Chapter 2

362 24 15
                                    

Febuary's POV

Pagkatapos ko ilabas lahat ng luha ko ay lumabas na ako sa cubicle upang mag retouch. Nakita ko sa salamin ang pamamaga ng mga mata ko. Ang pangit ko na~

Palabas na ako ng CR nung hinatak niya ako ulit papasok ng CR at agad nilock ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ni Charlotte dun?" sabi ko sakanya.

"I missed you alot," sabay yakap niya saakin "It's been three days nung di ako nakauwi ng condo mo" dagdag niya. Yung amoy niya nakakaturn on talaga, Namiss ko din siya. Pero?

"Yixing, Baka mahuli tayo ni Charlotte tama na nasa public place tayo"

"Hindi yan, Miss na miss na kita eh, Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko binibigyan ng kiss" natawa naman ako ng bahagya dahil umandar na naman pagiging isip bata niya.

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at mabilis siyang hinalikan sa labi niya ngunit bigla niya ako sinunggaban ng mapupusok na halik. At hindi pa siya na kuntento dahil pinaupo niya ako sa may lababo at hinalikan pababa ng aking leeg

"hmm, lay~ stop~" baghaya kong sabi kaya agad syang tumigil

"Uuwi ako mamaya sa condo mo wait for me huh?" tumango naman ako, binaba niya ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ako sa noo at labi ko.

Nag ayos lang ako ulit at naunang lumabas ng cr para hindi kami mahalata.

Pag kadating sa table namin ay bungad agad saakin si charlotte.

"Bakit ang tagal mo naman?" Sumagot ako agad.

"Kasi nasira tyan ko" sa sinabi ko na yun tumawa siya.

"Basta Feb ah yung boyfriend mo ah ? pakilala mo saakin dapat kasing kisig at kasing gwapo ng Yixing ko yan ah?" biro niya.

"For sure naman hon halos katulad ko ang boyfriend ni Feb. Diba? Feb?" sabay singit ni yixing sa usapan.

~~~

Pag uwi ko ng condo, Binagsak ko sarili ko sa sofa. Nastress ako sa mga nangyare kanina. Jusko, Yixing~ Bakit? Bakit iisa lang minahal namin ni Charlotte.

"Makapag shower nalang para marelax ako" sabi ko sa sarili ko.

Pagtutok ko sa shower, Unti unti pumasok sa isip ko yung mga panahon na nagkakilala kami.

Bumalik ulit ako nung flower shop na pinag orderan ko dahil mali yung naibigay saakin.

Pagpasok ko ng shop ay lumapit agad ako sa counter. Magsasalita palang sana ako nung nagsalita na yung nasa counter.

"Thank you po maam na bumalik kayo sorry po sa abala ito na po yung flower niyo. Sir ~ Ito na din po yung sayo." Sabi nito pagkakuha namin.

Nagkatagpo ang mga mata namin, Hindi ako basta basta na iinlove sa unang tingin palang pero sakanya bigla ako nakaramdam ng kakaibang pintig sa dibdib ko.

*Door Bell Rang*

Kaagad ako napadilat ng mata baka si Yixing na yan. Agad kong kinuha yung bathrobe ko at sinuot ito, dahan dahan akong lumabas ng banyo habang tinatali ang robe ko. Pagkasilip ko sa labas siya na nga iyon.

Kaya binuksan ko na ito, Pumasok siya dito kaya sinarado ko agad yung pinto. Inabot niya saakin yung bulaklak na dala niya at hinalikan ako noo.

"Thank you" nakangiti kong sabi

"Wait? kumain ka na ba? pag luluto kita anong gusto mo?" Mag lalakad na sana ako papuntang kusina kaso hinatak niya ako pabalik sakanya at niyakap.

"Ikaw lang gusto ko, Wala ng iba, Ikaw lang" sabi niya.

"Sus? pero kanina para kang linta kay Charlotte" sabi ko.

"Alam mo naman yung sitwasyon diba?" sagot niya.

"Oo alam ko di ka mabiro nako mababasa ka sa ginagawa mo basang basa ako mag bibihis muna ako" sabi ko sakanya.

"Wag ka ng magbihis ganyan ka nalang , at Tara na sa kama" nagulat ako ng bigla nya ako buhatin papasok ng kwarto sabay halik sakin

Same MistakeWhere stories live. Discover now