CHAPTER 5: Zen

77 2 0
                                    

Zen's POV

Pababa ako ng hagdan ng may marinig akong umiiyak.

Pagkatingin ko naman sa CR ng mga babae...

Si Paynne?

Si Paynne umiiyak?

"Paynne, umiiyak ka ba?" Tanong ko at sumandal sa may pintuan nung CR.

Pinunasan nya muna ang luha nya saka humarap sakin.

"No. I'm not crying. Just testing my acting skills." At saka ngumiti ng pilit.

"Ayan ngiti lang. Pero wag yung pilit, ha." Sabi ko saka tumawa ng mahina.

Pupunta na sana ako sa lab pero babanat pa ako sa kanya.

"Ay, pag nag-artista ka, ako ka-love team mo, ah." Sabay kindat.

Lumapit naman sya sakin at hinampas nya ako sa kaliwang braso ko nang napakalakas.

"Aray!" At hinimas ko ang kaliwang braso ko

"Puta wag kang magpapakita sakin! Ang corny mo puta! Nakakadiri!"

Gusto ko lang syang nakikitang ganto.

Hindi yung cold na Paynne.

Actually hindi si Paynne. Si Kim.

"Basta yung sina--" naputol ang sasabihin ko dahil magsasalita sya.

"LUMAYAS KA SA HARAP KOOOO."

Sinunod ko nalang ang sinabi nya. Dumiretso nalang ako sa lab.

Kukunin ko yung gawa namin ng mga groupmates ko.

Nakita ko naman bigla yung gawa nila Paynne.

Mga kaibigan nya at sya.

Group KKK
(Kalog pero Kool Kids XD XD)

Kim Dizon
Jamm Perez
Rachelle Lopez
Carol Fernandez
Aliana Lee

Napangiti naman ako bigla pero may kung ano akong naramdaman na mabigat sa loob ko.

Bat ba ako naaapektuhan?

Aist. Never mind.

Kinuha ko nalang ang gawa namin at umakyat na papuntang sa faculty.

"Ms., eto na po yung gawa namin ng mga kagrupo ko." Sabi ko sabay abot kay Ms. Reyes.

"Thanks, Zen. Gagawin kong example to mamaya para sa gagawin ng ibang section. Ganda kasi ng gawa nyo eh. Haha."

"Syempre, Ms. Ako leader nila eh. Haha. Sige po, Ms. Reyes. Punta na akong classroom."

"Okay, Zen. Ibabalik ko nalang to sa lab mamaya."

"Sige po." Sabi ko saka dumiretso na sa classroom ko.

Pagkapasok ko naman sa classroom ay ang ingay ng mga kaklase ko.

Puta nakakarindi.

Habang eto nanaman si Paynne. Ang tahimik nya habang nakaupo na parang lalaki.

Lumapit ako sa kanya.

"Is there any problem?" Cold nyang sabi at umupo ako sa katabi nyang vacant seat.

"Wala naman. Umiiyak ka ba kanina?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"It's none of your business." Sabi nya st pinatong ang paa nya sa sandalan nung upuan na nasa harap nya.

"Seat properly. You're wearing a skirt." Sabi ko at ibababa ko pa sana ang paa nya.

"Why do you even care? Eh, gusto ko eh." Masungit nyang sabi.

"So. Umiiyak ka nga kanina?" Seryoso kong tanong.

"Wala ka nang pake sa personal na buhay ko. Kaya pwede ka nang umalis." Cold nyang sambit.

"Eto naman nagtatanong lang eh." Sabi ko sabay pout.

Ginawa ko lang na magpout baka sakaling maawa sya sakin.

"Puta ampangit mo. At... bakit mo ba ako kinakausap? Are you even my friend?" Sabi nya dahilan para malungkot ako.

"Oo nga pala. Sino ba ako sayo? Ni wala ka ngang balak na kausapin ako eh. Ako lang naman pala tong dikit ng dikit sayo." Sabi ko saka umalis.

Haha andrama ko dun, ah?

Ilang sandali, dumating na si Sr.

15 minutes nalang at next subject na.

"Sorry kung late ako. Basta i-review nyo nalang ang mga lessons natin last week. Magkakaroon tayo ng Chapter Test next meeting." Sabi nya dahilan para maexcite ako.

"Basta class tandaan nyo nalang, wag nyong ikukulong ang sarili nyo sa past. Wala naman na ding mangyayari kung babalikan nyo yan. Wag rin naman lagi nalang kayong nageexpect ng mangyayari sa future. Sa sobrang pageexpect nyo, baka masaktan lang kayo dahil yung ineexpect nyo, hindi yung ang kinalabasan. Gets? Mabuhay kayo sa present. Yun lang, class. We'll continue our lesson next week." Sabi ni Sr. at umalis na.

Wag nyong ikukulong ang sarili nyo sa past.

Bigla ko namang naalala si Paynne pati yung bespar ko...

Baka yun yung dahilan kung bakit sya umiiyak kanina!

Humarap ako sa direksyon kung saan nakaupo si Paynne at sinabing, " Wag daw ikukulong ang sarili sa past!" Sabi ko sa kanya at ngumiti para mangasar.

"Magbago ka na!" Sigaw ko st natahimik naman ang iba kong kaklase.

"Bat naman ako magbabago?! Ha?!" Sigaw nya sakin.

"Kasi hindi ka naman ganyan dati!" Sigaw ko para magulat ang mga kaklase ko.

Nagbubulungan na ang mga kaklase ko.

"Anong hindi? Kilala mo ba ako?! Sino ka ba? Kung umasta ka parang kilalang kilala mo ako!" Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Oo kilala kita." At saka ngumiti ng konti.

"Paano? Sinasabi ko na nga ba stalker kita eh!" Sigaw nya sakin.

"Diba naging kayo dati ni Steve? Kaibigan ko yun! Kaya kita kilala!"

Bitch [ON - HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon