CHAPTER 6: Hindi ka kawalan

75 3 2
                                    

Paynne's POV

"Diba naging kayo dati ni Steve? Kaibigan ko yun! Kaya kita kilala!" Sigaw nya dahilan para magulat ako at ang mga kaklase ko.

"Si Steve? Nagkagirlfriend na pala yun?"

"Ay wow. Naging sila pala ng bebe Steve ko. Bes, pigilan mo ko. Kakalbuhin ko tong bitch na to."

"Si Paynne? Nagkalove life? Like, how? May nagkagusto pala sa kanya."

Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.

Tinignan ko nalang silang lahat ng masama.

Like, as if naman na hindi nila alam, eh, kalat na kalat ang relasyon namin ni Steve noon.

Kayo na siguro yung pinaka hindi updated. Laging huli sa balita. -_-

"Oh, edi putang ina! Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng gagong unggoy na yun! Naka-move on na ako." Sigaw ko dahil sa inis.

"Maka-unggoy ka naman kala mo hindi ka animal!" Sigaw ng isang babae na kaklase ko.

"Hey. Shut up. Hindi ka kasali sa usapan namin." Sabi ni Zen habang inaawat yung babae.

Binigyan ko nalang yung babae ng isang 'Amma-bitch' face.

"Naka-move on pero kanina iyak ka nang iyak dahil sa kanya... Tss." Sabi nya at ngumisi.

Napaliit naman ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Duh. As if naman na iiyakan ko pa yung gagong yun."

"Wag mong matawag tawag na gago yung kaibigan ko, ah!"

"Oo nga. Magkaibigan nga talaga kayo. Pareho kayong gago. Mga gagong nangengelam sa personal na buhay ko. Mga gagong kala mo naman alam na alam kung sino ako. Umalis ka na sa buhay ko. Ayoko ng mga gagong tulad nyo." Sambit ko dahilan para tumahimik ang buong classroom at para narin matahimik si Zen.

Sumandal nalang ako para ipahinga yung likod kong nangangawit.

"Paynne, sorry na." Sabi ni Zen ng makalapit sakin.

"Leave." Cold na sambit ko.

Umalis naman sya.

Pinaka ayoko sa lahat ay ang nangengelam sa buhay ko.

May buhay ka naman. Bat di yan ang pakelaman mo?

Nangengelam ka pa sa problema ng may problema.

Pumunta nalang ako ng CR at dun nalang magpapalipas ng isang oras.

Wala na naman kaming teacher dahil wala si Ms. Santos ngayon. Walang math. Wooh~

Nagpatugtog nalang ako ng mahina at tinapat sa tenga ko ang speaker ng phone ko.

"Aju Nice!" Pagsasabay ko sa kanta.

Tanging Kpop lang talaga ang nakakapagkalma sakin simula nung mawala si mama.

"Hindi naman very nice ang mga nangyari sakin ngayong araw, eh." Bulong ko sa sarili ko.

Naalala ko naman bigla si Steve...

"Putang ina mo." Nasabi ko nang naalala ko si Steve.

5 months na kaming break kaya naka-move on naman na din ako.

Wala naman na ding use kung magmamakaawa ako sa kanya na balikan nya ako, diba?

Hindi sya kawalan...

-Flashback-

Hindi pa rin ako makapaniwala na kami ni Steve Quejada.

It's been 4 months pero nakakapanibago lang talaga.

Yung matangkad, gwapo at basketball player ng school namin ay lagi akong hinahatid sundo dito sa bahay.

Marami nang nakakaalam sa relasyon namin ni Steve. Halos buong school ata alam na kami na.

Haha. Dami na sigurong naiinis sakin.

*2 days*

May game sila Steve ngayon at nandito ako sa bleachers para panoorin sila.
_ _ _

Tapos na ang game nila at nilapitan ko na si Steve.

"Tubig nga." Cold na sambit nya sakin.

Inabot ko nalang ang tubig sa kanya.

Bat sya ganito? Nakakapanibago.

"Umalis ka na. May game pa kami mamaya." Cold nanaman nyang sambit sakin.

What the fuck is happening to him?

"Hindi na. Hihintayin nalang kita." Sabi ko at nag-smile sa kanya.

"Hindi na. Wag na. Sige umalis ka na. May klase ka pa, diba?" Masungit nyang sambit sakin.

What?? Dati dati naman hindi sya ganyan sakin.

Mas gusto pa nga nyang pinapanood ko sya habang naglalaro sila.

"May problema ba tayo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Umalis ka nalang." Seryoso nya ring sabi sakin.

"Yung totoo, Steve. May problema ba tayo?"

"Gusto mo malaman ang totoo?"

"Oo gusto kong malaman. Para hindi ka ganito sakin."

"Ang totoo ay pinapaikot lang kita! Ang you're such a fool at nagpaikot ka naman! Kilala ko na ang mga tulad mo. Yung mga tipong maniniwala nalang na kapag sinabing seryoso ay seryoso na talaga. 4 months na kitang pinapaikot at hindi mo manlang napansin yon! Napakabobo mo naman, Kim!" Sunod sunod na sambit nya dahilan para maiyak ako.

PAK!

Nasampal ko naman sya ng napakalakas.

"Kilala mo ang tulad ko? Well, sana kung kilala mo ako nung una palang, hindi mo na ako niligawan.  Ang galing mo talagang basketball player, noh? Magaling mag paikot, magaling rin mambola. At, ako bobo? Matagal ko nang napapansin na trip mo lang ako. Hindi ko na sinabi sayo yon kasi mahal kita! 4 months? Ha? 4 months mo kong pinaikot? Ang galing mo grabe." Umiiyak kong sabi

"Simula ngayon, wala na tayo." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

I try to sound strong pero hindi ko magawa dahil sa mararamdaman ko.

"Kelan ba naging tayo, ha, Kim?" Nakangisi nyang sabi.

Hindi ko nalang sya pinansin at padabog na akong umalis.

Nasa CR ako ngayon at dito naglalabas ng sama ng loob.

Tatawagan ko sana si Jamm pero oo nga pala, galit sya sakin.

Nag-browse nalang ako sa facebook ko at nakita ko yung post ni Steve.

'Lapit na kayo mga girls. Nakipagbreak na sakin yung girlfriend ko. Hindi nya alam kung gaano kalaki ang nawala sa kanya. Haha.'

Nag-comment naman ako.

'Girlfriend? Kala ko ba hindi naman naging kayo ng "girlfriend" na sinasabi mo.'

Ay nakalumitan kong i-comment yung isa pa.

'Pinapasabi nga pala nung "girlfriend" mo, hindi ka kawalan kaya shut up ka nalang.'

Bitch [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon