Chapter 7

530 33 3
                                    

Alas dos pa lang ay gising na ako. Pinapakiramdaman ko yung paligid pero tahimik na tahimik. Wala kang maririnig kundi yung mga kulisap.

Pilit kong pinipikit ang mga mata ko pero tumatakbo talaga yung utak ko. Atat na atat na itong pumunta sa park.

Napagpasyahan ko na maligo na lang. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa sala at nanuod na lang ng TV. Ilang sandali pa at namalayan ko na lang na may gising na. Si nanay pala. Nagulat pa ito ng makita ako.

"Napaka aga mo namang nagising?". Natawa na lang ako doon.

"Naalimpungatan ako nay, hindi na ako makatulog kaya bumangon na ako" Tumayo ako at sinundan ito sa kusina. Nag luto ito doon pagkatapos ay inihain sa lamesa.

"Sumabay ka na" Aya ni Nanay pero umiling lang ako.

"Mag jo-jogging ako mamaya. Masamang may laman yung sikmura" Tumango tango lang ito. Pamaya maya ay bumaba na din si Onyok.

Mukhang magandang impluwensya yung mga bago nitong kaibigan. Sumabay itong kumain at tumulong kay Nanay sa pagbuhat ng mga gamit.

Nilinis ko muna yung mga nagamit ni Nanay na plato bago ako sumunod sa kanila sa labas. Tinatali pa nila yung ibang mga basket sa taas ng tricycle.

"Anak." Biglang sabi ni Nanay. Lumingon ako dito.

"Po?"

"Maaga kang umuwi ah.. Baka ngayon na dumating yung padala ng ate mo".

"Ayun!" Hindi ako yun. Si Onyok yun na napasuntok pa sa kawalan. Edi sya na excited.

"Opo.." Hinintay ko pa muna silang umalis bago ako nag start mag jogging. Malapit na ako sa Park ng masalubong ko na naman si Kyle. As usual, gwapong gwapo pa din ito kasama yung panget nitong aso.

"Athena!" Tawag pa nito. Patakbong lumapit naman ako dito.

"Rwarr rwarr".

"Hi daw".. Sabi ni Kyle na hinimas himas pa yung aso nya. Mukhang tangang kumaway naman ako dito at nag 'hello' pa.

Pumunta na din kami sa Park at umikot ikot doon ng mapagpasyahan namin na tama na. Sumandal ulit kami sa puno habang nag pupunas ng kanya- kanyang pawis. Nakangiting tinignan ko ito.

"Bakit?" Tanong naman nito. Patay. Nahuli.

"H-ha?. Wala" Tumawa naman ito bago ginulo gulo yung buhok ko.

"You're so cute.. I wanna take you home" Napakagat naman ako sa labi ko. Gusto kong sabihing 'Go on, take me home' Pero parang ang landing pakinggan. Pang ilang beses pa lang ba mula ng magkita kami?. 2? 3?. Tapos ganun na agad. Bad Athena. Bad Athena.

"Hehe" Awkward na tawa ko. Sumeryoso naman ito ng mukha at sumandal ulit sa puno.

Ilang sandali pa at tumunog ang cellphone nito. Mukha itong nabadtrip doon dahil padabog nitong pinasok sa maliit na pocket bag nito yung cellphone nya.

Napabuntong hininga pa ito. Nakaka curious man ay pinigilan ko yung sarili kong magtanong.

Ilang sandali pa at nagsalita ito.

"What would you do.. If gustong bumalik ng isang tao sayo?. Yung tao,.. yung taong ilang beses kang sinaktan. Would you,.. would you accept her?. Tell me, what would you do" Hirap nitong tanong. Halata iyon sa pagputol putol ng pangungusap nito.

"Hindi ko alam.. siguro.. siguro" Nangangapang sabi ko. Titig na titig naman ito sa akin na parang ako ang makakasulosyon sa problema nito.

"Siguro bibigyan ko pa sya ng isang chance.. last na chance.. kapag sinaktan nya ulit ako.. edi goodbye na forever". Tumango tango naman ito.

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon