PROLOGUE

7.4K 162 15
                                    

XANDRA'S POV

Galing ako sa isang simpleng pamilya, isang pulis ang tatay ko at may dalawa akong nakakatandang kapatid, masaya ang buhay namin nag bago ang lahat ng makilala ni Ate ang lalaking nagpatibok ng puso nya, si Alejandro Gomez istranghero sa amin si Alejandro dahil dayuhan lang ito sa amin, sumama si ate kay Alejandro at simula noon wala na kaming naging balita sa kanya, hanggang sa nalaman naming pumanaw na pala ang kapatid ko.

Dahil sa nangyari kay ate inalam ko ang naging buhay nya sa piling ng asawa nya at doon ko nalamang isang mafia si Alejandro. Dahil doon pinasok ko ang mundo ng mafia sa pamumuno ni Dark Night. Nagku-krus ang landas namin ni Alejandro pero di nya ako kilala.

Nagtipon-tipon ang lahat ng mafia para pagplanuhang patayin ang mga hadlang sa plano ni Dark Night at doon ko nakilala ang mga magulang ng mga Angels. Mga alagad sila ng batas hindi ko nakayanan ang mga pinag-gagagawa sa kanila kaya nakapagdisesyon akong itakas sila pero di ko nagawa dahil nahuli ako mismo ni Alejandro at ng mga kasamahan nya.

Dahil sa ginawa kong pag traydor, pinahirapan nila ako. Kung ano anong pinag gagawa nila sa akin at nilagyan din nila ako ng markang X sa mukha. Buti na lang may isang lalaki ang tumulong sa akin, ang kasamahan kong si Mhilbert, tinulungan nya akong makatakas at nalaman kong patay na pala ang lahat ng bihag, at kasama dun ang magulang ng mga Angel ko. Mhilbert helped me and he also offered me to join their group, an Assasins group na pinamumunuan ng diko kilalang tao. Gusto ko itong makilala ngunit hindi maaari dahil May malaking lihim sa pagkatao nito

5 years akong nawala at sa limang taon na yun wala na pala akong pamilyang madadatnan . Nasunog daw ang bahay namin kasama ang tatay ko at pinatay ang kuya Xander ko inalam ko sino may kakagawin at nalaman kong si Dark Night ang nasa likod ng lahat.

Nagplano akong maghiganti at hinanap ko ang natitirang pamilya ng tinulungan ko sanang patakasin noon at doon ko natagpuan ang limang mga batang babae Sina Yurico, Jacoviel, Aeon, Shekainah at Cyril mga batang sa edad na 7 taon ay naulila, kaya kinuha ko sila sa bahay ampunan na tinitirhan nila at inensayo para maging Assassin at maghiganti sa sinapit ng mga magulang nila.

After 10 years ay naging mahusay silang Assassins. 17 years old. Ang gaganda nila. And I'm so happy na dumating sila sa buhay ko, para ko na din silang mga anak.

Ngayon oras na sa pagharap sa totoong laban. Humanda ka Dark Knight at pati ikaw Alejandro Gomez sa pagtutuos nating muli. Marami kayong pagbabayaran. Marami...

------------------------------------------------------------------------------------------

Revised Version.

ANGELS  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon