Tok tok tokHmmmmmmm
tok tok tok
Hmmmmmmmm
"Athena.. anak.." Nagdilat na ako ng mata doon.
"Po?.."
"Bumangon ka na dyan.. kakain na.."
"Opo". Nanlalatang bumangon ako at dumeretso na sa baba.
Andoon si Onyok na mukhang wala sa mood. Pagkatapos kumain ay hinila ko ito.
"May problema ka ba?". Inalis naman nito yung kamay ko sa braso nya.
"Wala" Sabi nito. Pero halata naman sa boses nito at sa mga kinikilos nya na meron.
"Sabihin mo na ng matulungan kita". Nagmumukmok na naupo naman ito. 'Goodboy'. Naupo na din ako. Nakita ko pa na nag thumbs up si Nanay.
"Panget ba ako?" Biglang tanong nito.
"Ha?! Ikaw? Hahahaha nasaan na yung confidence mo sa katawan?. Ang dami- dami nun ah" Biro ko pa dito.
"Tsk! Tinapak tapakan nung babae na yun! Dapat nga matuwa sya dahil sa lahat ng babaeng nagpapacute sakin, sya! as in sya lang pinansin ko!" Mukmok pa nito.
"Nagpacute sya sayo?" Tanong ko dito. Parang batang sumiksik naman ito sa bangko nya.
"Hindi" Nakangusong sabi pa nito. Gusto kong tumawa pero baka mainis ito sakin kaya kinagat ko na lang yung labi ko. Nakita pala ako nito.
"Tsk! Geh lang, tumawa ka" Banta nito.
"Pfffftttt" Pigil tawa ko.
"Kasi naman eh!. Napaka pakipot nun". Tumuro pa ito sa may pinto na parang andoon yung babae.
"Baka naman hindi ka lang talaga type bunso?" Tanong ko dito. Inis na tumingin naman ito bago nalungkot.
"Tama ako nuh?" Tumango tango ito.
"May boyfriend daw sya" Napa palakpak pa ako.
"Kita muna! Hindi problema yung mukha mo kasi gwapo ka talaga bunso! Sadyang taken lang sya!" Parang batang nag pout naman ito.
"Eh busted pa din ako" Sabi nito. Natawa naman ako.
"Ok lang yan bunso. Madami pang babae dyan" Ilang sandali pa at naging normal na din itsura nun.
"Sya ang nawalan!" Mayabang na sabi pa nito bago hawi-hawiin yung buhok nya.
"Sa gwapo kong ito?. Pinakawalan pa nya? Hahaha hindi na sya makakakita ng ganitong mukha!" Nakangising tumayo pa ito bago inayos yung damit nya.
"Nabusted man ako.. Gwapo pa din to!" Tatalon talon pa na umakyat ito ng hagdan.
"Sus, kababaw mo" Sumandal ako sa upuan at tumingin sa bintana. Maaliwalas yung hangin. Naisipan kong maglakad lakad ulit.
Tinignan ko muna kung nasa kusina pa si Nanay. Nakabukas yung gripo ibig sabihin ay andoon pa din ito. Parang pusa akong lumabas.
'Yes! Tagumpay!' Naglalakad lakad lang ako ng maisipan kong pumunta sa park. May nakita akong anino sa may puno kung saan ako tumatambay. Naka sombrero iyon. Tumayo iyon at may iniwan sa may puno bago naglakad palayo. Nang makaalis na ito ay dahan dahan akong lumapit sa puno.
Nagulat pa ako ng makita ko yung Diary ko. Sigurado akong ito iyon base sa kumikinang kinang na cover nitong butterfly. Agad ko iyong kinuha at niyakap. Bago ko naalala yung anino. Sinundan ko iyon pero wala ng tao.
Ilang sandali pa at umuwi na ako. Baka mapagsarahan ako ng pinto. Nakangiting pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa may kama ko.
"I miss you my Diary, akala ko hindi na kita makikita huhu. Saan ka ba nanggaling?" Mukhang tangang kausap ko pa dito. Agad ko iyong binuksan para ikwento sana yung nangyari samin ni Crush kanina ng may mapansin akong nakasulat na i'm 100% sure na hindi ko sulat.
'Oo, kasi kelan pa naging maganda yung sulat mo?'
Napairap na lang ako doon. Edi oo na. Ako na may panget na sulat. Hinimas ko yung bagong sulat na iyon. Bago ko maisip na basahin ito.
--
How are you? Where are you now?
Darling, I miss your hands in mine.
I called but you're not answering your phone.
I'm just wondering, when are you coming home?.It's been six months since that day.
I just wanna check if you're still okay.
Do you miss me like I miss you?
Do you comb your hair like I used to do?And I know you said that you needed time.
But time is what we don't have right now.
I'm dying and I need your lips on my own.
Please Darling, come back home.
--Parang may pumiga sa puso ko matapos kong basahin ang tula na iyon. Nagulat pa ako ng may pumatak sa papel na iyon. Luha ko pala. Natatawang pinunasan ko iyon.
"Bakit ka ba umiiyak? Para tula lang eh" Sermon ko pa sa sarili ko.
Kinuha ko iyong cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato. Nanginginig ang mga kamay na nilipat ko iyon sa kabilang page.
Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang kamay ko na nagsulat.
April 24, 2016
Dear Diary,Kung ano man ang pinagdadaanan mo, huwag kang mawawalan ng pag asa. Bawat pag sikat ng araw ay may bagong buhay na naghihintay. Kung sino man ang umalis sa buhay mo, babalik sya. Kung hindi sya bumalik, hindi sya ang taong nakalaan para sayo.
P.s.
Hindi ka nag iisa.
Sinarado ko na iyon pagkatapos at maingat na nilagay sa bag ko.
Ewan ko ba pero parang bigla akong na excite. Dali-dali akong natulog.
------------------------------
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Teen FictionPosible ba na mahalin mo yung tao na hindi mo pa nakikita?. Yung tao na kahit boses ay hindi mo pa naririnig?. Maging pangkaraniwang impormasyon ay hindi mo alam. Pangalan nito, edad at kasarian. Nang dahil sa isang insidente ay balisang - balisang...