"Xien--Cienna! Cienna!" Bigla na lamang lumitaw sa likod ko si Theo at inakbayan ako. Nakangiti pa ito ng malawak at nakakaloko. "Anong kailangan mo?" Tanong ko. Tumawa sya at sumagot, "Wala naman," Tumuloy na lang ako sa paglalakad kaysa pagtuunan siya ng pansin. Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng pagpatak ng ulan at pagkulog. Mukhang uulan pa at wala akong dalang payong. Pero ang nakakapagtaka ay maliwanag ang kalangitan sa kabilang kanto.
May narinig akong putok ng baril kaya agad akong napaupo at napatakip sa tenga. Parang ayaw kong marinig ang putok. Pakiramdam ko naiiyak na ako kaya niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob ang mukha ko doon. Napapahikbi na rin ako. Hindi ko alam ang nangyayari sakin. Parang kusang kumilos ang katawan ko at nabalutan ako ng takot. Ang takot na minsan ko lamang maramdaman. Narinig ko ang yabag ng paa palapit sa akin. Naramdaman kong pumantay siya ng upo sa akin.
"Xienrye? Ayos ka lang ba? U-Umiiyak ka ba?" May pagkataranta sa boses nito. Pilit niyang sinisilip ang mukha ko. Patuloy pa rin ako sa pgahikbi. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong bata ako na naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Nakita ko pa ang natatakot at galit na mukha ng aking ina na nakatingin sa akin. May sinasabi ito pero walang boses na lumalabas. Ang nga salitang tumatak sa puso ko. "H-Halimaw ako.." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Naramdaman ko ang paghagod ni Theo sa likod ko upang pakalmahin ako. Huminga ako ng malalim at biglang napayakap sa kanya. Ramdam kong nagulat siya pero gumanti na lamang siya ng yakap habang patuloy na hinahagod ang likod ko.
Nakarinig muli ako ng putok ng baril kaya napahigpit ang yakap ko kay Theo. "H-Halimaw ako..." Muling sambit ko habang nahihikbi. " Sshhh. 'Wag mong sabihin yan. Hindi ka halimaw, okay?" Sabi niya sa'kin pero tuluy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko at paghikbi. Hindi ko mapigilan lalo na't paulit ulit kong naririnig ang mga katagang 'yon sa utak ko. Kumalas ako ng yakap kay Theo at bumuntung hininga. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Naramdaman ko namang tumayo si Theo at hinatak ako papunta sa pinakamadilim na parte ng kalye.
"'Wag ka ng umiyak, ah? Hindi kami sanay na umiiyak ang isang malakas na taong tulad ni Xienrye Ruesso," nilihis niya ang mga buhok na tumabon sa mukha ko habang sinasabi 'yon. Bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid. Nagkaroon ng mga naglulutangang ilaw. Nagpoporma ito ng iba't ibang hugis. Naghugis puso pa ito palaki ng palaki hanggang sa parang sumabog ito at umulan ng mumunting liwanag sa pwesto namin. Napangiti ako sa ginawa niya. "Salamat," mahinang bigkas ko kaya napatingin siya sa'kin at ngumiti. "Kahit gawin ko pa 'yon araw-araw, wag ka lang umiyak. Gagawin ko," Muli akong napangiti sa sinabi niya. Ginulo niya ang buhok ko kaya napasimangot ako bigla at narinig ko siyang tumawa. "Sigurado ako na aasarin ka ni Jin kapag nalaman niyang naiyak ka! Hahaha!" Kinuyom ko ang kamao at akmang sasapakin na siya ngunit mabilis siyang nakatakbo palayo habang natatawa. Napatawa ako ng mahina at hinabol siya. "Humanda ka sa'kin kapag nahabol kita Theo!"
Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Lost Magic Assassins Organization [REVISED]
FantezieLost Magic Assassins Organization. Isang organisasyon kung saan ang mga taong may pambihirang kakayahan ay nagsama-sama at walang awang pumapatay sa kanilang mga misyon. Tunghayan ang buhay ng isang Xienrye Ruesso bilang isang Magical Assassin.