"Yo!" bati nung lalaki sa akin. Tinignan ko lamang siya ng may blankong ekspresyon sa mkha. Siya yung lalaking bigla na lamang lumilitaw at nawawala. Nahihiwagahan ako sa pagkamisteryoso niya. Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin ngunit nanatiling blanko ang aking ekspresyon. "Sige! Mauuna na ako! Mag-iingat ka sa susunod ah?" sab niya sa akin at tumakbo na palayo. Habang tumatakbo siya ay bigla na lamang ulit siyan naglaho at tanging itim na usok na lang ang naiwan sa pwesto niya.
Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. Imahinasyon ko lang ba yun o sadyang naka-ngisi siya nang sabihin niyang mag-iingat ako? Ngunit kitang-kita ko ang galaw ng mga labi niya. Para bang may iba pang ibig sabihin ang mga salitang sinabi niya sa akin. Habang nasa malalim akong pag-iisip ay bigla na lamang akong nakaramdam n kamay sa balikat ko. Nagulat ako ngunit hindi ko ipinahalata. Nilingon ko kung sn man ang taong iyon. Binigyan ako ni Jin ng isang malapad na ngiti na labis kong kinaiinisan. Isa lamang ang ibig sabihn ng mga ngiti niyang iyan, mayroon siyang kailangan mula sa akin.
"Ano?" malaming kong tanong Nawala ang mga ngiti niya pero muli siyang ngumiti ulit. "Kilala mo talaga ako!" sabi niya. Napansin kong marami palang tao sa paligid namin. "Syempre! Kuya kita eh!" sabi ko. Sinubukan kong maging masaya ang tono ng boses ko. Ibinulong na niya sa akin ang gagawin ko. Umiling ako. "Dali na! Element user din siya!"
Napa-buntong hininga na lang ako. "Sige na," sabi ko. Para sa misyon namin.
"Siya ba?" tanong ko kay Nix. Tumango naman siya. "Oo siya, casanova din yan eh. Mas malupet pa sa akin saka alam kong kailangan niyo din siya eh," sabi niya. "Bakit hindi na lang si Riley?" tumawa si Nix ng malakas sa tanong ko. "Yan?! Haha! Hindi niya yan papatulan! Kilala yang nerd and a freak sa school nato eh," nag-V sign naman siya kay Riley na masama ang tingin sa kanya. "Sige, pero hindi ko kasalanan kung mapapatay ko siya," sabi ko saka ko ito nilapitan.
Nilingon naman ako nito at nginitian. Pinaalis niya yung babaeng naka-kandong sa kanya at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Pumunta ako sa harap niya. "Hi!" bati ko. Ugghh. Ang hirap ng ginagawa kong pagpapanggap! Bakit sa akin pa ipinagawa ito?! "Hi darling," sabi niya sa akin. Kating-kati na ang kamao kong sapakin siya pero kailangan ko itong gawin para sa misyon. Alam kong nanunuod sa amin yung anim. "You're Kristofer, right?" tanong ko. "Yeah. Is there anything you need, babe?" tanong naman niya. "Cienna, call me Cienna," sabi ko.
Tumayo siya at sinenyasan akong sumunod sa kanya kaya sumunod ako. Nakarating kami sa garden na walang tao. Anong balak niya? Bigla niya akong itinulak sa pader at ikinulong sa kanyang dalawang mahahabang braso. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin atsaka nagsalita. "Spill it," sabi niya. "I want you," sabi ko at ipinadaan pa ang likod ng kamay ko sa pisngi niya. Pinalis niya ang kamay ko at lumayo sa akin. "I know what you want. Who told you to do this?" pagtatanong niya. Nalaman niyang nagpapanggap lamang ako.
Isa-isang lumabas yung anim sa pinagtataguan nila. Lumapit sa amin si Nix na nagkakamot pa ng ulo. "Ako nagsabi eh," pagamin niya.
"Anong kaya mong gawin?" tanong ko. Sumenyas siya na lumapit ako ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Gamitin mo sa'kin yung ability mo," utos niya. Maka-utos ito ah? Gusto niya talaga na ako ang sample niya ah. Tinawag ko si Sean para apuyan siya. Ayoko ko siyang mapatay. Pinaapoy ni Sean ang kamay niya at akmang ihahawak ito kay Kristofer ngunit naglaho bigla ang apoy bago pa man siya makalapit kay Kristofer. "Kung ganon, nasa iyo pala ang void," wika ni Sean na tinanguan lamang ni Kristofer.
"Kung ang void ang kakayahan mo, paano mo nalaman ang pagpapanggap na ginawa ni Cienna?" tanong ni Kevyn. Nagkibit-balikat lang si Kristofer sa tanong ni Kevyn. Binalik ko ang tingin ko kay Kristofer. Seryoso itong nakatingin din sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, "Anong problema mo?" "Sabihin niyo na ang kailangan niyo nang makaalis na ako dito," sabi nito. "Yah! Para kang si Xien--Cienna!" sabay na sabi nila Riley,Jin at Nix. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Inihagis ko ang kwintas kay Kristofer. Nasalo niya ito at isinuo na bago umalis.
~*~*~*~*~
"Isa-isa na nilang nahahanap ang labng tatlong elemento. Ano na ang plano mo?" tanong ng isang malalim na boses na animo'y nagmula sa kailaliman ng mundo.
"Malabong makumpleto nila iyon. Baka nakakalimutan mo na isa ako sa labing dalawang elemento," sagot ng isang binata. Nakasandal ito sa gilid ng pinto habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
"Anong plano mo?" tanong muli ng boses.
"Akong bahala. Makikita mo. Makakalaya ka din dyan sa impyerno mo," sagot muli ng binata at lumabas na ng silid na iyon.
"Magpakasaya lang kayo. Dahil ako, si Kai, ang may hawak ng Space Element, ang tatapos ng maliligayang araw niyo," wika ng binata na sinundan pa ng kanyang tawa na umalingawngaw pa sa buong pasilyong kanyang nilalakaran.
=*=*=*=*=*=*=*=*=
SHORT UPDATE! SORRY!
Fan
Vote
Comment
are
.
.
.
.
.
.
FREEEEEE!!
XOXO,
Vivacious_Virgo
BINABASA MO ANG
Lost Magic Assassins Organization [REVISED]
FantasíaLost Magic Assassins Organization. Isang organisasyon kung saan ang mga taong may pambihirang kakayahan ay nagsama-sama at walang awang pumapatay sa kanilang mga misyon. Tunghayan ang buhay ng isang Xienrye Ruesso bilang isang Magical Assassin.