Assassination 9

104 2 2
                                    

"L-Lumayo k-ka halimaw ka!! W-Wag kang l-lalapit!" sigaw sa akin ni Mommy. Magsasalita pa sana ako nang mglaho ang lahat at napalitan ang eksena. Sa school ako napunta at kaharap ko ngayon ang bestfriend ko. Hidi maipinta ang mukha niya at mukhang diring-diri siyang lumapit sa akin. "Hindi kita kilala! Stay away from you freak! Wala akong mamamatay tao na bestfriend!!" sabi niya sa akin. Muling napalitan ang eksena at nakita ko ang maraming tao sa paligid. Mga kaibigan, kaklase,guro, at maski kamag-anak. Nagbubulungan sila ng masasama tungkol sa akin. Kesyo mamamatay tao daw ako, wala silang kadugong kriminal, napaka sama ko at kung ano-ano pang mga salita. Naiiyak na ako. Ayaw ko na! Itigil niya na 'to! Napakasakit! Muli kong naramdaman ang sakit makalipas ang higit sa tatlong taon kong pagiging yelo sa emosyon at damdamin. Parang awa niyo na. Patigilin niyo na ito.

"Xienrye! Xienrye! Gumising ka! Nananaginip ka lang!" iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na yun. Pagkamulat ko ay ang ma nag-aalalang mukha nina Sean,Kevyn,Tao,Jin,Nix,Riley at maski si Kristofer ay nandito rin. Pinalilibutan nila ang kama ko at nag-aalalang nakatingin ang mga mata nila sa akin. Nang magising ako ay dama kong napalitan ng saya at ginhawa ang mga mata nila na makita ako. "A-Anong ginagawa niyo dito?" pagtatanong ko sa kanila. Lumapit sa akon si Jin at pinunasan ang mga luhang hindi ko alam na tumulo pala. Marahil ay dahil iyon sa napaginipan ko.

"Nag-alala kami sa iyo. Si Kristofer talaga ang nagsabi sa amin na may masama daw na mangyayari sa iyo kaya nagmadali kaming lahat na pumunta dito kahit na may klase," nakangiting paliwanag ni Kevyn. Tiningnan ko si Kristofer na tahimik lamang na nakatingin sa bintana. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya, katulad ng sa akin. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parang siya ang lalaking bersyon ko. Idagdag mo pa na halos magkamukha kami. Hindi ko alam kung paano pero kamukhang kamukha ko siya. Ngayon ko lang ito napansin nang matitigan ko siya. Medyo nagulat ako nang bigla siyang lumingon at tumingin sa akin. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at tumingin sa paligid.

"Yung anino?" tanong ko. "Wala na siya. May tumulong sa atin na talunin ang isang Shadow Doll, yun ang tawag sa nakalaban mo," sabi ni Sean. Shadow Doll pala ang tawag sa mga ganoong halimaw. Pero sino naman ang tumulong upang talunin ito? Ibig bang sabihin nito ay pati sila ang nakalaban din ito?. Nagulat ako nang may sumulpot na lalaki sa gilid ko at bumati ng punong-puno ng sigla. "Hi!!" bati niya sa akin na may malawak na ngiti sa mga labi. Tinitigan ko lang siya ng blanko. "Ako si Theo! Short for Theodore Alex Javier! Ang may hawak ng Light Element!" masiglang sabi niya na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Parang pamilyar sa akin ang ganoong mga ngiti. Kahit ang hitsura niya ay pamilyar. "Nagkita na ba tayo?" tanong ko. Tumango siya ng parang bata at sumagot, "Yep! Sa Organization pa nga yun eh! Yung sa canteen ng Rank E! Ako yun! Pinasama ako dito sa inyo dahil pwede na kasi Rank S na rin ako!"

"Ah," yun lang ang nasabi ko. "Teka nga, ano ba talaga ang nangyari at may naligaw na Shadow Doll dito sa kwarto mo??" tanong sa akin ni Sean. "Si Kai," sabi ko. Mukha namang nagtaka sila kaya't dinugtungan ko ang sinabi ko. "Pumunta siya dito, nakipagusap siya sa akin. Nagising ako na panaginip lang ang lahat pero 'pag silip ko sa bintana ay nandoon siya at bigla na lamang lumitaw ang Shadow Doll na yan," pagpapaliwanag ko. Nakita ko namang ikinuyom ni Jin ang kamao niya. "Ang Kai na yan!" nanggagalaiting sabi ni Jin. Hinawakan siya ni Riley sa balikat at sinabing, "Okay lang yan. Makakaharap din natin siya."

"Xienrye! Sasabihin mo sa amin kapag nagpakita ulit siya ah?" nagulat na lamang ako sa biglaang pagyakap sa akin ni Tao. Saglit akong natigilan dahil duon. "Baka kung anong magyari pa sayo sa susunod. Alam naman naming malakas ka eh pero hindi mo siya kaya ng mag-isa," sabi sa akin ni Tao nang hindi pa din inaalis ang yakap.

Nagulat na lamang kami sa biglaang pagkalabog ng pinto kaya lahat kami ay napatingin sa direksyon nito. Nakita naming lumabas si Kristofer sa pinto.

"Anong problema nun?," tanong ni Jin at lahat kami ay nagkibit-balikat na lang.

••••••••••••

very short update!

Sorry!


XOXO,

Vivacious_Virgo

Lost Magic Assassins Organization [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon