Nandito kaming lahat ngayon sa bahay. Hindi na kami pumasok dahil sa dalawang dahilan. Una, kailangan naming alamin ang tungkol sa dalawang ito. Pangalawa, mga tinatamad silang pumasok.
"Ako si Jenevive Castillo, nakababatang kapatid ni Jervin Castillo," sabi ni Jenevive. May kakaiba kasing nangyari kanina at alam naming siya ang may kagagawan nun kaya dapat alamin namin ang tungkol sa kanya.
FLASHBACK
"Building guguho!!" sigaw ni Riley. Napatingin kaming lahat sa itaas at nagulat sa nangyari. Biglang naging abo ang batong malalaglag sana kina Nix. Hinanap namin kung sino ang gumawa at laking gulat namin nang si Jenevive pala. "Paanong--?!" gulat na sambit si Sean. Mahinang tawa naman ang nabitawan ni Jenevive. "Uuhhmm... Sorry ano kasi.. Hehe," pakamot kamot pa sa ulo nitong sabi. "Anong ability mo?" tanong ni Tao na lmapit na sa amin. "Hindi ko alam ang tawag pero kaya kong gawing abo ang lahat ng non living things," sagot ni Jenevive.
"Papaanong nangyari iyon? Wala ganyang klase ng abilidad," nagtatakakang reaksyon ni Sean. "Umuwi kaya muna tayo at doon natin pag-usapan. Maaaring maraming makarinig sa atin dito," suhestyon ni Tao. Kaya umuwi kami sa bahay at hindi na lamang pumasok.
END
"Saan mo nakuha ang abilidad mong yan?" tanong ni Sean. "Nabili ko siguro sa Supermarket?" sarkastikong sagot ni Jenevive. Umamba naman si Jin na babatukan sya kaya agad na humarang si Jervin sa pagitan ng dalawa at tinitigan si Jin ng masama. "Aba pilosopo yang kapatid mo eh," naka-ngusong sabi ni Jin. "Ulit, papaano ka nakakuhang ganyang uri ng kakayahan?" tanong muli ni Sean. "Nalaman ko itong kakayahan ko noong anim na taong gulang ako. Nawalan ng preno yung kasalubungan naming kotse at babangga na sana sa amin pero biglang naging abo yung kotse bago pa man ito bumangga sa kotse namin. Nagulat kami nila Mama nang halos lahat ng bagay sa harap namin ay nagiging abo, lahat ng matatapatan ng kamay ko," pagpapaliwanag niya sa amin. Tumango tango naman si Sean. "Unique ang kakayahan mo dahil wala pang naitatalang ganyang uri ng kakayahan sa mga naitalang past users," sabi ni Tao. "Sabi nung nakausap kong matanda ay black magic daw ito?"
"Papadala ka namin sa organization para mapag-aralan yang ability mo. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil para sayo din ito. Para malaman mo ang limatasyon mo sa paggamit nyan," paliwanag ni Sean sa kanya. Tumango naman si Jenevive. "Wag ka mag-alala kasama mo naman ang kuya mo doon dahil ipapadala rin namin siya," sabi ni Tao. Tumango na lamang sila bilang pag sang-ayon sa sinabi nung dalawa.
BINABASA MO ANG
Lost Magic Assassins Organization [REVISED]
FantasíaLost Magic Assassins Organization. Isang organisasyon kung saan ang mga taong may pambihirang kakayahan ay nagsama-sama at walang awang pumapatay sa kanilang mga misyon. Tunghayan ang buhay ng isang Xienrye Ruesso bilang isang Magical Assassin.