Chapter 6

261 18 4
                                    

February's POV

"Sir, Saan po tayo pupunta?" Palabas kami ng building habang hawak ni Sir Mave ang wrist ko. Sakit huh! Kailangan mangaladkad?! Marunong naman ako maglakad e.

"Shut up." Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kanyang kotse. "Get in! Now!" Nakakatakot siya kaya di na ako pumalag.

Tahimik lang kami sa byahe, di familiar sakin ang mga kalsadang dinadaanan namin pero di na ko pumalag kasi.. Sya ang boss ko pero safe naman sya diba?

Maya maya huminto kami sa mall, sumunod naman ako sakanya dahil ayoko makaladkad in public, awful me diba? At baka mabalita pa at malaman pa ni Yixing mayayare talaga ako.

Huminto kami sa isang botique, nilapitan lang ni Sir Mave yung isa sa mga sales lady at nag usap maya maya ay nilabas na nito ang mga damit, tinitignan ito isa isa ni Sir Mave at tinawag niya ako kaya lumapit ako.

"Ito, ito, at ito, isukat mo ngayon na." bigay niya saakin ng na natipuhan niyang damit. Parang aso naman ako kung utusan nito, ano suntukan nalang?! Kung di lang kita Boss.. Nakoooo! Pumasok na ako aa fitting room ng nakabusangot.

~~

Maraming beses din ako nag labas pasok sa fitting room pero wala parin syang gusto, wag nalang kaya akong madamit parang yun kasi yung gusto nyang iparating sakin. Nakakapagod ah.

At sa wakas may nagustuhan na rin sya, jusko jugigo! Ewan ko ba dito double date lang naman gagawin kailangan pa bang elegante ang susuotin.

"Ayan nalang ang kukunin ko, yang suot niya." Sabay tayo sa kinauupuan nya. Gustong gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa mga katagang sinabi nya, sa wakaaas~

Binilhan niya din ako ng kapartner na heels, purse at accesories, Pinaayusan niya na din ako sa parlor.

Baka mamaya kaltas to sa sweldo ko. Tch, subukan nya. Natanaw ko syang nakatayo sa di kalayuan kaya lumapit na ako sakanya, bat pa kailangan ng ganto maganda naman ako huh sa simpleng paraan.

Nang nasa harap nya na ko ay nakatitig lang sya sakin di ko alam kong may mali ba sakin or may tama na sakin si Sir. Charooot! Enebe. Hahaha.

"Finally We're both ready" nakangiti nyang sabi, omg for the first time in the history.. Ngumiti din ang mokong.

~~

Habang nasa biyahe walang nag sasalita samin, grabe naman tong ginawa niya saakin, isang beses lang naman namin tong gagawin eh para lang may mapakita sya sa bestfriend niya.

Nung andun na kami sa resto, napansin ko parang wala namang tao.

"Bakit parang walang tao Sir?" Tanong ko sakanya.

"Because we rent the whole place for us, at ayun sila." sabi niya at turo doon sa dalawang couple sa loob. Bababa na kami ng sasakayan ng bigla ulit syang nag salita. "Don't call me boss, just call me love, okay love?" At ngiti niya. Napapoker face nalang ako. I'll try asar ka Sir.. Ay este LOVE.. Hahahahafuckyousir. -___-

Inalalayan niya naman ako bumaba ng sasakyan niya. Pinahawak niya ako sa braso niya at sabay kaming pumasok sa loob ng resto.

Habang nag lalakad kami, hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayare, nang papalapit kami ng papalapit nakikita ko na kung sino ang mga kasama namin.

"Mave" tawag niya ng masigla kay Sir, at napatingin siya saakin "Feb? Really? What a small world. Look hon , ang mga bestfriends ko sila pala. Finally I met your girlfriend Mave. Di ako makapaniwala." tuwang tuwa at shock na shock na sabi ni Charlotte. Humarap naman saamin si Yixing alam ko sa mga mata niya na nag seselos na siya at nagagalit pero pinili niya ngumiti.

Please.. Don't think anything else Yixing. Please!

"Congratulations pre siya pala yung pinag mamayabang mo. Small world talaga." si Sir parang wala lang sakanya ang mga nangyayare isang magaling na faker.

Yari na sa dami dami ng magiging childhood bestfriend si Charlotte pa. I'm trap na talaga.

Habang inaalalayan ako ni Sir umupo ay nararamdam ko ang matatalas na tinging sakin ni Yixing. Parang anytime gusto nya akong hilain palabas at kausapin. Kung nakakamatay lang ang tingin, panigurado patay na ko. Kaya hanggat maari ay iniiwasan kong tumingin sakanya.

Lord, kainin na po sana ko ng lupa. Please.

Nasa gitna kami ng date namin at habang masayang nag kukwentuhan si Sir at si Charlotte, tinitignan lang ako ni yixing na poker, tahimik lang kaming dalawa.
"Feb? Paano kayo nag kita nito ni Mave curious ako eh" ngiti niya saakin pagkatapos nung tanong niya.

"Huh?" Ayun lang nasagot ko.

"Well? Ako na sasagot sa question, kasi baka kiligin pa si love eh diba?" Sabay hawak niya sa bewang ko at halik sa pisngi ko. Lalong nag iba aura ni Yixing sa ginawa niya pinagpapawisan tuloy ako ng malagkit sa mga nangyayare.

Habang nag kukwento si Sir nag paalam si Yixing na pupunta ng banyo.

Sana matapos na ito! Nagmamakaawa po ko. Gustong gusto ko ng magexplain kay Yixing e!

Natapos ang date or katalk shitan na to ng sobrang tagal. Pag pasok namin sa sasakyan ni Sir ay agad akong may nareceive na text sa phone.

From: Babe ❤

"Ihahatid ko lang to si Charlotte, Explain everything."

Shit! Dead meat na ako nito. Kinakabahan man ako ay di ko maiwasang maging masaya kasi.. Mukhang nagseselos sya, it means? Mahal nya talaga ko? Hihihihi. Enebe Yixing~

"Thank you." Out of nowhere na sabi ni Sir kaya napatingin ako sakanya.

"No problem Sir." pilit kong ngiti.

Same MistakeWhere stories live. Discover now