Chapter 11

538 31 2
                                    


Naupo kami sa kama ni Ate.

Pasalpak na nahiga doon si Harry. Bago ito nakangising lumingon sa akin.

"May hindi ka sinasabi sa akin" Mukhang tangang tinuro ko naman ang sarili ko.

"Sino yung katagpo mo kagabi?". Bigla akong kinabahan dun.

"W-wala" Bigla naman itong tumawa.

"Aru aru.. Hindi ako naniniwala. Atat na atat ka ngang makatulog ako kagabi".

"Eh kasi.. kasi mukhang pagod ka" Akala mo ah. Matalino to.

"Nice try baby.. Eh bakit ka lumabas kagabi?. Tumatakbo takbo ka pa. And don't you dare deny it! Papanget ka!!" Tumawa ito ng tumawa.

"May binigay pa nga yung katagpo mo eh. Chocolates ba yun?".

'Patay'

"Wala lang yun. Kalimutan mo na yun".

"No. Naka engrave na iyon sa maganda kong memorya. Hindi na iyon mabubura forevermore". Nag puppy dog eyes naman ako dito. Ano ba iyan. Ang sagwa.

"Please wag kang maingay kay Nanay" Nilagay naman nito yung mga kamay nya sa baba nya na tila nag iisip.

"Hmmmm sige-"

"Yess!!"

"Hep hep" Pigil nito sa pagbubunyi ko.

"Horaay?" Mukhang tangang sabi ko naman. Natawa tuloy si Harry.

"In one condition" Napa pout naman ako dun. Malamang.

"Sabihin mo sakin kung sino katagpo mo". Ewan ko pero bigla akong napangiti kahit wala namang nakakatuwa sa pag i-interrogate nitong bakla na ito sa akin.

"Come on! Tell me now! sya ba? sya ba yung dahilan kung bakit kayo nag away ni Papa Kyle?". Bigla naman akong napasimangot dun.

"Ano ka ba. Huwag mo ngang binabanggit yung pangalan nun. Baka marinig tayo ni Nanay". Nag zip naman ito ng labi nya.

Ilang sandali pa at hindi naman ako nagsalita. Hinampas tuloy ako nito at syaka inirapan.

"Ano na? Kwento ka na".

"Eh ano bang ikwekwento ko?".

"Yung katagpo mo nga". Napangiti tuloy ako ng maalala na naman si Ms. Diary.

"Eh saan ba ako mag sisimula?". Umirap na naman tuloy ito.

"Malamang bes sa umpisa! Kahit saang kwento, walang nagsisimula sa dulo!" Napatawa tuloy ako doon.

"Bakit hindi mo simulan sa pangalan nya?" Suggestion nito. Napabagsak tuloy ako sa kama ni Ate at napabuntong hiningang tumingin sa kisame.

"Lalim. Anong pinaghugutan nyan?"

"Ayun nga bes.. Hindi ko kasi alam pangalan nya". Napahawak naman ito sa bibig nya at namilog ang mga mata. Bago tarantang tinitigan ako.

"Ay bakit ganoon?!. Lugi ka nyan! Paano kung may mangyari sa inyo at takasan nya ang responsibilidad nya?. Hindi mo sya-" Inis na tinakpan ko ang bibig nito.

"Mahina sige ilakas mo pa" Tinanggal naman nito yung kamay ko bago ako hawakan sa magkabilang balikat ko. Seryoso nito akong tinitigan na may kasama pang alog sa mga balikat ko. Alam ko na magiging OA na ito kaya napagpasyahan ko na ding sabihin yung bagay na nalaman ko kagabi.

"Bes dehado ka-"

"Babae sya"

"..."

"..."

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon