Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Dumeretso agad ako sa ref para kumuha ng mineral water. Hinintay ko muna si Nanay at nang makita ko ito ay nagpa alam na agad ako."Nay! Mauuna na ako" Paalam ko dito.
"Sige. Mag iingat ka ah"
"Opo" Palabas na ako ng madaanan ko pa si Onyok. Nakangiti na ito ngayon.
"Bye pogi!" Nakangiting tumango naman ito sakin.
Masayang nag jogging ako ng mapansin ko yung pamilyar na panget na aso.
"Rwarr rwarr" Tila bumabati ito sakin.
"Athena!" Kaway ng gwapo nitong amo. Syempre kumaway din ako.
"Sabay ka na samin" Nakangiting sabi pa nito. Syempre sumabay ako. Haha.
Pagkatapos mag jogging ay sumandal ulit kami sa puno. Nag pi-picnic kami ni Kyle ng bigla itong magsalita.
"Ilang taon kana?" Sabi nito.
"17" Sabi ko dito. Parang nagulat pa ito.
"Talaga? Mukha kang nasa 20 na" Ako naman ang nagulat ngayon.
"Mukha ba akong matanda?" Bigla naman itong tumawa bago umiling iling.
"Ang matured kasi ng mukha mo. Ang tangkad mo pa" Syempre proud naman ang lola nyo.
"Ikaw?" Parang nalito naman ito.
"Ilang taon ka na?" Dagdag tanong ko.
"Ah yun ba.. haha 24 na ako" Ako naman ang nagulat.
"Haha bakit?" Tanong naman nito.
"Hala.. ang tanda mo na po pala". Nag pout naman ito.
"Wag ka namang mag 'po' Lalo mo akong pinapatanda eh" Natawa naman tuloy ako.
"Hahaha hindi na po". Tumaas naman ang kilay nito.
"Hindi na hehe" Tumango naman ito at nag thumbs up pa. Nang medyo nakakapaso na ang araw ay napagpasyahan na naming umuwi na sa kanya kanyang bahay.
Nakangiting umuwi na ako. Naabutan ko si Onyok na may kasama sa bahay.
"Mga brod.. Ate ko" Pakilala nito. Dalawang lalaki yung nasa loob. Hindi ito yung mga barkada nya.
"Mga nakilala ko sa palengke. Tulad ko ay tumutulong din sila sa mga magulang nila." Nakangiting sabi ni Onyok.
"Si Will yung naka red.. si Ben naman yung nasa dulo" Pakilala pa nya sa mga ito.
"Athena" Nakangiting pakilala ko. Mga nagsiyukuan naman ang mga ito. Bumaling nalang ako kay Onyok.
"Sige. Uhmmm nagugutom na ba kayo?" Tanong ko kay Onyok, tumango ito habang mga nahihiyang nag siyukuan naman yung mga bisita nya.
"Adobo iluto mo ate. Specialty nya yun eh" Sabi pa nya sa mga kaibigan nya.
"Geh na, magluto ka na. Nahihiya sayo mga bisita ko eh" Pantataboy pa nito.
"Oo.. kung makautos" Bulong na lang iyon. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis.
"Ate mo yun brod. Shit! Napaka ganda."
"May boyfriend na ba yun?"
"Ay walang ganyanan mga brod.. Off limits yun" Ewan ko pero napangiti ako sa sinabi ni onyok na iyon.
Pagkatapos magpalit ng damit ay bumaba na ako para ipagluto yung mga bisita ni Onyok. Mukha naman silang mababait.
Pagkatapos magluto ay umakyat na ako sa kwarto ko. Para makakain ng matitino yung mga kaibigan nya. Naupo ako sa kama ko at kinuha ko yung Diary ko.
Binasa ko ulit yung tula. Inintindi ko itong mabuti.
'I called but you're not answering your phone'
Iniiwasan sya.
'I'm just wondering, when are you coming home?'
Sa iisang bahay kaya sila nakatira?. May something akong naramdaman na hindi ko alam kung ano kaya pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Hinimas ko yung sulat. Magaan yung kamay ng nagsulat nito hindi tulad ko na bumabakat hanggang sa kabilang page. Tinitigan ko ulit iyon at binasa.
Paulit- ulit hanggang sa may madaanan ako na word na ikinahinto ko.
'I'm dying'
Bigla akong kinabahan. Mamamatay na sya?. Ewan ko pero para akong nalungkot sa idea na iyon.
'Baka naman, feeling lang nya mamamatay na sya dahil di nya kaya na malayo sa kanya yung mahal nya'
Inulit ulit ko iyong basahin hanggang sa parang gusto ko ng makita yung nagsulat nito. Gusto ko syang kaibiganin. Mukha syang malungkot.
Ilang beses akong nagpaikot- ikot sa higaan ko bago may isang idea na pumasok sa isip ko.
Pagkatapos kumain ay agad akong pumwesto sa may balkonahe ng bahay namin.
"Goodnight Nay, Ate tulog na ako" Paalam pa ni Onyok bago ito tumaas.
Pinagiisipan ko pa kung magpapaalam ako o hindi ng makita kong busyng busy si Nanay. Hindi naman siguro nito mahahalata at syaka mabilis lang naman ako. Agad akong dumretso sa labas. Mabilis ang mga lakad na tinungo ko yung park.
Huminga muna ako ng malalim bago ko iwanan yung Diary ko sa ilalim ng puno.
"Oh please.. sana sya ulit ang makakita nito. Kundi lagot talaga ako". Mukhang tangang kausap ko sa buwan.
Nang masigurado kong maayos yung pagkakalapag ng Diary ay agad na din akong umuwi. Maswerte na hindi pa tapos si Nanay sa pag aayos ng lamesa. Dali-daling dumeretso ako sa kwarto ko.
"Please sana pumunta ka sa Park" Ilang biling muna ang ginawa ko bago ako makatulog.
-----------------------------
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Teen FictionPosible ba na mahalin mo yung tao na hindi mo pa nakikita?. Yung tao na kahit boses ay hindi mo pa naririnig?. Maging pangkaraniwang impormasyon ay hindi mo alam. Pangalan nito, edad at kasarian. Nang dahil sa isang insidente ay balisang - balisang...