Four

2 0 0
                                    

Section 1 si Kim, Higher section. Ako, section 7, kumbaga sa lipunan, nasa middle class. Buong linggo na akong namomroblema kung papaano ko sisimulan ang panliligaw. Kumpara sa mga ex-girlfriend ko, mas komplikado ang panliligaw ko ngayon kay Kim. Ni hindi kami nagkikita kasi di naman kami magkaklase, mas lalong hindi kami nag-uusap dahil di pa nga kami close. Sa pagkakatanda ko, ang huling pag-uusap namin e ‘yung nakita ko s’ya sa faculty nang hinatid ko ang mga pinasang notebook kay Sir Arnold, Teacher namin sa Science.

            Bigat na bigat ako sa bitbit kong mga notebook. Dala ko ang mga ‘yun simula 4th floor hanggang 1st floor. Sa dami ng dala ko, halos di ko na makita ang dinadaanan kong hagdan pababa at kinakapa ko na lang ang bawat baitang na inaapakan ko. Pagkarating ko sa faculty room, sarado ang  pinto nito. Potek, paano ako papasok?

            Hahawakan ko na lang siguro ang mga notebook gamit ang kaliwa kong kamay at ipambubukas ko ang kanang kamay kesa naman maghintay ako rito sa labas para sa magbubukas ng pinto o di kaya ay malalaglag lahat ng notebook na dala ko. Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan kong kinapa at inabot ang door knob kahit na hindi ko nakikita.

Teka, may nahawakan ako. Hindi ang door knob.

            “Ako na.”, nagulat ako. Literal. Halos malaglag ang mga notebook. Hindi ko makita kung sino ang nagsalita. Pamilyar ang boses n’ya pero di ko matandaan. “Tulungan na kita.” Kinuha n’ya ang ilan sa mga notebook at binuksan ang pinto.. “Ako na rito, ipasok mo na muna ‘yan. Susunod ako.”, sabi nya. Nakangiti na naman s’ya. Oo, si Kim.

            Lumakad ako papunta sa table ni Sir Arnold sa may bandang dulo ng faculty. Inilapag ko ang mga notebook at agad na kinuha kay Kim ang iba pa. Sa totoo lang nahihiya akong magpatulong sa kanya pero wala na akong magagawa, nakuha n’ya na ang mga ito.

            “Salamat Kim.”, ngumiti lang s’ya at pumunta sa table ni Ma’am Cruz, ang faculty head ng school. Kinausap n’ya lang ito sandali. Hinintay ko s’ya bago ako lumabas. Sabay kaming naglakad palabas ng faculty. “Ah, Kim, salamat ulit.”

            “Paulit-ulit ka naman. Wala ‘yun. Hirap na hirap ka na sa dala mo eh.”, nilalaro n’ya ang hawak na panyo.

            “Yung mga kaibigan ko kasi di man lang ako tinulungan.”

            “Dapat kasi nagpasama ka na lang.”, sa pagkakataong ito, ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya. “Ikaw pala si Lance.” Isa na namang ngiti ang nakita ko. “Friends na tayo. Na-accept ko na yung friend request mo.”, inikot n’ya ang dulo ng buhok n’ya na mas lalong nagpakulot dito. Inayos n’ya rin ang bangs.

            “Ah oo, Lance Santiago. Di mo pa pala ko kilala nung inaadd kita. Ako ‘yung inaasar sa’yo ng mga classmate  ko. Tapos di ba tinanong ko ‘yung pangalan mo?”, isunuksok ko ang kaliwang kamay ko sa bulsa at inayos ko naman ang buhok ko gamit ang kanang kamay.

            “Naalala kita, kaya nga kita ina-accept e. Natawa kaya ako nun.”

            “Pasensya ka na sa mga classmate ko ha, ga—“

            “Okay lang.”, putol n’ya. “Masaya naman sila e.. Tsaka gusto mo rin naman di ba?”, napakunot ang kilay ko. “No, I mean, gusto mo naman ng mga ganung trip di ba? Masaya naman kayo e.”, paliwanag n’ya.

            “Ah oo, pero sure ka okay lang? Nakakahiya e.”, ayos ulit ng buhok.

            “Sus kunwari ka pa. Oo okay lang.”, nagpunas s’ya ng mukha gamit ang panyo. “Promise.”

            Pagkatapos nun, wala na. Di na kami ulit nag-usap simula nung sinabi nilang crush ko s’ya. Malamang umiiwas na rin s’ya sakin. Pero ‘bat kaya ganun ang mga babae? Pagkatapos nilang malaman na crush sila e naiilang at umiiwas na?  E kung tutuusin, dapat natutuwa pa sila kasi may gusto sa kanila ‘yung lalake. Ewan. Mga babae talaga!

             Sa pagkakatanda ko, mga tatlong linggo na yata ang nakalipas simula nung nagpunta s’ya sa room. Na-add ko na s’ya sa facebook, natulungan n’ya na ko sa faculty at higit sa lahat, maganda na ang classroom namin ngayon at may bago na kaming electric fan dahil sa PTA pero wala na, wala nang nangyaring kasunod. Sa paglilike ng status at pictures n’ya na lang ako nagpaparamdam. Kahit naman online s’ya e di ko magawang ichat dahil wala naman kaming pag-uusapan. At isa pa, baka dedmahin lang ako nun kung ichachat ko. Di ko talaga alam kung paano ko didiskartehan si Kim. Ngayon lang ako nahirapan sa panliligaw. Bukod kasi sa hindi naman talaga kami close, e hindi ko rin alam ang gusto at ayaw n’ya. Baka mamaya gawin ko ‘yung ayaw n’ya tapos maturn-off agad.

 Pero teka, di ko matandaang pumayag s’yang ligawan ko s’ya. Ni hindi pa nga ako nagtanong sa kanya e. Anak ng! ‘Ba naman ‘yan!

Why Love ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon