Assassination 6

141 2 0
                                    

"Huuuuy!" sigaw ng isang boses mula sa malayo. Nilingon namin ito at nakita si Riley na patakbo sa direksyon namin. Nawawala-wala pa ang ibang parte ng katawan niya. Hindi pa nga niya talaga kontrolado ang ability niya.

"Wooiii!" sigaw din pabalik ni Jin na kakaway-kaway pa. Ang iingay ng dalawang 'to.  Mga hindi nauubusan ng boses. Sigaw ng sigaw. "Haa... Pa... Sa... Bay.. Ak... O ah?" sabi niya a pagitan ng paghingal niya. "Sino ba kasing nagsabi sayo na tumakbo ka?" tanong ko na sinagot niya lang ng isang ngiti.

Naglakad kami papunta sa school. Habang naglalakad kami may sumalubong sa aming tumatakbong lalaki. kasabay ng pagtakbo niya ang pag-ihip ng hangin sa paligid. Uso ba ang pagtakbo ngayon? Maka-takbo nga mamaya.

"Cienna!" tawag niya sa akin. Hindi ko'to kilala bakit niya ako kilala? Hinihingal din siya nang makarating sa harap namin. Pumagitna naman yung apat sa amin. "Anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Jin sa lalaki. Mukhang kinabahan yung lalaki sa seryosong mukha ng apat na 'to. "K-Kausapin ko lang," mautal-utal na sagot nung lalaki.

Kinakausap niya ako habang naglalakad kami papasok sa school. Nalaman ko din na Nix Martines ang pangalan niya. Siya yung wind user na balak akong kalabanin. Akala ko puro kalandian lang ang alam nito pero makulit din siya gaya nina Riley, Tao, Sean, Jin at Kevyn. Bakit ba ako napapaligiran ng mga makukulit? Para silang mga bata. Gaya na lang ngayong lunch break, naghahabulan sila dito sa garden.

"Wahahahahaha!" halakhak ni Tao. Napatingin naman ako sa tinatawanan niya at nakita ko si Nix na nakadapa sa damuhan at nakaplakda ang mukkha sa lupa. Andun din sina Jin. Sean. Kevyn at Riley na tumatawa din. Bigla namang humangin ng malakas dahilan para liparin ang hawak kong mga papel. Tumayo ako para habulin ang mga ito.

Ang liit ko. Hindi ko abot yung mga papel. Sumabit kasi ito sa sanga ng isang mataas na puno. Masyado rin itong mataas para maakyat ko. Pinipilit kong talunin ito pero masyado lang talaga akong maliit. "Tulungan na kita," isang boses na nagmula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita si Tao na nakangiti sa akin. Lumapit siya sa puno at inakyat ito. Madali niya lang itong naakyat dahil na rin sa matangkad siya. Inabot niya muna sa akin yung mga papel bago siya bumaba.

Pababa na sana siya nang mabali ang sangang kanyang kinakapitan. Napatigil naman niya ang kanyang pagbagsak dahil sa kakayahan niyang makontrol ang oras. bumaba siya at tumayo ng ayos at muli akong nginitian. May iba sa mga ngiti niya. Parang napapangiti din ako? Pero hindi. Walang dahilan para mapangiti ako dahil lamang sa ngumiti siya. "Salamat," sambit ko.

"You'r--," magsasalita pa lamang siya ng mapansin namin ang mga nagtatakbuhang mga lalaki. Nadanggil pa nga ako ng isa sa kanila. Nawala ako sa balanse nang madanggil ako kaya natumba ako kay Tao. Dahil nga sa magkaharap kami kanina kaya ang posisyon namin ay nasa ibabaw niya ako siya ay nasa ilalim ko. Nawalan din kasi siya sa balanse kaya pareho kaming natumba. Masyado din malapit ang mukha namin sa isa't isa. Kakaiba. Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang umiinit yung pisngi ko. Hindi ko rin maialis ang mga titig ko sa mga mata niya. Napakaganda. Itim na animo'y balon sa lalim na kapag tinitigan mo ay parang mahuhulog ka.

Bigla namang may nalaglag na kung anong bagay sa ulo ko dahilan para lalong maglapit ang mga mukha namin. Nakaramdam ako ng kung anong malambot na nakadampi sa labi ko. Hindi ko napigilang mamula at manlaki ang mga mata nang malaman kong ang mga labi niya pala ang dumampi sa mga labi ko. Nagkahalikan kami. Maski siya ay namumula at nanlalaki ang mga mata. Agad akong tumayo at nagpagpag ng damit. Nakayuko lang akong nakaharap sa kanya. Hindi ko pa nararanasan ang mga ganitong bagay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero aksidente lang naman iyon di ba? Babae din naman ako at importante din naman sa akin ang mga ganitong bagay kahit na ganito ang ugali ko. kahit na ganito ako kalamig.

Naglakad na ako palayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala ako sa pag-iisip ngayong naglalakad ako sa kung saan. Habang naglalakad ako ng naka-yuko ay mayroon akong nabangga, Inangat ko ang aking ulo upang makita kung sino ito.

"Yo!"

-----------------------------------------------------------

Sorry for the Short Update!

I'll try my best to update more often.

Kindly Vote. Comment and Fan me as well. I do accept violent reactions, suggestions etc.

XOXO,

Vivacious_Virgo

Lost Magic Assassins Organization [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon