After a year.....
Aeon POV.
Mahigit isang taon na ang lumipas, parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyon sa isang iglap. Akala namin tapos na ang lahat ngunit hindi pa pala. Dahil isang kaibigan ang nawala sa amin. Si Shek.
Hindi siya nailigtas ng gabing iyon, hindi nakayanan ng katawan nito at tuloyan ng bumigay.
Ngunit kung may mawawala may darating. Isang malaking milagro ang dumating din sa amin ng gabing iyon. Ang akala naming patay na ay isang malaki palang buhay ang anak nila Shek at Spade.
Nang gabing inoperahan si shek upang kunin yung bata ay bigla daw itong gumalaw pag labas kaya ni retrieve nila yung baby hanggang sa maging okey na ito.
Bilang sunod kay Shek. Kellerie ang ipinangalan namin ayon sa gusto nito ng nabubuhay pa ito.
Ako ang tumayong magulang ni baby kell sa lumipas na taon. Kahit di ko sya kadugo itinuring ko sya na parang akin. At ngayon araw ay ang araw ng kapanganakan nito at ang anniversary naman ng pagkamatay ni Shek.
Hindi na kami madalas mag kita ng angels. Dahil may kanya2 na kaming buhay pagkatapos namin mag aral ng college.
Si Yuri tuwing week end lang umuuwi dahil busy sa trabaho nito as secretary ng fiancee nyang si andrei. Bumili ito ng condo malapit sa office ng mga Gomez at nagbabalak ng magpakasal next year.
Habang si Covie naman Busy rin sa pagiging full time live-in partner ni Leon. Magpapakasal na sana ang mga ito ang kaso buntis si Covie kaya manganganak muna daw sya saka na magpapakasal.
Habang ako naman busy sa trabaho at pag aalaga ni kellerie. At about sa love life ko?. Masaya naman, Actually 3 months nang nanliligaw muli sa akin si Amiel at wala ng hard feelings between us. Time heals the wound ika nga. Hindi ko pa sya sinasagot sa ngayon pakipot muna ako, gusto ko ituon ang atensyon sa pag aalaga kay baby kell.
Tapos ko ng bihisan si kell at naka ayos narin ako. Bumaba na kami ng hagdanan dahil kanina pa nag aantay sa amin si Amiel sa baba. Nang makita nya kami isang malaking ngita ang sinalubong nito sa amin. Hinalikan nya muna ako sa pisngi tyaka kinuha si kell sa akin.
Parang anak tuloy namin si kell. Magkasundo si kell at amiel kisa kina Andrei at Leon maybe because madalang nya lang itong makita. Unlike amiel halos araw2.
Pumasok na kami sa kotsi nito at sinimulan ng ini start ang sasakyan.
" Diritso na ba tayo? O may dadaanan pa tayo?" Tanong bi amiel sa akin.
" Daan muna tayo sa Flower shop nila Ashley bibili akong bulalak para kina shek dadaan muna tayo doon bago pumuntang reception " sabi ko.
Hininto naman nya ang sasakyan sa bagong bukas na Flower shop ni Ashley at bumili ng bulaklak.
" Ash, ito na ba yung baby mo? Ang laki na ahhh" tanong ko kay ashley ng makita ko ang anak nito.
" Oo, Mahigit isang taon na rin itong si Rain namin ehh" sabi naman nito.
" Oyyy birthday ngayon nitong si Kell punta kayo huh sama mo si Lorenz ng ma enjoy naman " sabi ko dito.
" Sige subukan ko hehehe by the way ito oh!" Sabay abot ng isang invitation.
" Magpapakasal na kayo ni Lorenz?!" Tanong ko dito.
" Oo, sa makalawa na yan huh. Buti nalang napadaan ka." Sabi nito.
" Pupunta ako promise, sige mauna na kami huh " paalam ko na din kay Ashley.
Pumasok na ulit ako ng sasakyan at naabutan kong nilalaroni amiel si baby kell.
" lets go!" Sabi ko dito.
Binaybay namin ang daan papuntang memorial park kung saan naka libing si Shek at ang iba pa.
Pagdating namin isa -isa namin itong inalayan ng bulaklak at dasal. Hindi ko mapigilan ang imosyon ko at naiyak.
" Shek, isang taon ka na dyan. Masaya ka na ba na nagkita na kayo dyan ni Spade?. Ang daya mo huh! Pero salamat at iniwan mo ang napakagandang anghel sa buhay namin. Pangako aalagaan namin si kell at mamahalan parang isang tunay na anak. Kaya magpakasaya ka dyan miss ko na kayo ni cyril at lady X. Paano ba yan di na kami magtatagal huh "
Lumapit na ako kay amiel na nakatayo parin sa puntod ng kambal at nanay nito.
" Lets go" yaya ko dito.
Tumuloy na nga kami sa pagdarausan ng party ni Kellerie. Pagdating namin ay agad sumalubong sa amin sina Yuri at Covie.
Isang masaya at di malilimutang araw ng kaarawn ni kellerie ang idinaos naming lahat. Masaya ako dahil dumating si kellerie sa buhay naman at muling nagpatingkad sa mundong wala ng kulay.
Tama nga ang sabi nila sa bawat unos na darating asahan mong may isang bahagharing magpapakulay ng mundo.
Sa mga taong nagdaan masasabi ko na hindi madali ang buhay ngunit kailangan nating lumaban para sa ating bukas. Iiyak kaman ngayon asahan mong bukas may ngiti kanang masisilayan. Dahil hindi sa lahat ng oras ay hirap at lungkot darating din ang sikat at ligaya sa buhay mo.
Ito po si Aeon Flux na nagsasabing sa bawat pagSasara ng libro ay may panibagong istorya ang magbubukas.
Maraming Salamat po.
ANGELS
. THE END
BINABASA MO ANG
ANGELS ( Completed )
RomanceWARNING : Marami pong typos ang story na ito.. Di pa tapos e edit.. Salamat.. This is a story of 5 girls who are trained to be an Assassin's to make revenged for their killed parents by the help of a Lady named Xandra. This is also a story of love...