Chapter 9

572 35 3
                                    


Pagkatapos makapag ayos ay bumaba na ako. Nanunuod na doon si Onyok.

"Onyok! Anong gusto mong ulam?!" Tanong ko pa dito habang tumitingin ng mga pwedeng lutuin sa ref.

"Yung may sabaw ate!" Balik sigaw nito.

"Nilagang baboy?!" Alok ko dito.

"Sige sige! Basta ipagbukod mo ako ng maanghang na version!" Tumango na lang ako dito. Mahilig kasi ito sa maanghang habang kami ni Nanay ay hindi makatagal sa ganoon.

Nagsimula na akong magluto. At saktong matapos ako ay dumating na si Nanay. Alas dose na pala.

Naghain na ako. Pagkatapos kumain ay binuksan na ni Nanay yung package. May tatlong laptop doon. Nailing tuloy si Nanay.

"Yung ate mo talaga" Noon pa kasi ni Nanay ito tinatanggihan kasi may Computer naman na itong binili. May wifi din iyon, sadyang madalang lang gamitin. Dahil tuwing gabi lang naman iyong nagagamit lalo na ngayon na wala namang mga klase.

Tuwang tuwa naman si Onyok na agad kinuha yung kulay grey. Kinuha ko naman yung white at napunta kay Nanay yung black.

Madaming chocolates sa loob. May 2 tablet ding nakalagay at 3 iphone. Panay tuloy ang iling ni Nanay habang hindi naman magkamayaw si Onyok sa tuwa. Nang mawala na yung mga gadgets at puro damit na lang ay medyo napangiti na si Nanay. Stress talaga sya pag gumagastos si Ate ng malaki para sa mga bagay na hindi naman kailangan. Natuwa ako ng mapansin ko na may mga school supplies pa sa ilalim.

"Oh mga anak.. Magpasalamat kayo sa ate nyo ah" Tumawa lang ng tumawa si Onyok.

"Kung andito sya! Mahahalikan ko pa sya!" Tumatalon na umakyat ito sa hagdan. Naiwan naman si Nanay para maglinis ng mga kalat. Tinulungan ko ito. Binukod bukod nya yung mga damit. Yung para sa akin, para kay onyok at para sa kanya.

"Bagay ito sayo anak" Tukoy pa nito sa isang T-shirt. Sinukat ko naman iyon.

Ilang sandali pa at tahimik na yung bahay. Nasa kusina si Nanay at nag aasikaso na ng kakainin mamayang hapunan.

"Ah Nay"

"Hmmm" Sabi nitong nasa niluluto ang atensyon. Pumunta ako sa likod nito at niyakap sya doon. Tumawa naman ito.

"Anong kailangan ng anak ko?" Sabi pa nitong nakangiti sa akin. Ako naman tuloy ang natawa ngayon.

"Natatandaan mo Nay yung kaklase ko na laging sumusundo sa akin?" Tumango ito at tila nag isip.

"Si Harry?." Tumango ako at lalong sumiksik ng yakap dito.

"Boyfriend mo na sya?" Bigla akong napalayo dito.

"Grabe ka naman Nay, diba't nakita nyo na, na mas malambot pa sakin yun?" Tumango tango ito. Parang sinasabi na ituloy ko.

"Eh kasi kanina tumawag sya sakin.. Umiiyak sya.. tinanong nya ako kung pwedeng dito sya matulog.. Eh um'oo' naman ako. Mukha kasi syang may problema" Tumigil ito saglit. Bago lumingon sa niluluto nya.

"Magtatagal daw ba sya?". Nagkibing balikat ako.

"Oh sige. Ikaw magbantay nito at aayusin ko yung kwarto ng Ate mo." Napangiti naman ako doon.

"Salamat Nay!" Tumango lang ito bago tuluyang umalis.

Naghahalo lang ako ng naalala ko na ngayon ko nga pala titignan yung Diary ko sa park. Tinignan ko yung niluluto ko, matagal pa ito.

Naghahalo ako ng may marinig akong tumatawag sa labas.

"Athena!" Sigurado akong si Harry na iyon. Tinignan ko yung niluluto ko. Pwede namang iwanan itong adobo. Agad akong nagtatakbo sa labas. Kinawayan ko ito.

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon