Nine

4 0 0
                                    

August 31, 1998— birthday ni Kim. August 27 pa lang ngayon kaya may oras pa para magplano. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong trip dahil ang alam ko lang na plano ay family planning na topic namin sa MAPEH. Kung hindi stuffed toy, cologne, damit, bulaklak o key chain eh kiss lang naman ang kadalasan kong regalo sa mga ex ko noon. Di uso sakin ang surprise-surprise na ‘yan. Eh ang kaso, hindi mahilig sa materyal na bagay si Kim, gustong gusto n’ya ang mga adventures para new experience raw. Mukang di ko yata magagawa ‘yun sa kanya, wala akong ideya. Pero dahil sa mahal ko s’ya at napressure ako sa sinabi ni Tito Jerry na taon-taon daw ay laging surprise ang birthday n’ya, mas lalo akong namotivate na umisip ng pakulo para kay Kim.

            Magdamag akong hindi nakatulog kakaisip. Pa’no ba naman, inisa-isa ni Tito Jerry ang mga surprise na ginawa nila kay Kim sa mga nagdaang birthday n’ya nang minsan ko s’yang ihatid pauwi:

1st bday- hinagis na si Kim sa pool at doon s’ya unang natutong lumangoy. Swimmer noong nabubuhay pa ang mama n’ya kaya ito ang nag-guide kay Kim para matuto.

2nd bday- dahil marunong nang maglakad at tumakbo ay inikot ni Kim ang Oval ng Marikina Sports Complex. Take note: tatlong beses n’ya raw itong ginawa nang walang tigil.

3rd bday- inakyat ni Kim ang mataas na hagdan papunta ng Lourdes Groto sa Baguio City. Ang strawberry raw ang ginamit na motivation ni Tito Jerry para ganahan pang umakyat si Kim. Nang malamang walang strawberry sa taas, umiyak si Kim hanggang makarating sila sa strawberry farm para bumili nito.

4th bday- nawala si Kim habang naglalakad ang buong pamilya n’ya sa Baywalk. Nataranta ang pamilya n’ya at hapon na nang maibalik s’ya. Pilit pala s’yang sumakay sa Bangka at nagpasama sa isang mangingisda para makapunta sa gitna ng dagat. Yun na ang una at huling punta ni Kim sa Baywalk.

5th bday- sumali si Kim sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Kinantahan s’ya ng mga dabarkads. Umiyak daw s’ya hindi dahil sa tuwa kundi dahil 3rd runner up s’ya at tatlo lang ang contestant noon.

6th bday- Nagpunta sila ng buong pamilya n’ya sa Hinulugang Taktak sa Antipolo at nilinis nila ang kawawang falls. Pinakita pa sa’kin ni Tito Jerry ang picture nila habang nagpupulot ng basura.

7th bday- Nanalo si Kim  sa Taekwondo kahit baguhan lang ‘sya. Niyaya s’ya ulit na sumali pero ayaw n’ya kaya hindi na itinuloy. Marumihin daw kasi ang damit.

8th bday- dahil malaking babae at naipuslit ng ilan n’yang tiyahin sa pila ay buong tapang na nakasakay si Kim sa isang roller-coaster ride sa Enchanted Kingdom— Space Shuttle.

9th bday- first time ni Kim magbike sa highway. Pinagalitan daw s’ya ni Tito Jerry dahil nakarating s’ya sa Araneta Avenue sa Quezon City.

10th bday- namangka ang buong pamilya ni Kim sa Pasig River. Halos kalahating araw silang nanatili sa gitna dahil sa malalaking water lily at sa mala-burak na ilog.

11th bday- nanuod si Kim at si Lola Isay ng live sa Wowowee. Sumayaw sila ang Bum Tarat tarat at nakapaglaro rin sa Hep Hep Hooray.

12th bday- nag-ghost hunting sila ng mga kaklase n’ya sa isang abandunadong bahay malapit sa school nila nung elementary. Doon sila natulog. Kinabukasan, si Kim lang ang pumasok sa school.

13th bday- natuwa si Kim dahil namunga na ang puno ng mangga na itinanim n’ya sa tapat ng bahay nila. Itinanim n’ya ito pagkauwi nila ni Lola Isay galing sa panunuod ng Wowowee sa Abs-Cbn. Dalawa lang ang bunga ng mangga.

Why Love ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon