Chapter 12

500 34 1
                                    


Nang maghapon na ay napagpasyahan kong lumabas. May araw pa at isang oras pa siguro bago lumubog yung araw. Gising na si Nanay kaya nagpaalam ako dito.

"Nay, punta lang ako sa park"

"Umuwi ka din agad ah"

"Opo" Palabas na sana ako ng mapansin ko si Harry.

"Pwedeng sumama?" Pacute na tanong nito.

"Oo na. Pero maglalakad lang tayo" Ngumiti naman ito.

"Kahit gumapang pa okay lang"

"Hahahahahaha"

Nang makarating kami sa park ay hingal aso na itong katabi ko. Lumalawit pa yung dila at nakayuko ito habang nakahawak sa tiyan nya.

"Napaka.. ha.. layo.. ha.. tu.. ha.. big" Hindi ko maiwasang matawa dito. Agad nitong ininom yung mineral water na inabot ko dito.

Agad kong binaba yung bag ko at naupo kami sa may bench.

"Eto na ba yung park?" Tumango lang ako.

"Bes.. saan dito yung puno" Biglang bulong na tanong nito ng mahimasmasan sya.

"Huwag kang maingay" Bawal ko dito. Tumango naman sya.

"Yung nasa mataas na lupa na iyon" Tumingin naman ito doon.

"Yung puno kung saan may aso?". Tumango ako. Bago ko naisip na pamilyar yung aso na iyon. Yun yung mapangit na aso ni Kyle. Agad akong yumuko doon. Nakigaya naman si Harry sa akin.

"Bes bakit?" Pabulong na tanong pa nito. Agad kaming lumakad papalapit sa nagtitinda ng ice cream.

"Bibili lang pala ng ice cream, kailangang yumuko yuko pa?." Sabi nito. Nilagay ko naman yung daliri ko sa labi ko para sabihing tumahimik ito.

"Aso yun ni kyle"

"Yung panget na aso?". Hindi ko maiwasang matawa dito. Tumango tango ako. Panget kasi talaga yung aso nito.

"Anong ginagawa nya dito?" Nagkibit balikat ako. Nang biglang unti unti ng lumitaw si Kyle mula sa puno na tinatambayan namin.

"Tago tayo". Biglang hila ko kay Harry. Nakigulo gulo kami sa mga batang bumibili ng ice cream.

"Hala may kasama". Sabi ni Harry. Sinilip ko, meron nga at naka akbay pa ito doon sa babae. Pinagmasdan namin yung dalawa na umalis kasama yung panget na aso.

"Hala girl! Kaganda noong kasama". Sa halip na magselos ay pinagsawalang bahala ko ito. Mas interesado pa nga akong malaman kung sino ang babae nitong kasama kesa sa katotohanang hindi nito tinupad yung sinabi nito na hindi sya titingin sa ibang babae.

Inaya ko ito sa may malaking puno. Sumandal kami doon.

"Ang ganda" Sabi nito sa papalubog na araw. Kinuha pa nito yung mamahalin nyang cellphone para kuhanan ng picture yung tanawin. Nag picture picture din kami ni Harry bago kami mapagod at sumandal na lang sa puno.

"Iiwanan mo na ba ngayon yung Diary?". Tumango ako.

"Dapat kasi kagabi pa." Hinintay muna namin na magsialisan yung mga tao at tuluyang dumilim ng iwanan namin yung Diary ko sa ilalim ng puno.

"Paano bes kung iba ang makakuha nun?". Kinatok ko naman yung kahoy na dingding ng bahay namin. Para makontra ito.

"Ano ka ba?. Baka magkatotoo yang sinasabi mo eh" Singhal ko dito. Nag peace sign naman ito bago kami tuluyang pumasok sa bahay.

"Andyan na pala kayo. Tara at kumain na tayo" Aya ni Nanay. Pagkatapos kumain ay pinaalis na namin si Nanay sa kusina.

"Kami na Nay.. Maaga ka pa sa Palengke bukas"

"Hay sige. Salamat mga anak".

"Opo.. Goodnight nay" Nag derederetso na ito sa kwarto nya.

"Bes kailan mo makukuha Diary mo?". Naghuhugas kami ngayon ng plato.

"Bukas ng ganitong oras". Napa pout naman ito.

"Ang tagal"

"Ok lang, kung sya naman ang hinihintay" Dinunggol naman ako nito. Muntik ko na tuloy mabitiwan yung platong hawak ko. Tinignan ko ito ng masama.

"Ay sorry. Hindi lang kasi ako sanay na bumabanat banat ka dyan. Mukha ka kasing robot dati eh" Ako naman ngayon ang dumunggol dito.

"Robot? Tsk"

"Hahahaha Paano ay paulit ulit ka lang ng ginagawa at sinasabi noon. Para kang robot na naka program." Napa irap ako doon.

"Ayun eh, marunong na syang umirap"

"Che!"

"Hahahaha"

"Nagiging babae ka na" Biro pa nito.

"Kung kelan naman babae na pala yung gusto mo" Dagdag na bulong pa nito. Dinunggol ko ulit tuloy ito. Pagkatapos mag urong ay napagpasyahan naming matulog na.

"Oo bes at sumakit yung katawan ko sa ginawa natin kanina" Sabi nito bago isara yung pinto nya. Nakatawang umakyat ako ng hagdan. Nasa baba kasi yung kwarto ni ate na iyon at kwarto ni Nanay. May Apat na kwarto naman sa taas pero dalawa lang yung ginagamit.

Pagkarating sa kwarto ay agad akong nahiga. May mga ngiti sa labing pumikit at inalala si Ms. Diary.

Wala akong pangambang nararamdaman. Kung panget ba ito o maganda. Kung matangkad ba ito o pandak. Kung may kapintasan ba ito sa katawan. Kung ilang taon na ba ito. Walang pangambang ngumiti ako pumikit.

"Makikilala din kita"

--------------------------------

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon