“Pwede na ba tayong magholding hands?”, tanong ko kay Kim. Ngumiti lang siya at nagpakita ng ‘ewan-ko-ikaw-bahala-look’ sa’kin. “Kung payag ka, ikaw na mismo humawak sa kamay ko.”, napayuko si Kim habang nagtetext at naglalakad. “Eh ayaw mo naman kasing magsalita. Baka ma-offend kasi kita kapag ako ang nauna. Ikaw na lang mauna para bukal sa loob mo.”, wala pa ring sinagot si Kim. Patuloy siya sa paglalakad na parang walang kasama. Nauuna siya sa’kin sa paglalakad. “Kim.”, tawag ko sa kanya. Nagmadali ako sa paglakad para maabutan siya. “Galit ka ba sa’kin dahil naisahan kita?”, wala pa rin siyang sagot. “Kung di ka pa ready, okay lang. kalimutan na lang natin yung kanina… liligawan ulit kita. Ayos lang naman sa’kin na maghintay ulit eh.” Ipinatong ko sa braso niya ang kaliwang kamay ko. “Okay lang talaga. Wag ka na magalit. Sige, kunwari walang nangyari, kalimutan mo na yun.”, inabot ng kanang kamay ni Kim ang kaliwang kamay ko.
“Hindi. Hindi ako galit.”, humarap si Kim sa akin. “Bakit ko naman kakalimutan yun Lance? Ang saya-saya ko kaya. Ready na kong maging girlfriend mo.”, hinigpitan ni Kim ang pagkakahawak sa kaliwang kamay ko. “Oh ayan, ako na humawak sa’yo ha..”, ibinaba ni Kim ang mga kamay namin. “Pa’no ba ang tamang holding hands? Ganito di ba?”, inayos ni Kim ang mga daliri namin at inilagay ito sa mga pagitan nito. “Tama ba? Hustler ka sa ganito eh.”, ngumiti lang ako at ipinakita ang ‘tama-na-kinikilig-ako-look’ sa kanya.
Abot-langit ang saya ko nang magkaholding-hands na kami ni Kim habang naglalakad pauwi sa kanila. Para bang hindi ko alam kung nasaan ako. Pwedeng sa langit, pwedeng sa puso niya. Basta. Iba ang pakiramdam. Sa pagkakaalala ko, ang huling beses na naramdamdaman ko ‘to eh nung naging kami ni Carmela. Yung mga nakaraan ko kasing babae eh masaya lang ang pakiramdam ko. Itong kay Kim, iba talaga. Masayang masaya.
“Pagdating natin sa bahay, nandun ang mga tita-tito-pinsan-ninang-ninong ko. Wag muna tayo magpahalata. Ako na bahala dun.”, sabi ni Kim nang tanungin ko siya kung kailan namin sasabihin kina Tito Jerry at Nanay Isay. “Basta ikaw, sunod ka lang sa flow. Sesenyasan kita kapag okay na.”, dagdag pa niya.
“Eh anong gagawin ko dun? Tingin-tingin lang? Boring naman.”, tanong ko.
“Lance.”, tumigil si Kim sa paglalakad. “Trust me. Akong bahala.”, kinindatan niya ko. Para akong fangirl na biglang kinilig. Ang cute-cute ni Kim.
“Ulitin mo nga. Ang cute eh.”, request ko.
“Mamaya makikita mo ulit yun.”, sagot niya.
Kumakanta sa videoke si Nanay Isay nang makarating kami sa kanila. Masigla nitong kinakanta ang Breathless kasama ang ilang back-up dancer na malamang ay mga kapitbahay nila. Pinatapos muna naming kumanta si Nanay Isay bago kami pumasok ng bahay. Sinalubong si Kim ng mga tita-tito-ninang-ninong niya na sabay-sabay ring bumati.
“Andyan na ang mga apo ko.”, nakamicrophone na sabi ni Nanay Isay. Ibinaba niya ang mike at sinundo kami ni Kim sa may pintuan. Hinawi niya ang mga nakaharang na bisita at itinulak kami sa harap ng videoke. “Ito nga pala ang birthday Girl natin.. ang maganda kong apo na si Kim!”, nagpalakpakan ang mga bisita at muling binati si Kim. Kumanta rin ang mga bisita ng walang kamatayan na ‘Happy birthday to you at how old are you now’. Pagkatapos kantahan si Kim ay bumulong ito kay Nanay Isay. “Oo nga pala, ito naman si Lance.”, inabot ni Nanay Isay ang kamay ko. “Kaibigan ni Kim.”, akala ko eh ipapakilala na ko bilang boyfriend ni Kim. Pilit ang ngiti ko habang nakatingin sa mga bisita. Hinawakan ni Kim ang braso ko.
“Wag ka munang mag-assume. Mamaya na.”, bulong ni Kim habang papunta kami sa kusina para kumain. Nasa salas nila ang mga bisita kaya solo namin ni Kim ang kusina. Nasa lamesa nila ang picture ng mama niya kasama ang maraming pagkain. “Ma!”, sabi ni Kim habang nakaupo sa tapat ng picture ng mama niya. “Si Lance oh.”, turo niya sa’kin. “Di ba kilala mo na siya?”, kinikilig nitong sabi sa picture. Tumingin ako kay Kim. Inayos niya ang magulo niyang bangs at inikot niya rin ang kulot na dulo ng kanyang buhok. “Kanina manliligaw ko lang siya, ngayon boyfriend ko na.”, inabot ni Kim ang kamay ko at hinaplos niya ito na para bang hinihilot.
BINABASA MO ANG
Why Love Exist
Teen FictionSamahan mo si Kim, Lance at ilan pang tauhan sa pagsagot kung ano nga ba ang pag-ibig. Kung hindi mo mahanap ang sagot, magmadali ka na't humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. *Break it down!* Humayo ka at magbalik loob sa pag-ibig. Enjoy readi...