Assassination 8

128 2 0
                                    

"Xienrye....," tawag ng isang napakagandang tinig sa pangalan ko. Hindi ko makita kung sino ito. Tanging kulay puti lamang ang aking nakikita. "Xienrye....," pagtawag muli nito. Tumakbo ako ngunit mukhang hindi ako umaalis sa aking pwesto. Nakakapagtaka. Pamilyar sa akin ang tinig. "Mag-iingat ka...," lalo akong naguluhan dahil sa sinabi nito. Saan ako dapat mag-ingat? Kanino? At bakit? Gustuhin ko mang itanong ang mga bagay na yan ay hindi ko magawa. Wala ni isang tinig ang lumalabas sa bibig ko.

"Xienrye...," boses ng isang lalaki mula sa aking likuran. Nilingon ko ito pero apat na lalaking nakadamit ng itim ang tumambad sa akin. Pamilyar din sila sa akin. "Xienrye...," unti-unti silang lumalapit sa akin. Ang isa ay napalilibutan ng niyebe, ang isa naman ay apoy, ang isa naman ay nakatungtong sa isang malaking orasan na patuloy ang pag-ikot at ang isa ay napalilibutan ng mga naglulutangang bagay. Nahulaan ko na sina Tao,Sean,Kevyn at Jin ang mga lalaki. Gusto kong tawagin sila pero wala muling tinig ang lumalabas sa bibig ko. Napalibutan na nila akong apat. Pakiramdam ko'y merong hindi tama. Sabay-sabay nilang ginamit ang abilidad nila sa akin. Masakit, mas masakit pa sa inaakala ko. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Gusto ko na silang tumigil pero wala akong magawa. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sakit.

Bigla akong napabangon. Panaginip lamang pero parang totoo. Ano kaya ang gusto nitong ipahiwatig? Maaari kaya akong pagtaksilan ng mga kaibigan ko? Ngunit wala namang dahilan para pagtaksilan nila ako. At ang boses na iyon. Parang boses ni Mommy. Pero itinakwil na niya ako kaya wala na siyang pakealam sa akin.

Umiling-iling ako para mawala sa isipan ko ang napaginipan ko. Malabong mangyari yun. Kilala ko sila. Tumayo na ako at pumasok sa loob ng banyo. Matapos kong gawin ang mga ginagagawa ko sa loob ng banyo ay bumaba na ako. Nakita ko sila sa hapag-kainan na kumakain na. Naalala ko na naman ang panaginip ko. Umiling na lamang ulit ako at naupo na sa upuan ko. Pagkaupo ko ay biglang naging itim ang buong paligid. Wala akong makita kung hindi ang sarili ko lang. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Sa muling pagdilat ko ay may pigura ng isang lalaki sa aking harapan. "Malapit na...," sambit nito. Paulit-ulit niya itong sinasambit habang unti-unting naglalaho ang pigura. Biglang nabalutan ng apoy ang kinauupuan ko. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko man lang maigalaw kahit ang daliri ko.

"XIENRYE!"

Nagising na lamang ako sa katotohanan nang sumigaw nang sabay-sabay ang apat. "Ano ba'ng nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni Jin. "Kanina ka pa tulala simula nang maupo ka dyan," wika ni Kevyn. "Hindi ko alam... Hindi ko alam...," sagot ko sa mga tanong nila. Tumayo ako at nagpunta na lamang sa sala. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko iyon pinansin.

Ano nga bang nangyayari sa akin? Wala akong kilala na kayang kumontrol ng isip ng tao. Nakakapagtaka ang mga nakikita ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Pagmulat ng mga ito ay isang napakagandang hardin naman ang bumungad sa akin. Tumayo ako at nag-ikot. Hindi ko magawang gamitin ang kakayahan ko. Marahil ay ilusyon lamang ang lahat ng nakikita ko simula pa kanina. Sino naman kaya ang magiinteres na gamitin ako ng ilusyon?

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at muling iminulat sila. Isang lalaki na naka-itim ang tumambad sa akin. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa hood ng kanyang robe.

May sinasabi siya ngunit hindi ko naman ito marinig. Nang lalapitan ko sana siya ay muling nabalot ng dilim ang paligid. Nabalik ako sa bahay, naka-upo at nanonood lamang ng TV. Bigla akong tinawag ni Kevyn dahilan para magulat ako't lingunin siya. "Papasok ka ba? Mukhang wala ka sa sarili mo ngayon eh," tanong niya sa akin. Umiling lamang ako. Hindi ako papasok ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong pumasok.

Nang maka-alis na yung apat isinara ko ng mabuti ang pinto at umakyat sa kwarto ko. Pagpasok ko ay agad akong nahuga sa kama. Muli kong ipinikit ang aking mga mata.

Isang lugar na puno ng sakuna. Mga nagliliyab at naaabong mga bahay, nagkalat na mga bangkay sa kung saan, at mga taong nababalot ng takot ang aking nakikita. May babae pang may kinakaladkad na bangkay. Lumingon ito sa direksyon ko at ngumiti. Nagulat ako dahil ako ang babaeng iyon. Unti-unti kinakain ng liwanag ang bangkay na hawak ko hanggang sa mawala ito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Alam kong pumapatay ako nang walang awa o kung ano mang emosyon pero hindi ko lubos maisip na magagawa kong pumatay ng ganito karaming inosenteng tao.

"Masaya ka na ba?!" narinig ko ang isang boses lalaki sa likod ko. May kausap itong matanda na nasa edad 40 siguro. Naka-ngisi ang matanda sa lalaki. Hindi ko sila mamukhaan dahil malabo. Hindi ko sila makilala. "Masaya ka na ba at nagawa na niya ang gusto mo?! Ngayon iba na siya! Ibang-iba na sa kilala naming Xienrye!"

"Hindi ba masaya nga iyon? Ayan! Ayan naman ang gusto mong mangyari din hindi ba? Galit ka sa mga tao at gusto mo silang paghigantihan! Nasa harap mo na ang hiniling mo! At ang taong mahal mo pa ang tumupad sa hiling mo! Hahaha!" nakakakilabot ang tawa niya. Animo'y nagmula sa pinakailalim ng lupa.

"Walang hiya ka!" ambang susuntukin na dapat ng lalaki yung matanda pero napatigil siya dahil sa isang malakas na sigaw. Sigaw ng isang babae. Wala na akong makita matapos nun. Madilim ang buong paligid. May paru-parong dumapo sa akin. Nagliliwanag ito. Napakagandang pagmasdan. May lalaking lumitaw muli sa dilim. Siya yung misteryosong lalaki. Nakangiti siya ng nakakaloko. May kasama ri. Siyang babaeng naka-itim. Tanging mga bibig lang nito ang kita at pati siya ay naka-ngisi.

"Xienrye, nagustuhan mo ba? Nagustuhan mo ba ang mga ipinakita ko sa iyo? Hahaha!"

"Ikaw pala ang gumawa ng lahat ng ito. Sabihin mo, anong kailangan mo?"

"Ikaw lang naman ang kailangan ko. By the way, I'm Kai nga pala," nag-bow pa ito sa harap ngunit nakangisi.

"Anong gusto mong ipalabas at kailangan mo pa itong gawin?"

"Masyado ka namang malamig. Gusto mo bang painitin kita?" bulong niya sa tenga ko.

"Tigilan mo ako. Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan."

"Sabi mo eh. Hahaha!" matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lamang ulit silang naglaho.

Nagising ako sa higaan ko na pawis na pawis. May aircon namana ng kwarto ko at nakabukas iyon. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at tumayo sa tapat ng bintana ng kwarto ko. Napakaganda ng araw ngayon. Nalipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng gte namin. Mayroon siyang nakakakilabot na ngisi. Si Kai, nakatayo siya doon at nakangisi sa akin. Habang tinitignan ko siya maynaramdaman akong kakaibang presensya sa loob ng kwarto ko. Lumingon ako sa likod ko para lamang makita ang isang anino na may hawak na espada. Anino siya ngunit may buhay, pula ang mga mata nito at tanging yun lang ang makikita mo sa katawan niya. May hawak siyang mahabang espada.

Tumakbo agad ako sa kama ko at kinuha ang katana ko na nakapatong sa headboard. Hinigot ko ito mula sa lagayan at itinutok sa anino. Hindi man lang siya gumalaw at hawak niya pa rin ang kanyang espada. Inihiwa ko ang aking katana sa leeg niya ngunit nakaiwas siya. Kasabay ng pag-iwas niya ay ang paghiwa ng espada niya sa akin. Agad naman akong naka-ilag ngunit nagpagulong-gulong ako sa kwarto. Mabilis naman akong tumayo pero mabilis din niyang naihiwa ang kanyang espada sa akin. Hindi ako naka-iwas sa pagkakataong ito. Nadaplisan ako ng patalim sa pisngi. Tumutulo pa ang dugo dito ngunit hindi ko iyon pinapansin at patuloy pa rin ako sa pag-atake sa anino. Mabilis siya, inaamin kong mas mabilis siya sa akin. Idagdag mo pa na hibdi ko siya masyadong makita.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Hinahanap ang anino. Hindi ko ito makita na talaga. Tila nawala ito bigla. Sa pag-ikot ng paningin ko sa paligid ay may naramdaman akong tumusok sa likod ko. Masakit ang pagkakatusok. Damang-dama ko ang talim ng espada sa laman ko. Lalong sumakit nang hugutin niya ito mula sa pagkakasaksak sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang dugong lumalabas mula sa sugat. Unti-unting lumalabo ang akong paningin. Nahihilo na rin ako at pakiramdam ko'y bagbagsak na ako. Lumalabo ng lumalabo ang paningin ko hanggang sa magdilim ang buong paligid.

**** •••• **** •••• ****

Sorry kung panget at matagal ang update! Mianhe! Gomen nasai minna-san! :D

Pa-Fan!

Vote!

Comment!

Thank you!

XOXO,

Vivacious_Virgo

Lost Magic Assassins Organization [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon