Assassination 2

176 2 0
                                    

Academy din pala itong organization na ito. Ngayon ko lang nalaman. Bigla na lang kasing may kumatok sa kwarto ko sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Ang sabi niya ay may pasok na daw kaya magsibihis na. Kaya papunta ako ngayon sa cafeteria para mag-almusal.

"Isa po neto", turo ko sa gusto kong pagkain. Egg and bacon. Habang kumakain ako ay may bigla na lang umupo sa katapat kong upuan. Ang dami pa namang bakante ah? Bakit dito pa 'to umupo. Tinignan ko lang siya. Nginitian niya naman ako. "Bakit dito lang kumakain ang isang Rank S Assassin?", tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong masama kung dito ako kakain sa pinakasulok ng cafeteria? Kase dito ang pwesto ng Rank E Assassins?

May Iba-iba kasing cafeteria dito. Cafeteria 1 ay para sa mga Rank S at Rank A. Cafeteria 2 para sa mga Rank B, Rank C at Rank D. At Cafeteria 3 para sa mga Rank E. Hindi talaga nila pinaghahalo-halo ang iba't ibang ranks. Iba-iba rin siguro ang sections namin.

"Eto ang nadaanan ko", sabi ko. Totoo naman. Eto ang cafeteria na pinakamalapit sa kwarto ko. Tinawanan niya lang ang sagot ko. "Ah! Parehas tayo! Rank A kasi ako! Tignan mo!", sabi niya at pinakita sa akin ang emblem niya. Emblem ng mga Rank A. Kaya niya siguro nalaman ang rank ko. Ahh hindi. Iba rin kasi ang uniform ng iba't ibang rank. Idescribe ko pa? Wag na. Basta kapag Rank S naka-skirt ang babae at naka-vest ang lalaki na color black, Rank A naka-short na maikli ang babae at naka-V cut ang lalaki na color white naman. 'Pag Rank B color gray ata. Sa Rank C color red. Rank D ay color brown at Rank E ay color peach or light orange. Yun lang ang alam ko.

(Isipin niyo yung uniform nina Allen,Lenalee,Kanda at Lavi etc. sa D. Gray Man pero iba iba ang color. Anime po siya)

Hindi ko na pinansin yung lalaki at nagpatuloy lang kumain. Matapos kong kumain ay tumayo na ako at naglakad na. Nararamdaman ko namang nakasunod siya sa akin. "Uy! Sandali lang!", pagtawag niya. Huminto labg ako sa paglalakad pero hindi ko siya nililingon. Nang maabutan niya ako ay humawak siya sa balikat ko habang naghahabol ng hininga. "Ang bilis mong maglakad.", sabi niya. "Mabagal ka lang," sabi ko.

"Sabay na tayo", aya niya. Kanina ko pa siya kasabay. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod lang. Nakarating na ako sa classroom daw ng mga Rank S. Hindi ko na kasabay yung lalaki dahil nadaanan na namin kanina yung classroom ng mga Rank A kaya pumasok na siya.

Pagpasok ko sa room ay si Jin agad ang bumungad sa akin. "Good morning Xienrye!!",bati niya. Tumango lang ako. Pagkaupo ko sa upuan sa tabi ng bintana sa dulo ng classroom ay naglapitan naman sa akin sina Kevyn,Tao at Sean pati na rin si Jin. Tinaasan ko lang silang 4 ng kilay. Anong kailangan ng mga 'to?

"Ngayon ko lang napansin yang scar sa pisngi mo", sabi ni Sean. "Oo nga", sabi naman ni Kevyn. "Kaya siguro hindi ka masyadong nilalapitan ng iba kasi nakakatakot tignan yang scar mo at pati na rin yang mga mata mo. Malamig~",sabi ni Tao na umakto pa na kunwari ay nilalamig. "Oh bakit niyo pa ako nilalapitan?", sabi ko. Hindi ko naman sila kailangan. Mga pampagulo lang sila.

I'm used to being isolated. I don't need friends b'coz their just f.cking actors and actresses in front of you. Acting so nice when you're there and once you turn your back, it's beautiful how they're talk shitting behind your back.

"Kasi alam naman naming hindi ka ganoon eh!", sabi ni Kevyn. That somehow uhhhh... How to put this? Softened my heart a bit? Nahhh.. Nevermind that. I don't care what he said.

"Bahala kayo sa buhay niyo", sabi ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas. Kalmado at tahimik ang kapaligiran sa labas. Parang gusto ko tuloy lumabas kasi maingay sa loob ng kwarto. Dagdag pa ang apat na 'to.

Lumabas nga ako. Pumunta ako sa itaas ng isang malaking puno. Umupo ako sa sanga at saka umidlip. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko naramdaman kong lumutang ako sa ere. Hinanap ko kung sino ang gumagawa nito pero wala naman akong makitang iba tao dito kung hindi ako lang. "Boo!" sabi ng isang boses sa likod ko. Nilingon ko ito at si Kevyn ang aking nakita. Kinunutan ko siya ng noo at siningkitan ng mata. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko.

"Huwag kang gumanyan! Nawawala yung mga mata mo! Hahaha!" sabi nito. Lalo ko lang siyang siningkitan. Nginitian niya lang ako. "Eto na. Sabi kasi ni Sean may training tayo na may kasamang Rank A" tinaasan ko siya ng kilay. "Oh tapos?" sabi ko. "Pinapahila ka niya sa akin!" sabi niya habang hinatak na ako papasok sa loob.

Pagpasok namin sa loob nandoon si Sean nakatayo na nakakunot ang mga kilay. "Saan ka ba nagpupupunta?!" panenermon nito sa akin. Hindi ko siya sinagot. Sumuko na yata at naglakad na lang paalis. Sinenyasan niya kaming sumonod sa kanya kaya sumonod kami.

Pumasok kami sa training room. Nakita ko si Tao na pinaglalaruan ang isang paru-paro gamit ang kanyang ability. "Tao! Maawa ka sa paru-paro!" sabi ni Jin sa kanya. Pinawalan naman ni Tao ang pru-paro at binelatan si Jin. Mga isip bata talaga.

Mga nag-eensayo na sila samantalang ako ay nakaupo lang. Hindi ko alam kung anong ensayo ang gagawin ko. Hindi naman pwedeng mag-ensayo akong pumatay hindi ba?

Maya-maya lang may pumasok na lalaki. Tinignan ko siya. Mukhang pamilyar siya sa akin pero hindi ko siya kilala. Makakalimutin talaga ako pero ang hindi ko makakalimutan ay yung mukha ng taong dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat. Pero hindi siya iyon. Alam ko. May masama lang akong pakiramdaman sa taong ito. Mukhang hindii siya dapat pagkatiwalaan.

"Hi!"

Lost Magic Assassins Organization [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon