Author-nim: Hi. Sorry ngayon lang. Confiscated tablet ko eh. Mababa kasi score ko sa Science. Pero mataas ako sa Math pati Statistics. // hairflips // Chos HAHAHAHA.
---------------------------------------------------
Jamm’s POV
“Are we there yet?” Tanong ni Carol sakin.
“Wait ka lang. Kung saan-saan naman kasi tayo dinala netong si Rachelle, eh.” Naiinis na sabi ko.
Ilang oras na kasi kaming naglalakad ditto sa village, kung saan nakatira si Rachelle, para kumain. Wala kasing pagkain sa kanila eh. -_-
And oo nga pala. Nakatira din ditto si Kim.
Inabot na kami ng 7:00 pm sa paghahanap ng pwedeng pagkainan.
Mawawalan n asana ako ng pag-asa nang biglang sumigaw si Aliana.
“Ayun oh!” Sabi nya sabay turo dun sa Jollibee.
Naramdaman namin na medyo umaambon na kaya tumakbo na kami papunta sa Jollibee at pumasok.
Pinauna ko na silang pumasok dahil pinagpag ko pa yung nabasa kong sandals.
Nang matapos ko nang pagpagin ay dumirecho na ako sa loob.
Pagkapasok ko naman ay…
Nakita ko si Kim.
Sinenyasan ako ni Rachelle na umupo na sa table na nasa harap ko at hintayin sila. Sa harap ng table kung nasan si Kim.
Pinagmasdan ko muna si Kim ng maigi.
Marami nang nagbago sa kanya.
Sa pagdadamit palang halata na.
Pero kahit na nagbago na sya, I really missed her.
So much.
Hindi nya ako pinapansin. At ganun nalang din ako sa kanya. Di ko nalang din sya pinansin.
Nakita nya kaya ako?
Parang hindi. Busy sya sa phone nya eh.
Ilang minuto lang ay dumating na rin si Aliana na dala-dala yung mga pagkain na inorder nya.
Kinalabit ko sya at tinuro si Kim ng pasimple.
“Ah. Sya pala yung nakabangga ko kanina. Eh. Yaan mo sya dyan.” Sambit nya at kinagatan na ang Jolly hotdog na binili nya.
Tinignan ko nalang sya ng seryoso at sinabing “Grabe.” ng mahina.
“Eh sa nilayuan nya tayo edi pabayaan nalang natin sya. Di ko rin alam kung anong problema ng babaeng yan eh. Bigla-bigla nalang lumalayo.” Sabi nya habang ngumunguya.
Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang ako.
Sinavor ko nalang ang malasang patty ng Jollibee.
Nang mapatingin naman ako kung saan nakaupo si Kim ay nakita ko naman na nakangiti sa habang nakatingin sa phone.
May ka-chat ata.
Uhmm… Naisip ko naman bigla.
Nagkabalikan na kaya sila ni Steve?
Kasi yung mga ngiti nya.
Ganyan ang mga ngiti nya nung sila pa ni Steve.
Gusto ko syang lapitan dahil sa aming magkakaibigan, kami ni Kim ang pinaka-close.
Pero parang sa kinikilos nya ngayon parang di na nya ako kilala.
At, kung hindi pa talaga sya nagbabago, kanina pa nya kami nilapitan dito.
BINABASA MO ANG
Bitch [ON - HOLD]
Teen FictionYou know my name, not my story. You know what I've done, not what I've been through. Yan ang hirap sa mga tao, eh. Masyado silang mapanghusga. Masyadong judgemental. At dahil masyado na akong naaapektuhan dahil sa kanila, pinili ko nalang na magin...