"Nay! dyan lang ako sa may park!" Paalam ko bago lumabas. Kung paalam ngang matatawag yun na hindi ko naman hinintay kung pumayag ito.Balak kong mag relax. May dala akong bag pack. May pagkain doon at kung anu-ano pa. Naglakad lang ako at ng makarating na ako sa park ay nilabas ko agad yung inumin ko sa bag.
"Ha!" Nakangiting sabi ko pagkatapos. Ang sarap ng tubig. Lasang.. lasang wala. Pero ang sarap pa din. Pinunasan ko yung pawis ko bago tumingin sa paligid. Konti lang yung tao dahil papalubog na din yung araw.
Naupo ako sa ilalim ng puno na lagi kong tinatambayan at hinintay lumubog ang araw. Kinuha ko ang sketch pad ko at ginaya ang sandali na iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Masasabi ko na isa ako sa pinaka maswerteng tao dito sa mundo. Walang kulang sa buhay ko. Hindi kami naghihirap, hindi naman kami mayaman, sakto lang. Pero thankful pa din ako. Kahit na nasa Japan si Ate at wala na si Tatay, masaya pa din ako. Hindi ako napagkaitan ng pagmamahal, sobra sobra pa nga. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mag isa ako.
Nang matapos lumubog ng araw ay inayos ko na ang mga gamit ko. Hiniwalay ko yung basura at maling drawing ko. Tinapon ko yun sa basurahan na nadaanan ko.
Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko. Text pala.
"Kamusta athena :)". Sayang. Wala akong load. Kaibigan ko yung nag text na yun. Si Harry.
Nakilala ko lang ito noong nag e-enroll ako noong first year. Accountancy yung akin at ganoon din ito.
Mabait naman ito. Parang kuya ko na. Matanda kasi ito ng dalawang taon sakin. At kung akala nyo na may gusto sa akin ito, o ako dito ay nagkakamali kayo. Isa kasi itong serena. Babae sa puso. Kapag may mga tao ay lalaking lalaki itong kumilos, napagkakamalan tuloy kaming mag GF-BF , pero kapag kami na lang?, Ayun, mas malambot pa sa gelatin.
Nang makarating sa bahay ay nakasabay ko pang pumasok si Onyok.
"Saan ka galing?". Taas kilay na tanong nito.
"Ikaw? Saan ka galing?" Balik tanong ko dito.
"Tss" Sabi nito at nag madaling pumasok na sa loob.
Feeling pogi!
"Oh magkasama pala kayo?" Nakangiting tanong ni Nanay.
"Hindi/Di nuh" Sabay naming sagot. Tumawa lang si Nanay. Para kasi kaming aso't - pusa nitong si Onyok. Kaya imposible yun.
"Sige at maghahain na ako. Kayo talagang mga bata kayo" Nakangiting sabi pa nito.
"Palit lang ako ng damit" Paalam ko.
"Geh at ang baho mo na" Narinig ko pang bulong ni Onyok.
"Malapit ang ilong sa bibig. Nagsipilyo ka na ba?" Pang aasar ko pa dito bago nagtuloy sa pag akyat.
Isa-isa kong nilabas yung laman ng bag ko. Hiniwalay ko yung mga pagkain na hindi ko nabuksan at inibabaw sa study table ko. Kakainin ko yun mamaya. Pinang huli kong ilabas yung sketch pad ko. Nilagay ko yun sa drawer ng cabinet ko bago ako pumasok ng Cr.
Pakanta kanta pa ako. Pag baba ko ay nakahain na at si Onyok na lang ang kulang. Umupo na ako at tinignan si Nanay. Ngumiti lang ito kaya ngumiti din ako.
"Ah nagpadala nga pala ng package yung ate mo. Next week na yung dating" Sabi nito.
"Ayos!! May gadgets ba?!" Nagulat pa ako doon.
"Ano ba?! Kailangan sumigaw? At talagang sa tenga ko pa?" Ang tahi-tahimik kasi namin ni Nanay tapos biglang may sisigaw sa tenga mo?.
"Bawas bawasan mo kasi pagkakape mo". Nakangising sabi nito.
"Bakit hindi yang kalokohan mo ang bawasan mo?" Inis na sabi ko dito.
"Tama na yan. Ikaw naman kasi Onyok, bakit ka sumigaw sa tenga pa mismo ng ate mo?" Sermon ni Nanay.
"Hahaha sorry. Na excite lang ako" Sabay upo nito.
"Ayzz" Sabi ko. Wala na yung inis ko agad.
Kahit ganyan si Onyok, mahal ko naman yan. Love and hate relationship.
Pagkatapos mag pray ay kumain na kami. Hmmm da best talaga si Nanay magluto!.
Agad ko namang niligpit yung pinag kainan namin. Nasa may sala naman si Nanay at Onyok. Dinig na dinig ko yung usapan nila. Tuwang-tuwa si Onyok. May mga sapatos, damit, gadgets at mga chocolate kasi doon. Sa akin naman ay ayos lang kahit wala. Hindi ako mahilig sa mga materyal na bagay. Mas Ok sana kung si Ate yung nakalagay sa package. Matutuwa pa ako nun. Umuwi ito noong December pero umalis din after ng New Year. Mas kasundo ko kasi ito kaysa kay onyok. Apat na taon na ito simula nang magpunta sa Japan. Nagtratrabaho ito sa Airport doon.. Mechanical Engineering kasi ang natapos nito at na promote ng na promote kaya ngayon ay mayroon na itong sariling office at sinasaluduhan pa ng mga hapon doon. Gusto naman ni Ate yung trabaho nya at may mga kaibigan din sya doon kaya nagustuhan na nya sa Japan. Tumatawag naman sya at nag s-skype kami tuwing gabi.
Pagkatapos mag kwentuhan ay nagpa alam na kami para pumunta sa kanya kanya kwarto.
"Goodnight.. love you" Sabi ko pa kay Nanay. Pagpasok ko sa kwarto ay sinindi ko muna ang ilaw. Hindi pa ako inaantok. Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
"Ang boring ng buhay ko" Biglang lumabas sa bibig ko. Hmmm hindi naman boring. Wala lang thrill.
"Eh same lang yun ah?" Kausap ko sa sarili ko. Geez, nababaliw na yata ako.
iling iling na kinuha ko yung diary ko sa cabinet.
"April 22, 2016.. Dear Diary,.." Napahinto ako doon. Ano ang sasabihin ko?. Nag jogging lang naman ako ulit at nakipag asaran kay Onyok. Paulit ulit lang. Napabuntonghininga ako.
".. ang boring ng buhay ko" Nakatawang dagdag ko bago ito isara. Psh, ang tagal naman kasi ng bakasyon.
Kinuha ko na lang yung cellphone ko. Kinabit ko yung earphone doon at nagpatugtog na lang ng kanta hanggang sa makatulog ako.
---------------------------------
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Teen FictionPosible ba na mahalin mo yung tao na hindi mo pa nakikita?. Yung tao na kahit boses ay hindi mo pa naririnig?. Maging pangkaraniwang impormasyon ay hindi mo alam. Pangalan nito, edad at kasarian. Nang dahil sa isang insidente ay balisang - balisang...