Six

7 0 0
                                    

“Ah Kim, may itatanong sana ko.”, Kumakabog ang dibdib ko sa kaba.

            “Sige. Ano ‘yun?”

            “Eh kasi gusto sana kitang ligawan. Pwede ba?”,

            “Hindi ako nagpapaligaw Lance, sorry.”

Nanlumo ako. Pero buti nalang, nagising ako agad sa panaginip na hindi ko papangaraping mangyari sa totoong buhay.

Sa totoo lang, simula nang tumayo ako sa klase para itanong ang pangalan n’ya hanggang kagabi bago ako matulog, e di ko naman talaga s’ya mahal para ligawan at gawing girlfriend. Pero ngayon, parang bigla nalang kumabog ang dibdib ko at bigla ko na lang naisip na gusto ko s’ya. Hindi dahil sa kabalbalan ng mga kabarkada ko. Hindi dahil sa maganda, kayumanggi o matangkad s’ya. Ewan ko. Parang ganito yun e, bigla na lang akong nagising at pagbangon ko, mahal ko na s’ya. Parang tanga pero totoo, honesto!

Inisip ko lahat nang sinabi ni ate kagabi. Na naniniwala ka lang sa isang bagay kapag nakita o naramdaman mo na. Eh ano na nga bang nararamdaman ko? Anong tawag dito? Pag-ibig? Love? Pagsinta? Paghanga? O nag-iilusyon lang ako? Na baka tulad nga rin ng sinabi ni ate sa status n’ya na gumagawa lang talaga ang tao ng konsepto ng pag-ibig. Ewan, di ko alam. Ang aga-aga eh naghahanap ako ng poproblemahin. Para akong mangangaso na naghahanap ng isda sa gubat. Bukod sa mukha akong tanga dahil wala naman talagang isda sa gubat, eh papagurin ko lang ang sarili ko sa paghahanap ng bagay na hindi ko naman talaga mahahanap.

Ngayon, nakatingin ako sa salamin sa kwarto at pinagmamasdan ang gwapo kong mukha. Itinaas ko ang mga makapal kong kilay at mas lalong pinasingkit ang malilit kong mata. Inayos ko ang buhaghag kong buhok at ginalaw-galaw ang matangos na ilong. Sabi nila, ang tunay na kagwapuhan o kagandahan ay makikita kapag bagong gising. E ako naman gwapo talaga kahit bagong gising o hindi e. Kumbaga, natural. Para bang ginto na ginawang ginto. Kuha mo? Ge. Pero ang totoo, wala itong connect sa naiisip ko ngayon. Segue lang. Hindi naman siguro mahirap magtanong sa babae kung pwedeng manligaw diba? Kasi ako ilang beses ko nang nagawa ‘yun. Sanay na ‘ko. Ang problema, iba kasi si Kim, dapat iba rin ang style ko. Yung tipong di sya matturn-off agad, yung hindi s’ya maiilang..

Daanin ko kaya muna sa pick up line? Yung tipong..

“Dalawang multo ka ba Kim? Kasi GHOSTWO kita eh.”, ganun? Parang ang baduy yata. Di maganda. Baka pagtawanan lang ako nun. Eh kung sa chat na lang kaya ako magtanong? Kakamustahin ko na lang muna s’ya. Yung studies, spiritual status, at ‘yung mga pananaw n’ya sa buhay.. tapos tsaka ko ipapasok yung lovelife.. Halimbawa.. “Kamusta pag-aaral Kim? Parang busy ka yata ah.. blah.. blah.. anong religion mo? Nagsisimba ka ba tuwing linggo? Blah.. blah.. E lovelife? May boyfriend ka ba? Ako nga walang girlfriend e.. gusto mo tayo na lang?”, P*tcha parang mas pangit e. agad-agad? Di rin maganda. Basta. Bahala na nga. Tatawagin ko muna ang bathala at mahal na birtud ng pag-ibig para tulungan ako. Baka nga pati ang kerubin eh gawin kong tropa para lang mapadali ang gagawin kong panliligaw kay Kim. Hindi naman ganito kahirap noon pero bakit parang first time kong gagawin ngayon? Letche flan na may arnibal naman oh! Bakit ba kasi ganito kahirap ang pag-ibig?

“Ano Lance? Pumayag na ba si Kim? Kala ko liligawan mo na?”, tanong ni Alex pagkatapos n’ya kong harangin sa tapat ng room bago ako pumasok para sa first subject.

“Di ko pa nga natatanong e. Hindi naman kami nagkakausap. Feeling ko nga umiiwas na yun e. Mukang malabo naman ako kay Kim Pre. Syempre, inuuna nun ang pag-aaral nya.. Tsaka mukang NBSB si Kim e. tingin mo?”

“Bat di mo pa kasi tinanong Pre? Pwede pa rin naman s’yang mag-aral nang mabuti kahit na maging kayo ha. Depende ‘yan sa magiging diskarte n’yo.”, paliwanag ni Alex habang kumakain ng skyflakes. “Ganito lang ‘yan, kapag ayaw n’ya, edi ayaw… kung gusto, edi ok. Di ba? Para ka namang ewan Pre, parang wala ka namang experience sa mga ligaw-ligaw na yan.”, habol pa n’ya. Inalok n’ya sa’kin ang natirang pagkain. Tumanggi ako.

Why Love ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon