Cassy's POV
'Aabangan kita bukas sa may locker room. Hindi pa pala tayo tapos.'
Reply ni Paynne sa comment ko.
Maganda na ako ngayon. Wahaha
Buti nalang pala hindi ako binalikan nung bitch na yun nung araw na yun.
Nasira na siguro ang mukha kong mala-diyosa ang ganda.
Haha! Hangin ba? Well, totoo naman.
'Bakit? Pagandahan ba? Well, Paynne. Talo ka na!'
Reply ko sa kanya.
Nag-reply nalang sya ng naka-smirk na emoji.
Tss. Yun lang pala.
Nerd ako dati. Pero ngayon maganda na ako.
Mahirap lang kami dati pero ngayon, nung bumalik na si papa galing Saudi, mayaman na kami.
Kay papa ako nagmana ng pagka-matalino ko at kay mama naman ako nagmana ng kagandahan ko.
"Cassy, hindi ka na nag-aaral. Hindi ka naman ganyan dati nung wala ka pang phone." Sambit ni papa habang kumakain.
"Papa, dito na ako nag-aaral sa phone ko." Sabi ko kay papa at tumingin na ulit ako sa phone ko.
Well, hindi naman talaga ako nag-aaral.
Hindi na sya sumagot at bigla ko namang naalala si Steve.
Well, yeah. Nililigawan naman nya talga ako eh.
Kay Jane ko lang talaga sinabi.
Then nakita ko yung article.
Ang kapal din ng mukha ni Paynne eh noh. Landi pala.
Kaya ayun. Cinomment ko na kung ano ang totoo.
Marami na ang nagbago simula nung binigyan ako ni Steve ng flower at nung bumalik na si papa.
-Flashback-
Papunta akong locker room at magpapalit ako ng uniform.
Nabubully nanaman kasi ako. Tinapunan ako ng orange juice. Obvious naman na sinasadya, eh.
Nandito na ako sa locker room at pagkabukas ko ng locker ko ay may nakita akong rose.
'Steve ❤'
Nakalagay sa card na nakatali dun sa stem nung rose gamit ang pink na ribbon.
HALA?!?!?!? KINIKILIG AKO MGA BESSSSSSS!!!!!!
Ano namang nagustuhan sakin ni Steve?
Dahil siguro maganda ako. HAHA CHAR
Hindi rin ako makakapagayos eh.
Wala akong magandang damit, sapatos, pabango, etc. etc.
Hindi ako kagaya ng mga babae sa school.
Magdidismissal na. Papunta na ako classroon ko at nakita ko bigla si Jane.
"Bessy!!!" Tawag ko sa kanya.
Humarap sya sakin at tumakbo para lumapit sa akin.
"Bakit bessy? May problema ba?" Sabi nya sakin.
"Bes, may nakita akong rose sa locker ko."
"Waaah! Kanino naman galing?!" Kinikilig na tanong nya.
"Kay Steve."
Parang nadisappoint sya nung narinig yung pangalan ni Steve.
"Bakit? May problema ba kay Steve?"
"Nantitrip yan, bes." Worried na sambit nya.
"Kung nantitrip yan diba dapat sa mga sikat na babae?"
Hindi sya nakasagot.
"At totoo to, bes. Nerd ako, tapos ako pa ang liligawan nya."
"Basta, bes. Good luck nalang."
"Bat, parang hindi mo ako sinusuportahan?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganon pero, bes, baka paglaruan ka nya eh. Parang yung nangyari kay Paynne."
"Che. Bahala ka. Tignan mo. Kami rin ang may forever." Sabi ko sa kanya at punta na ako sa room ko.
Pauwi na ako sa bahay nakita ko naman si mama sa labas ng maliit naming bahay.
"Ma, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ang papa mo. Darating na daw." Masayang sabi ni mama.
Woah! Nice!
After 10 years nyang pagtatrabaho nya sa Saudi, babalik na sya!
"Bulas na bukas, lilipat na daw tayo nga bahay. Mas malaking bahay. Nakabili na daw ang papa mo, eh." Masayang sambit ni mama habang nagbibihis ako.
"Mayaman na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ano sa tingin mo, nak?"
"Syempre, ma. Mayaman na tayo." Masayang sambit nito.
So ibig sabihin neto...
Pwede na akong mag-ayos para mag mukha naman akong babae.
YEEEEEEESSS!
"Mama, bili tayo ng mga damit ko, ah! Pati narin mga sapatos. Gusto yung maganda. Parang ako." Mayabang na sabi ko kay mama. Haha.
"Oo. May pambili na ang papa mo para sa mga gusto mo. Matitiis ka ba nya? Eh ikaw ang nagiisa nyang anak, eh." Natatawang sabi ni mama.
Dumirecho na ako sa kwarto ko.
"Simula ngayon. Magbabago na ako." Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Bitch [ON - HOLD]
Teen FictionYou know my name, not my story. You know what I've done, not what I've been through. Yan ang hirap sa mga tao, eh. Masyado silang mapanghusga. Masyadong judgemental. At dahil masyado na akong naaapektuhan dahil sa kanila, pinili ko nalang na magin...