Five

7 0 0
                                    

Inee Santiago is feeling ewan at Secure Money Bank Ortigas Branch: Does love really exist? Or are we just making up in our own heads the concept/ idea of love?”, 15 minutes ago via Samsung Mobile.

            Pang-19 ako sa naglike. Syempre ate ko ‘yun. Oo, Si ate Inee na naman ang nasa news feed ko. 8pm ang uwi n’ya. Alas syete pa lang kaya malamang ay bagot ito ngayon sa opisina na malamang ay nagtulak sa kanya na magstatus ng tungkol sa love. Walang boyfriend si ate sa pagkakaalam ko at sigurado akong di s’ya magsstatus ng ganito kung meron. Isa pa lang ang nakilala kong boyfriend n’ya, Gian yata ang pangalan. First year college si ate nun. Ayaw ni Mama kay Gian dahil rakista, barumbado at magimik daw. Sabi pa ni Mama, wala raw mangyayari sa buhay ni ate kung ito ang makakatuluyan n’ya dahil halatang wala itong pangarap sa buhay. Iyak nang iyak noon si ate habang pinapagalitan s’ya ni Mama. Ipinagdidiinan n’yang mahal n’ya si Gian at pinapakiusap n’ya na huwag itong husgahan agad. “Hindi ko alam kung anong pinakain sa’yo ng lalakeng ‘yan para magustuhan mo ng ganyan katindi. Ang tali-talino mo sa eskwelahan pero di mo pinapagana ‘yang utak mo pagdating sa pag-ibig! Mag-isip ka nga Inee! Ang daming lalakeng mas matino at di hamak na mas maayos kumpara d’yan sa sinasabi mong mahal ka. Oh, nasaan ngayon ang pagmamahal na ‘yan ha? Pakakainin ka ba n’yan? Mabubusog ka ba sa kakagimik ng lalakeng ‘yun? Mabubuhay ba n’yan ang magiging pamilya n’yo kung puro porma ang inaatupag n’ya? Mag-isip kang mabuti, pinalaki kita nang maayos ‘nak. ‘wag mong sayangin ang buhay mo!”, sermon ni mama nang magpumilit si ate na mahal n’ya si Gian. Pagkatapos nun, halos tatlong linggong tulala si ate Inee. Hirap s’yang pakainin at laging nasa kwarto lang. Nakiusap na nga rin sa aming magkakapatid si Mama na bantayan daw si ate dahil baka bigla na lang magpatiwakal. Sa awa ng Diyos at sa maya-maya naming pagpunta sa kwarto at sa school ni ate ay nakagraduate s’ya na matino at nasa tamang pag-iisip. Hindi makikita sa hitsura n’ya ngayon na minsan s’yang nagpakatanga at nabaliw sa lalakeng di man lang s‘ya inalala ng mga panahong ‘yun.

            Linggo ng gabi— walang magawa sa bahay. Sa loob lang ako ng kwarto. Nagpaplantsa ng mga uniform namin si Mama sa kwarto n’ya. Gumagawa ng assignment si Camille sa may sala kasama ang aso naming sina Ying at Yang at nagbabasa naman ng libro si kuya — Fifty shades of Grey.

            Iniwan ko ang computer na nakabukas. Humiga ako sa kama ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto namin. Apat ang kama sa kwarto. Nakatapat ang mga ito sa may pintuan. Kay ate Inee ang nasa tabi ng pintuan, yellow ang cover at may design na spongebob. Katabi naman ng kama n’ya ang kay Camille, red ang cover at may design na bulaklak. Pangatlo ang kama ko, blue ang cover at walang design. Green naman ang cover ng kama ni kuya Mark na nasa sulok sa may dingding. Dalawa lang ang electric fan sa kwarto. Bahala na kung paano maghahati-hati sa hangin. Dalawa rin ang cabinet: isa sa mga lalake at isa sa mga babae. May malaki ring bintana sa tapat ng pinto na may kurtinang kulay pink. Halatang babae ang nag-ayos at hindi kami ni kuya.

            Nakatitig lang ako sa fluorescent lamp sa kisame nang marinig ko ang ingay sa labas ng kwarto. Dumating na si ate at may dalang ice cream. Kumain agad si Camille ng kanin at nilantakan ang ice cream na ube langka ang flavor. Pumunta naman si ate sa kwarto ni mama. Malamang ay inabutan n’ya ito ng pera dahil sahod n’ya ngayon. Bumalik ako sa kwarto at dumapa sa higaan habang nagcecellphone. Maya-maya ay pumasok si ate at umupo sa kama n’ya.

            “Oh, eh ba’t nandito ka? May ice cream dun oh.”, sabi ni ate. Inayos n’ya ang kama at nagsimulang magtanggal ng botones ng uniporme.

            “Ayoko. Pangit ng flavor.”

            “Choosy ka pa?”, binaling n’ya ang tingin sa akin. “Loko ‘to ah, di na nga ko bibili next time.” Di ako sumagot. Nagbihis lang s’ya habang patuloy ako sa pagcecellphone. Nakailang ikot na s’ya sa kwarto habang bitbit ang suot na damit kanina. “Bat di ka namamansin? Kanina mo pa hawak ‘yang cellphone mo ah. Baka may gusto kang sabihin sa’kin?”, tanong ni ate. Tumingin ako sa kanya at bumangon sa higaan. Tumayo ako para pumunta sa may computer. “Di ka mapakali ah, May girlfriend ka na naman noh?”, tanong ulit ni ate. Umupo ako sa tapat ng computer at kinlick ang google chrome.

Why Love ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon