Chapter 10

500 33 0
                                    

Tok tok tok

Hmmmmmmmm

Tok tok tok

Hmmmmmm

Tok tok tok

Arrrrrggggg

"Athena?" Napabangon ako. Sino yun?. Hindi yun si Onyok. Mas lalong hindi yun si Nanay. Boses lalaki kasi iyon. Bigla tuloy akong kinabahan. Pinakinggan ko iyong mabuti at halos atakihinako ng may kumatok na naman doon.

Tok tok

"Bes?" Bes? Salubong ang kilay na napatitig ako doon sa pinto. Sinong bes? ako ba yung tinutukoy nun? eh wala naman akong be-, bigla akong napatalon ng maalala na may bisita nga pala ako. Andito nga pala si Harry!.Tinignan ko yung bintana ko. Tirik na yung araw. Napatampal ako sa noo ko. Hindi ako nakapag jogging.

"Bes gising ka na ba?. May naghahanap kasi sayo" Agad kong binuksan yung pinto ko at sinilip si Harry.

"Sino?" Tanong ko dito.

"Kyle daw.. Grabe ka bes, ang gwapo. Manliligaw mo?" Natawa tuloy ako doon. Confirmed.

"Ay totoo nga. Ikaw na! Ang ganda ganda mo naman kasi" Sabi nito na hinawak hawakan pa yung buhok ko. Sumilip ako sa baba, at andoon nga si Kyle.

"Pakisabi saglit lang.. Maghihilamos lang ako" Ngumiti lang si Harry.

"Magpaganda ka girl" Pahabol pa nito bago bumaba.

"Sandali lang daw" Gusto kong matawa doon. Boses lalaki kasi nyang sinabi yun. Gwapo naman si Harry. Matangkad, maputi, gwapo. Pero hindi sya yung katulad ni Kyle na may mga muscle yung katawan. Si Harry kasi ay parang korean style. Hindi naman ito payat. Sadyang hindi lang ito nagpapalaki ng katawan. Mukha nga daw lampa sabi ng mga schoolmates namin.

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni Kyle. Tumayo ito para batiin ako.

"Ok ka lang?" Sabi nito.

"Oo hehe"

"Hindi kasi kita nakita sa park. Akala ko kung ano na nangyari sayo" Naupo ako at naupo din ito.

"Tinanghali ako ng gising. Hindi kasi ako nakatulog ng maaga". Tumingin ito sa likod ko. Andoon si Harry.

"Dahil sa bisita nyo?" Ni kiligin ay hindi ko naramdaman sa selos na pinapakita nito. Parang nainis pa nga ako. Nanghuhusga ito ng hindi naman nito alam kung ano yung tunay na nangyari.

"Hindi. Hindi lang talaga ako makatulog" Medyo inis na sagot ko. Mababakas sa mukha nito yung gulat sa naging pagsagot ko. Umayos ito ng upo bago ngumiti sa akin.

"Pasensya ka na. Nag alala lang naman ako." Tumango lang ako dito. Na sense siguro nito na ayaw ko na syang kausap kaya agad agad itong tumayo. Inayos pa muna nito yung damit nya. Naka polo shirt na ito at short na hanggang tuhod.

"Sige. Aalis na ako." Tuluyan na itong lumabas.

"Bakit hindi mo man lang hinatid si pogi?" Paglingon ko ay nag aalalang mukha ni Harry ang nakita ko.

"Nag away ba kayo dahil sakin?. Sorry bes" Agad akong tumayo at lumapit dito. Niyakap ko ito.

"Hindi, ano ka ba. Uuwi na daw sya kasi papakainin pa nya yung aso nya".

"Wew?. Bakit parang hindi naman ganun?" Kinurot ko ito.

"Wag ka ng matanong" Nag pout naman ito. Tinignan ko yung kinakain nito.

"Ano yan?" Tanong ko dito.

"Itlog" Tumawa pa nga ito.

"Bakit ganyan itsura?"

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon