Paynne’s POV
“Pasok na po mga grade 8.” Sigaw ng president ng level namin.
Lahat naman ng mga nasa labas ay pumasok na sa kani-kanilang classroom.
“Pasok na ko ah. Bukas ulit.” Sabi ni Steve.
Tumango nalang kaming dalawa ni Zen.
“Bye Kim.” Sambit nya ng mahina at nag-wave nalang ako sa kanya.
Isang minuto na kaming nandito ni Zen sa labas at mukhang wala kaming balak pumasok.
“Wala kayong balak pumasok?” Tanong ni Sr. Cortes samin.
Iiling na sana ako ng biglang nagsalita si Zen.
“Meron po, Sr. Diba Paynne?” Sabay tingin sakin.
Di na ako sumagot at hinawakan naman ni Zen ang wrist ko at hinila ako papunta sa classroom namin.
“Isa pa na maabutan ko kayong dalawa na nasa labas parin kahit na time na, iva-violate ko kayo.”
Di na kami sumaogt at pumasok nalang kami sa loob.
“Good morning, class.” Sabi ni Sr. sa amin.
“Good morning, Sr.” Sabi naman ng mga kaklase ko.
“Okay today, I will group you by six. Ako ang mag-gugrupo sa inyo at alam ko naman na ayaw nyo yang mg aka-grupo nyo.” Sabi ni Sr. ng seryoso pero halatang gusto nyang tumawa.
Nang makarating ako sa upuan ko ay umupo na ako.
Nagulat naman ako nang tumabi sakin si Zen.
“Huy baka pagalitan tayo ni Sr.” Sabi ko sa kanya.
Wow. Parang ambait ko ngayon, ah?
“Okay lang yan. Ganto tayo eh. Haha.” Sabi nya at may nilabas sya na Toblerone.
“Kain tayo. Di ko nakain to kanina eh.” Sabi nya habang binubuksan nya ng palihim.
“Sige. Tagal ko na ring di nakakatikim ng Toblerone eh.” Sabi ko at tinulungan pa syang buksan.
Nang mabuksan na namin yung Toblerone ay hinati nya at binigyan ako ng isang triangle.
Palihim ko tong nilagay sa loob ng bibig ko palihim ding nginuya.
“Kain pa.” Sabi ni Jane habang nakatingin samin ni Zen.
Nilagay ko nalang yung index finger ko sa bibig ko na parang nagsasabing ‘Wag kang maingay.’
“Zen ikaw ang pipiliin kong maging leader ng mga pipiliin mong mga kagrupo.” Sabi ni Sr. dahilan para hindi maisubo ni Zen yung toblerone.
“Okay.” Sabi ni Zen at binigay sakin yung toblerone na hawak nya.
Sumenyas sya sakin ni itago ko.
Nilagay ko muna sa bag ko.
“Pili ka na ng mga kagrupo mo.” Sabi ni Sr.
“Paynne.” Sabi ni Zen at sinenyasan nya akong tumayo.
Takte naman oh. Di ko pa tapos nguyain tong panibagong toblerone na sinubo ko eh.
Wala na akong nagawa at tumayo nalang ako.
“Di ko na nalulunok lahat.” Bulong ko kay Zen mula sa likod nya.
“Okay lang yan. Ako nga di ko pa nakakain eh.” Bulong nya sakin pabalik.
“Zen, apat pa.”
“Si Ken. Si Jane. Si Cyanne. Si Joshua. Ayan kumpleto na kami Sr.”
“Okay you may sit down now.” Sabi ni Sr. sa amin at agad agad kaming umupo kasi nga kakain pa kami.
Umupo sa sahig ni Zen para hindi sya mahalata at ako naman nakatakip lang ng panyo yung bibig ko.
Eto pa yung panyo ni Jamm, eh.
Habang kami ni Zen ay nguya ng nguya dito ay pumipili na ng mga kagrupo yung mga pinili ni Sr. as leader.
“Kain pa talaga.” Sabi samin ni Jane.
Tumango-tango nalang ako sa kanya at kinuha ko yung tubig ko.
“Painom nga rin.” Sabin i Zen at kukunin nya sana yung tubig mula sa akin pero agad kong nilayo.
“Di pa nga ako nakakainom eh.” Sabi ko at saka ako uminom.
Nang matapos ko nang inuman ay binigay ko agad kay Zen.
“Hay nako may poreber talaga.” Sabi ni Jane.
Kanina pa pala sya nakatingin dito.
“Poreber mo to.” Sabay pa naming sabi ni Zen.
“Tsk. Tignan mo.” Sabi pa nya.
Di nalang namin sya pinansin at patuloy lang na kumain.
Hanggang sa naubos namin yung isang bar nung toblerone.
“May pagkain ka pa dyan?” Tanong ko sa kanya.
“Tama na. Antaba taba mo na nga eh.” Sabi nya sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya ng masama.
Nabatukan ko naman sya ng mahina.
“Hoy bawal mambatok.” Sabi ni Sr. habang nakatingin sakin ng seryoso.
“Sorry po.” Sabi ko nalang
“Sa susunod na makita pa kitang nambatok, violation na yun ah.” Sabi nya sakin.
Tumango nalang ako.
“So kaya ko kayo pinaggrupo-grupo ay kasi gagawa kayo ng science project. Kahit anong science project. Dito nyo lang pwedeng gawin yun dahil ayoko nang may magrereklamong parents na bakit pa kailangang umalis ng bahay para lang gumawa ng project.” Sabi ni Sr.
Madaming nagrereklamong mga kaklase ko kasama na rin kaming dalawa ni Zen.
“Sr., hindi pwedeng sa bahay nalang?” Sabi ni Zen at napansin ko naman na parang may nginunungaya pa sya.
“Huli! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Sabi ni Ken habang tumatawa-tawa pa.
“Kain pa ah! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Dagdag pa nito.
Agad namang nilunok ni Zen yung nginunguya nya.
“Kanina ko pa kayo napapansin na kumakain dyan eh.” Sabi ni Sr. samin habang nilalabas yung violation logbook.
“Paynne and Zen. Dakilang violators ng 8 – Exodus.” Pangaasar samin ni Sr.
Tumawa naman lahat ng kaklase ko.
Edi shing shang fu.
BINABASA MO ANG
Bitch [ON - HOLD]
Teen FictionYou know my name, not my story. You know what I've done, not what I've been through. Yan ang hirap sa mga tao, eh. Masyado silang mapanghusga. Masyadong judgemental. At dahil masyado na akong naaapektuhan dahil sa kanila, pinili ko nalang na magin...