"May isa na kaming nahanap. Wind user siya. Hirap pa nga kaming kumbinsihen siya eh." sabi ni Sean. Kausap namin ngayon ang office head sa CP niya na salamander. "Oo nga! Ang tigas ng ulo!" sabi ni Kevyn. "Natural matigas kasi may bungo" sabi ni Tao. Tinignan nilang lahat si Tao at sabay-sabay na sinabi ang mga katagang "Last mo na 'yan". At saka sila nagtawanan.
"Hindi ko ma-gets si Xienrye" sabi ni Jin. Tinignan ko lang siya na parang nagtataka. "Bakit naman?" tanong ni Sean. "Kasi nagtatawanan na tayong lahat tapos siya ganto lang .____." sagot niya at ginaya pa ang hitsura ng mukha ko. "Anong gusto mo? Ganto? :)" sabi ko at ngumiti. Errr, hindi ako sanay ngumiti. Masakit sa panga. "Ayan!!" sabay sabay nilang sigaw na apat. "Ang ganda mo pala!" sabi ni Jin. "Oo nga! Lumitaw yung ganda mo 'pag nangiti ka!" sabi ni Kevyn. Inirapan ko lang sila sa mga pinagsasasabi nila.
-------------------------------------
"Kevyn ang bagal mo!!" reklamo ni Jin. Papasok na kami sa paaralan. Natapos na kaming lahat na mag-ayos at mag-bihis pero si Kevyn ay hindi pa. Siya kasi ang nahuling gumising sa aming lima. Idagdag mo pa ang kabagalan niyang kumilos. "Eto na nga!!" sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Pagkadating namin sa paaralan ay parang may kaguluhang nagaganap sa quadrangle. Hinila naman kami ni Jin papunta doon. Dakilang usisero. Matapos namin makipagsiksikan sa iba pang mga usisero ay nakita namin na ang pinagkakaguluhan pala ay yung babaeng nakatapak sa railings ng rooftop ng isa sa mga building. Mukhang balak niyang magpakamatay.
Gagamitin na sana ni Kevyn ang ability niya pero pinigilan siya ni Sean at Tao. Masyadong delikado kung dito niya gagamitin. Maraming ordinaryong tao ang makakakita. Umalis ako sa kinatatayuan namin at pumunta sa rooftop. Sumandal ako sa pader at tinignan lang ang babaeng iyon na nanginginig na nakatapak sa ibabaw ng railings. Tch. "Kung magpapakamatay ka, huwag mong ipahalatang natatakot ka" sabi ko. Muntik na nga itong mahulog ng tuluyan dahil sa gulat pero nahawakan ko agad ang dulo ng sapatos nito at hinila pabalik. Bumagsak ito sa sahig ng rooftop na hawak ang dibdib niya.
"Sino ka ba?! Bakit ka nanggugulat?!" bulyaw nito sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at bumalik sa pagkakasandal ko sa pader habang nakatingin pa rin sa kanya. "Alam kong problemado ka lang kaya ka nagtatangkang magpakamatay. Hindi solusyon yan. Alam ko ang pakiramdam ng ganyan" sabi ko. Nakatulala lang ito sa akin at mejo maluha luha na rin ang mga mata niya. "Kung iiyak ka, Umiyak ka. Walang pipigil sa'yo" sabi ko. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya sa sinabi ko. At nagsimula ng mag-monologue.
"Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin nila ako tanggap. Matataas naman ang grades ko, matalino ako, nagsisipag na rin ako. Ginagawa ko ang lahat para lang maging perpektong anak pero halimaw pa rin ang tingin at turing nila sa akin..." kasabay ng pagsasalita niya ay ang paglalaho ng ibang parte ng katawan niya. "Pati mga kaibigan ko ganun na rin ang turing sa akin..." lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Yumakap din naman siya pabalik. Naaalala ko sa kanya ang sarili ko. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya. "Bakit ba kasi ako pa ang nagkaroon ng gantong kakayahan?!"
"Espesyal ka kaya ka nabiyayaan ng ganyan. Huwag mong kamuhian ang sarili mo. Hindi lang sila marunong mag-appreciate ng mga tulad natin na kakaiba..." sabi ko sa kanya. "N-Natin?" naguguluhang tanong niya. Tumango ako at tumayo para lapitan ang mga bulaklak sa rooftop. "Kagaya mo, kinamuhian din ako ng mundo dahil sa angkin kong kakayahan." sabi ko habang hinahaplos ang mga bulaklak na natutuyot dahil sa dampi ng mga kamay ko. "Namuhay ako mag-isa dahil iniwan ako ng mga magulang ko na ang turing din sa akin ay isang halimaw. Madami ang nagbago sa akin simula noon. Takot, kasiyahan, awa, at iba pang emosyon. Ang tanging natitira na lang sa akin ay galit at ang kagustuhan kong maghiganti at ipamukha sa kanila na hindi ako isang halimaw." lumapit ako sa kanya. Siya naman ay umuurong paatras sa bawat hakbang ko palapit sa kanya. "Huwag kang matakot sa akin dahil kauri mo rin ako. Pareho lang tayo ng nararamdaman. Pero alam mo ba? May mga taong alam kong kaya akong baguhin muli." ibinigay ko ang kwintas sa kanya. "Sila. Ang mga may-ari ng kwintas na iyan. Sila ang nagbigay sa akin ng liwanag sa madilim kong buhay. Alam kong matutulungan ka rin nila." sabi ko at saka bumaba na ng rooftop. Pinunasan ko muna ang mga luhang bumagsak. Ayaw kong malaman nilang umiyak ako. Nang matuyo na ang mga mata ko sa luha ay pinuntahan ko na ang apat na nasa cafeteria.
"Xie--Cienna!!" pagtawag ni Jin sa akin. "Kuya!!" sabi ko at tumakbo palapit sa kanya. Umaarte na naman ako. "Ano na?" tanong ni Tao. "Ability user. Invisibility" sabi ko. "Ooooh." sabi ni Sean.
"Ateeeee!!!!!" biglang may boses na papunta sa amin. Tinignan naman namin ang paligid namin pero mukhang wala namang nagsasalita dito sa cafeteria dahil siguro sa boses naumalingawngaw ngayon lang. "Multooo!!" tili ni Jin,Tao at Kevyn na nagtago sa likod ni Sean. "Ateng nagbigay sa akin ng kwintas!!" sigaw muli ng boses at bigla na lamang akong nahila sa kung saan. Sumunod naman sa akin yung apat. "Ate! S-Salamat!" sabi ng boses. Nakatago pa rin yung tatlo sa likod ni Sean. "Ay! Sorry! Hindi niyo ba ako nakikita? Hindi ko kasi kontrolado to eh" sabi niya. Kilala ko na siya. "Ako pala si Riley! Gusto ko sana makipagkaibigan sa inyo eh. Wala kasi akong kaibigan na dito kasi.." "Sige" pagputol ko sa sasabihin niya. "Yah!! Salamat ate!!" sabi niya at niyakap ako. Naramdaman ko lang dahil hindi pa rin talaga siya makita. "Xienrye pero Cienna ang itawag mo sa akin dito" sabi ko. Tiningnan naman ako nung apat. Nagtataka siguro kung bakit ko sinabi ang totoo kong pangalan. "Isa na siya sa atin ngayon" sabi ko. Bigla na lamang lumitaw si Jin sa kung saan. "Hi!! Ako si Jin! Justin iawag mo sa akin. Ice ang ability ko! Look!" sabi niya at bigla na lamang nag-usok ang kamay niya na kulay asul at may lumitaw na bulaklak na yari sa yelo sa kanyang palad. "Ang gandaa!! Thank you!" sabi ni Riley at kinuha ang bulaklak. "Ako si Kevyn! Keith ang gamit ko! Telekinesis ability ko!" sabi ni Kevyn habang pinapalutang ang sarili niya. "Ako si Sean! Flame ability!" sabi ni Sean, umaapoy ang kanyang mga kamay. "Ako si Takehiko. Hiro naman ang gamit ko! Time Controller" sabi ni Tao at pinakita niya ang kaya niya sa pamamagitang ng pagpapahinto ng mga gumagalaw na bagay sa paligid namin. "Steven pala gamit ko!!!" singit ni Sean.
"Ang cooool niyo namaaan!!" sabini Riley. Unti-unti na siyang lumilitaw. "Ako si Riley!! Invisibility! Hihi" sabi niya. Nakikita na namin siya ngayon ng buo.
BINABASA MO ANG
Lost Magic Assassins Organization [REVISED]
FantasyLost Magic Assassins Organization. Isang organisasyon kung saan ang mga taong may pambihirang kakayahan ay nagsama-sama at walang awang pumapatay sa kanilang mga misyon. Tunghayan ang buhay ng isang Xienrye Ruesso bilang isang Magical Assassin.