ano ba? Basta, bahala na.
Dumating na ang grupo ng mga taga section 9. Full force sila at handang handa na ring sumabak. Apat silang makikipaglaban sa amin. Nakipag-apir sila sa amin nina Alex. Niyaya na kami ng mga itong lumabas na ng school para simulan ang laban.
“Kiiiiiiiiiiiiiim!”, sigaw ko bago ako tumayo at maglakad kasama ang grupo. Nagtinginan ang buong barkada. Hindi s’ya tumingin. “Kiiiiiiiiiiiiim!”, ulit ko. Nilakasan ko na sa pagkakataong ito. napatigil s’ya sa pagsasalita at hinanap kung sino ang tumawag sa kanya. Ngumiti s’ya nang malamang ako ang tumawag sa kanya. Kumaway rin s’ya nang makitang naglalakad na ako palabas. Ito na nga ang sign. Itutuloy ko na ‘to.
Pagkarating sa computer shop, hindi ko binuksan ang Warcraft. Nagfacebook ako at tinaype ang Kimberlyn Tuazon sa search engine. Lumabas agad ang pangalan n’ya. Gandang ganda ako sa DP ni Kim. Naka-indian seat s’ya sa kama habang may hawak na libro. Nakalugay ang buhok n’ya at nakangiti s’yang sarado ang bibig. Simple naman ang cover photo: may katabi s’yang matandang babae sa kanan at isang matangkad at kalbong lalake naman sa kaliwa. Si Kim ang nasa gitna. Mukang nung summer pa ito kinuha dahil kita sa picture na nasa isang resort sila at kakatapos lang maglublob sa pool dahil pare-pareho silang basa. Kinlick ko ang add as friend. Gusto kong kalkalin ang profile n’ya pero nakaprivate. Sana i-accept n’ya ko. Tinignan ko ulit ang DP n’ya. Ang ganda n’ya talaga rito. Talagang ngiti n’ya ang nagdala. Kaya ko ‘yung titigan ng buong araw.
“Pre, di na ko maglalaro. Magpapatalo na ko, pasensya na.”, sagot ko kay Alex nang tanungin ako kung bakit facebook ang nakabukas na tab. Nagulat si Alex at tinanggal ang headset.
“Akala ko b---?”
“’Lex, liligawan ko na si Kim. Seryoso.”
BINABASA MO ANG
Why Love Exist
Teen FictionSamahan mo si Kim, Lance at ilan pang tauhan sa pagsagot kung ano nga ba ang pag-ibig. Kung hindi mo mahanap ang sagot, magmadali ka na't humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. *Break it down!* Humayo ka at magbalik loob sa pag-ibig. Enjoy readi...