Eight

4 0 0
                                    

Tuwang tuwa si Kim dahil sa kabila ng nagkakapalang usok at ulap sa langit ay nakakita pa rin s’ya ng bituwin dito sa lungsod. Doble ang saya ko. Una, dahil masaya si Kim ngayon. Pangalawa, dahil sa loob ng isang buwan kong panliligaw sa kanya ay pumayag si Tito Jerry na sa labas kami magdate ni Kim. Lagi kasing sa bahay nila. Naglatag kami ng kumot sa isang parte ng QC Circle malapit sa Museum ni MLQ. Ako ang nagdala ng lahat— pagkain, inumin, mapaglilibangan, sapin at maging ang utensils na gagamitin. Alang-alang sa pagpayag ni Tito. Buwis-buhay, daig ko pa ang alalay.

            “Lance..”, binanggit ni Kim ang pangalan ko. Nakahiga kami sa kumot habang nakatingin sa langit. Maraming tao sa parke kahit gabi na. Dinig na dinig ang mga hiyawan at tawanan. May sari-sariling mundo ang mga tao sa paligid. Di ko alam ang mundong kinabibilangan namin ni Kim sa mga oras na ‘yun pero ang alam ko lang, kaming dalawa, walang nang iba pa.

            “Kim?”, tanong ko. Nakatingin din ako sa langit.

            “Totoo bang mahal mo ‘ko?”, nakatingin pa rin kaming dalawa sa langit.

            “Oo naman. Bakit mo natanong?”

            “Natakot kasi ako bigla. Naalala ko ‘yung binasa kong story, yung lalake kasi may mahal s’ya, parang ikaw. Tapos yung mahal n’ya, parang ako— parang tayo.”

            “Oh tapos?”

            “Tingin mo ba ‘yun din ang mangyayari sa’tin?”, nilingon ako ni Kim.

            “ha? Di ko nga alam yung sinasabi mo eh, ano ba yun?”, hindi ko s’ya tinignan. Parang mas gusto ko kasing napapakinggan ng boses n’ya, malumanay lang at parang maliit na bata ang nagsasalita.

            “Sige ikukwento ko, makinig ka… ang title, Nang Mawalan ako ng Pag-asa.”

 

Nang Mawalan ako ng Pag-asa

            Iniwan na ko ni Sara. Ni hindi nga naging kami pero bakit parang ang dating eh nakipagbreak s’ya sa’kin? Akala ko okay na, akala ko ayos na—akala ko lang pala. Ginawa ko naman lahat para sa kanya pero hanggang M.U lang daw talaga kami. Hindi pa raw talaga pwede at hindi pa s’ya ready. Eh bakit n’ya pa ko hinayaang mahulog at mapalapit sa kanya ng sobra? Bakit hinayaan n’yang magsayang ako ng oras at panahon para lang lambingin at suyuin s’ya? Ako na naman ang talo. Ako na naman ang naabuso. Simula nung bata ako ganito na buhay ko. Lagi akong nabubully, laging inaaway. Bilang lang ang mga kakampi ko. Kaya nga nang makilala ko si Sara akala ko s’ya na talaga ang magpapasaya at bubuo sa buhay ko, di pa rin pala talaga. Asang-asa naman ako. Tapos ngayon pagbukas ko ng facebook naka-in a relationship na s’ya— Princess Santos ang pangalan. Punyemas!

            Sinabi ko sa sarili kong ‘wag na muna. Tigil muna sa pagpapantasya at pagkahumaling sa magagandang dilag. Ayoko munang masaktan dahil masakit pa talaga.  Baka madagdagan pa lalo ng sakit ang puso ko, mas mahirap ‘yun.

            Nakilala ko si Mariel. Kaklase ko na s’ya noon pero ngayon lang kami nakapag-usap nang matagal. Masarap s’yang kausap kumpara sa iba kong kaklase na puro katarantaduhan. Napakamasiyahin at di mo mababanaag na may dalang problema. Galing s’ya sa isang broken family at may sari-sarili nang pamilya ang mga magulang at kapatid n’ya. Si Mariel ang bunso. Nakatira s’ya sa isang dorm malapit sa di kilalang kolehiyo sa Maynila. Parehas naming kinahaharap ang parehong problema kaya nagkakasundo kami. Kahit na tadtad kami ng problema, palagi pa rin kaming naghahanap ng paraan para sumaya ang usapan. Ayaw n’ya ng malungkot. Nakakahawa ang ngiti at pagiging masiyahin ni Mariel.  Nakaka-in love. Oo, nain-love na naman ako. Hindi na rin naman ako nagtaka kung bakit. Sino ba namang di mahuhulog sa kanya? Basta. Kahit natatakot akong masaktan ulit, hindi ko na ‘yun inisip dahil mas nangibabaw ang pagmamahal. Bahala na.

Why Love ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon