CHAPTER 21: Nose

32 1 0
                                    

Zen’s POV

Binabasa ko yung script ng play namin.

Okay naman pala.

Mukha kasing corny eh. Love story ba naman.

Nakita ko naman na papalapit si Paynne dito.

May dala-dalang kung ano.

“Zen, try ko nga lang sayo. Tignan natin kung anong itsura mo.” Sabi nya sakin at binuksan yung dala nyang parang pang-calligraphy.

“Nuyan?” Tanong ko.

“Eye liner lang naman.”

“Di mo tutusukin mata ko ah.”

“May tiwala ka naman siguro sakin.” Sabi nya sakin.

“Pikit ka.” Sabi nya sakin.

Takte. Kinakabahan ako.

Naramdaman ko na yung pagsulat nya sa eyelids ko.

Expert.

Pagkadating dun sa dulo ng mata ko ay gumawa sya ng curve pero pataas.

“Oh. Dilat na.” Sabi nya.

Pagkadilat ko naman ay nakita ko si Paynne na nakangiti.

“HALA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA BAGAY SAYO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

Ang OA naman tumawa neto. Sinapian. Haha.

“Tuloy natin yung kabila.” Sabi nya.

Pumikit na ako at sinulatan na nya ulit.

“Ay! Ang gaslaw naman! Di tuloy pantay! Tsk.” Sabi ni Paynne nung mabangga ni Ken yung kamay nya.

“Sorna Paynne. Di pwedeng matalo eh.” Sabi ni Ken.

Buti nalang may dalang wipes si Paynne at madali nyang binura yung nagulo na pagsulat sa eyelids ko.

Pagkapikit na pagkapikit ko ay sinulatan na agad ni Paynne ang eyelids ko.

Nang biglang tumahimik ang buong classroom namin.

Di ko na rin marinig ang mga takbuhan ng mga kaklase ko.

Wala na rin yung mga ingay na natutumba yung upuan, may nadadapa, at kung ano pa.

Pero may naririnig akong nagbubulungan.

Gusto ko sanang tignan kaso nakapikit ako at kung dumilat naman ako ay baka mainis sakin si Paynne.

May kung ano naman akong naramdaman sa ilong ko.

Pagdilat ko ay nakita ko yung mukha ni Paynne na napakalapit sa mukha ko.

Ang ganda ng mga mata nya. Shit.

Before I knew it, nakahawak na pala ako sa braso nya.

Tug dug. Tug dug. Tug dug.

Third Person’s POV

(Author-nim: May nalalaman pang ganyan eh noh.)

Sumenyas si Ken sa mga kaklase nya na itigil muna ang laro at pagmasdan sila Paynne at Zen.

Sinunod naman nila si Ken at nakita nila kung gaano ka-close ang dalawa.

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase nila.

“Grabe. Kala ko pa naman din walang makakasundo si Paynne.”

“May gusto kaya si Paynne kay Zen?”

“O si Zen ang may gusto kay Paynne?”

“Hay basta. Naiingit ako sa kanilang dalawa. Ang sweet eh oh.”

Habang nagbubulungan ang mga kaklase nila ay dahan-dahang lumapit si Ken sa likod ni Paynne.

Mahinang tinulak ni Ken si Paynne.

Nang magkadikit ang mga ilong nila Paynne at Zen.

Dumilat na si Zen at hinawakan ang braso ni Paynne.

Tumayo na si Zen at hindi parin talaga nawawala ang magkadikit na ilong nilang dalawa.

Para silang nagno-nose to nose.

Ay hindi pala parang. Talagang nagno-nose to nose sila.

Ilang minuto silang nagtitigan at hindi parin talaga maghiwalay ang ilong nilang dalawa.

Paynne’s POV

.....

..........

...............

What’s happening?

Ang tangos ng ilong ni Zen. Shit.

Parang ilong lang ni V.

Sa mga titig ni Zen sakin.

Parang may gusto syang sabihin.

Kakaiba yung mga titig nya eh.

Ilang minuto na kaming ganito at ni isa saming dalawa ay walang bumibitaw.

Are we enjoying this moment?

Fuck. No.

Nang bigla syang lumayo sakin at parang nakahinga na sya ng maluwag.

“T-tuloy ko pa ba yung eyeliner mo?” Awkward na sabi ko kanya.

Di sya sumagot at tinignan nalang nya mga kaklase namin.

Na-curious na din ako at tinignan na rin sila.

Nakita ko naman yung mga kaklase namin na kilig na kilig.

“Pumunta ba si Steve?” Tanong ko sa kanila.

“Duh. Hindi no. Mas kinikilig na kami sa inyong dalawa ni Zen.” Sambit ni Cyanne.

“Tss. Sino palang tumulak sakin?” Tanong ko sa kanila.

Lahat naman sila tinuro si Ken.

“Tangna mo Ken.” Sabi ko sa kanya.

“Labyu too. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Sabi nya.

Pagkatingin ko naman kay Zen ay nakatingin sya ng masama kay Ken.

“Pre, selos ka ba? Edi mag-ilabyu ka rin kay Paynne.” Sabi ni Ken dahilan para mainis si Zen lalo kay Ken.

“Pre di nakakatuwa.” Sabi nalang ni Zen.

“By the way Zen. Ang ganda mo.” Sabi ni Ken dahilan para matawa ako ng konti.

“Sandali itutuloy ko yung eyeliner sa mata mo.” Sabi ko at sinulatan na ang mata ni Zen.

Yung gilid nalang naman ang kailangan kong ituloy at tapos na.

“Oh ayan tapos na!” Natutuwang sabi ko.

Shit bagay sa kanya haha.

“Selfie tayo.” Sabi ko sa kanya at nilabas ang phone ko.

Pumunta ako sa camera at nagselfie na kaming dalawa.

Ang photogenic ni Zen, huh.

Habang nagseselfie kami ay yung mga kaklase naman namin ay nag-yie-yie.

Nang matapos na kaming magselfie ay nagsalita bigla si Zen.

“Yie nyo to.” Sabi nya.

Nagsitawanan naman yung mga kaklase ko.

“Sweet nyo Paynne.” Sabi naman bigla ni Jane.

“Sweet mo to.” Sabi ko naman.

“Tsk. Meant to be talaga.” Sabi ni Jane.

Nagsimula na ang practice at maayos ayos naman ang delivery ng ibang cast.

Yung iba prang kabado pa.

Nagbigay pa ng konting tips at advices si Sr. para mas lalong maayos yung pag-act nila pag nasa actual play na.

Bigla namang nag-flash sa isip ko yung mga titig ni Zen kanina.

Shit tama na.

Naiingit na ako sa matangos na ilong nya.

Bitch [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon