LOST MAGIC ASSASSINS ORGANIZATION
Written By: Vivacious_Virgo
***
PROLOGUE
Bigla na lamang kaming pinasok ng mga magnanakaw. Gabi ngayon at wala ang Daddy ko kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Akmang sasaksakin na ng magnanakaw ang Mommy ko nang sumigaw ako. Nagmatapang na lamang akong sumigaw kahit nanginginig ang boses. Hinanap naman nung magnanakaw kung saan nanggaling ang boses. Tumayo ako mula sa pinagtataguan kong closet.
"W-Wag mong g-gagalawin ang M-Mommy k-ko!" matapang ngunit nanginginig na sigaw ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at pinadaan ang dulo ng kutsilyo sa pisngi ko. Kinakabahan ako. Bigla niyang hiniwa ang kaliwang pisngi ko. Masakit. Malalim ang pagkakahiwa niya doon at sa tingin ko'y magmamarka iyon. "Matapang ka bata",wika niya sa akin.
"O-Oo kaya u-umalis k-ka na!" sigaw ko muli. Nararamdaman ko pa rin ang pagtulo ng maraming dugo sa pisngi ko. Tinignan ko si Mommy sa sulok. She's mouthing the words "Don't. Save yourself". I just smiled at her, a weak smile.
Napasigaw ako habang nakatakip ang mukha ko sa dalawang braso ko nang akmang sasaksakin niya ako. Hinintay ko na lamang ang pagdampi ng matalim na kutsilyo sa balat ko pero lumipas ang ilang minuto at wala pa ring dumadamping kutsilyo. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang magnanakaw sa harap ko na buto't balat na lamang at nag-kulay puti pa ang mga mata nito. Nakita ko naman si Mom na nanginginig na sa takot. Lalapitan ko sana siya pero umtras siya palayo. "Mommy," pagtawag ko. "L-Lumayo k-ka halimaw ka!! W-Wag kang l-lalapit!" sigaw niya sa akin atsaka nagtatatakbo palabas ng bahay. Iniwan niya ako rito.
Simula noon ay hindi na bumalik si Mommy. Hinintay ko siya for almost 3 years. Pero wala ni anino niya ang napadpad sa bahay. Nanatili akong nakatira sa bahay. Hindi na rin ako pumasok sa eskwelahan. Tumira ako sa madilim na bahay namin nang nag-iisa.
Paano ako nabubuhay? Ginagamit ko ang kapangyarihan ko. Oo, nalaman ko na ang dahilan kung bakit ako tinawag ni Mommy na halimaw. May kakayahan akong pumatay sa isang iglap lang. Ginagamit ko iyon upang mabuhay. Natuto na rin akong magnakaw,manghold-up, at iba pang masasamang gawain para kumita ng pera. Kung wala akong nananakaw ay pumupunta ako sa isang store at pinapatay ang mga tao doon atsaka ako kukuha ng mga gamit na kailangan ko.
Maraming nawala sa akin. Awa,pagmamahal,pagtitiwala. Kahit sino ay kaya ko nang patayin o saktan. Wala na akong sinasanto. Walang kinaaawaan.
Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat sa akin.
May isang lalaki at isang babae ang nagpunta sa bahay. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok dahil nakalock at may mga harang pa na kahoy ang mga pinto ng bahay. Lumapit sa akin ang babae at hinaplos ang buhok ko. "Sawa ka na ba na nag-iisa?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung anong gusto niya. Gusto ko na siyang patayin pero parang may pumipigil sa akin. Tinignan ko lamang siya ng blanko.
"Sumama ka sa amin? Palalakasin ka namin. Mas aangat ang kakayahan ng kapangyarihan mo" wika ng lalaki. Lumapit na rin ito sa akin at iniabot pa ang kamay nito. Tinanggap ko iyon pero hindi ko alam kung bakit. "Masyadong malupit ang mundong ito, hibdi ba?" wika pa niya. Tumango na lamang ako.
"Killing is your forte, right? Killing with no mercy" wika nung babae. Tinignan ko lamang siya. Tama naman siya. Killing is my forte. Killing with no mercy. Walang pakundangan akong pumapatay nang hindi nakakaramdam ng awa o ng kahit anuman. Parang normal na gawain ko na lang ang pagpatay.
"Sasama ka na ba sa amin?" tumango ako at inabot ang kamay nila. Parang biglang bumalik ang tiwala ko at sumama sa kanila.
Dinala nila ako sa isang liblib na lugar. Malayo sa kabihasnan. May natatabaw akong isang malaking building na nakatayo sa itaas ng isang bundok. Madami ang kailangang daanan bago marating iyon.
Nang makarating kami ay natitigan ko ng malapitan ang building. Ang ganda ng pagkakagawa nito. Hindi siya halatang luma. Pumasok kami roon at mas maganda pa pala ang loob niyon. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan namin na ang tanging liwang lamang ay ang nga apoy sa lampara na nakadikit sa mga pader. Narating namin ang isnag malaking pinto. Bumukas iyon at pumasok kami. Lahat ng tao ay nakadamit ng kulay itim. Parang uniform ang suot nila pero iba iba lamang ang disenyo.
Pumasok pa kami sa isang pinto. Mukhang opisina ang loob nito. Mayroong 3 lalaki ang naghihintay doon. Nagulat ako nang biglang lumipad ang isang lalaki sa harap ko at nagpaikot-ikot. Nakakahilo siyang tiganan kaya't inalis ko na lang ang mata ko sa kanya.
"Hey! Are you Xienrye?" tanong ng isa. Sasagot pa lamang ako pero naramdaman ko ang paglutang ko paputa sa tabi niya. "Yeah" simpleng sagot ko. Lumapit na rib sa akin yung isang lalaki na kulay itim ang buhok.
"Yo!" bati nito. Tinignan ko lamang siya ng blanko. Umupo naman siya sa kabilang gilid ko.
"Welcome sa Lost Magic Assassins Organization!" sabay-sabay nilang wika.
Dito na magsisimula ang panibagong pahina ng buhay ko na sa tingin ko ay mas kumplikado kaysa dati.
Everything written in this story is pure from the author's wild imagination. If ever anyone will be offended,insulted,violated etc. by this story, please inform the author. My profile is wide open for suggestions,comments or violent reactions. Thank you.
©All Rights Reserve
•PLAGIARISM IS A CRIME•
♍Vivacious Virgo♍
BINABASA MO ANG
Lost Magic Assassins Organization [REVISED]
FantasíaLost Magic Assassins Organization. Isang organisasyon kung saan ang mga taong may pambihirang kakayahan ay nagsama-sama at walang awang pumapatay sa kanilang mga misyon. Tunghayan ang buhay ng isang Xienrye Ruesso bilang isang Magical Assassin.